Three

2.5K 39 9
                                    

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Hi. :)"

Ang lamig ng panahon, ang sarap lang tumambay at magfoodtrip sa loob ng bahay habang nagcocomputer. At sa ngayon, facebook lang ang ginagawa ko. Scroll down, scroll up, scroll down, scroll up tapos scroll down ulit. Puro ganun lang, stalk ng mga profile, etc. Hindi naman ako madalas makipagchat, lalo na sa mga 'di ko naman kilala. Titigil naman agad yan basta wag na lang pansinin eh.

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Hi ate. :)"

Ate? Kapatid mo 'ko? Feeling close. Tsss. HAHA. Scroll up, scroll dow---

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Uy. Ang sungit mo naman."

Waaahh. Ang kulit -.-

"Hindi ako masungit. Bakit? Close ba kasi tayo?"

After 5 minutes wala pa din siyang reply. Panis nanaman siya sakin! Bwahahaha!

Pipindutin ko na sana yung log out button ng biglang..

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Uy. Slr. Naghugas lang ako saglit. :)"

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Haha. Hindi nga. Pero kagabi nag friend request ako sa'yo, tapos kanina inaccept mo. Ibig sabihin, tinanggap mo yung request ko kung pwede ba tayo maging friends. ;)"

Aba. May point ah?

"Ah ganun ba? Sige unfriend na kita."

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"Uy waaaag. Eto naman, parang hindi kaklase."

Whaaat? Kaklase? Bat di ko alam yun?

"Kaklase? Ikaw? Kaklase ko? Eh hindi nga kami nadadagdagan sa room eh. Fourth year highschool na 'ko, 4 years na 'ko sa school na yun. Pero hanggang ngayon, 37 pa din kami sa room."

*BLOOOP*

Kyle Calderon

"I mean, magiging kaklase mo palang ako. Bukas papasok na 'ko, tropa ko si Jake. Nagtanong lang ako sa kanya kung sino magiging kaklase. :)"

Ganoooon? :3 Tinamad na 'ko kaya sineenzoned ko na lang siya at saka nag-out.

**

Paggising ko, syempre naghilamos muna ako. Inuna 'ko na ang pagkain bago pa man maligo. Pagtapos ay nag-ayos na ako at pumunta na sa school.

Naka-earphones ako habang naglalakad, walking distance lang naman kasi ang school ko dahil nasa loob lang ito ng subdivision kung saan ako nakatira. Sobrang lakas ng tugtog sa 'king tainga at napapakanta na din ako dahil nakakadala yung musika. Literal na halos lutang yung utak ko, para bang nasa mundo ng musikang aking pinapakinggan. (Ang lalim noh? HAHAHAHA) Bigla na lang may nangalabit mula sa likod ko, kaya agad ko naman siyang na-sampal sa mukha dahil sa sobrang gulat. Na-sampal sa guwapong mukha. Ga.. guwa.. napaka-guwapong mukha.~

PARA SA MGA BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon