Chapter 7: I like you?

8 4 0
                                    


Ashton's POV

Nandito kami ngayon sa Gymnasium  dahil ngayon ang araw ng practice sa basketball as usual madami na naman ang nanonood kahit na hindi pa laro

Medyo strict si coach ngayon at mainit ang ulo dahil ilang araw nalang ay Laban na.

"Go Ashton!!!" sigawan ng grupo ng mga babae sa may bench

"Lakas mo talaga bro" umiling pa at tinapik ako sa balikat ng isa kong teammates

Napatawa Lang ako at umiling, sana nandito yung lucky charm ko

Nag 5 mins break muna kami dahil may biglang tumawag kay coach sa cellphone nya, mukhang importante to dahil minsan lang mag pa break time si coach

"init ng ulo ni coach mga pre, kaya ayusin nyo para di tayo matalo" pag papaalala ko sa mga teammates ko

Tumango lang sila at nagsi-inuman ng gatorade at ang iba naman ay nag pupunas ng pawis

"Bro balita ko magagaling daw makakalaban natin ah" sambit Ni Sean na nagpupunas Ng pawis

"Mas magaling Naman tayo don bro tiwala Lang" sabay kindat ko sakanya

Hindi rin nagtagal bumalik na si Coach at nagpatuloy na kami sa pag pa'practice

Napansin ko na mas dumarami Ang Tao dito sa loob Ng Gymnasium kaya nilibot ko Ang paningin ko baka sakaling Makita ko Yung Inspirasyon ko Hindi ko naman inaasahang nandito sya na nanonood kasama si Brittany at Yung bago nilang kaibigan I Think Amandaleigh ang pangalan non

"Bro, nandito si Ashley" sambit ni Ethan habang mag sho'shoot Ng bola

Tumango nalang ako at muling tiningnan si Ashley na nasa bandang taas bigla akong kinabahan Ng magtama Ang mga tingin naming dalawa

Iniwas ko na lamang Ang tingin ko sakanya at nagpatuloy na sa pag pa'practice nag sisigawan paden Yung ibang grupo Ng babae na nandito sa Gymnasium Hindi ba napagod Ang mga lalamonan nila kakasigaw Ng pangalan ko psshh, muli Kong ibinalik Kay Ashley Ang tingin ko dahil may lumapit sakanyang lalaki.

Napakunot ang noo ko ng makitang may kinakausap si Ashley na matangkad at payat na  lalaki, mukhang babakuran nya pa ang crush ko. Huminga ako ng malalim at ngumisi, bro ako nauna dyan.

Nag patuloy ang practice nakaisip ako Ng paraan para maagaw ko Ang atensyon ni Ashley saktong mag sho'shoot ako ng bola tinawag ko si Ashley

"Ashley!!!" Napatingin sya sakin at umasim ang mukha "Para sayo 'to!" pag sigaw ko sabay shoot sa bola

Sa unang pag kakataon, kinabahan at nag alinlangan akong baka di iyon mashoshoot pero dahil magaling ako sa basketball, pasok na pasok ang bola sa ring.

Sinulyapan ko sya at kinindatan sabay may nag si-tilian sa ibang bench ng grupo ng babae, kinilig siguro sa ginawa kong pag papansin kay Ashley.

Umirap lang si Ashley at nag cross arm, taray mo Naman baby ash ko. Ngumisi ako at nag patuloy sa pag lalaro.

Pumito na si coach at nag sensyas na break time daw muna ulit dahil tinawag sya ng Dean, mukhang may problema? Nagkibit balikat lang ako at patakbong bumalik sa mga gamit namin, kumuha ako ng towel at gatorade at umakyat sa parte ng gymnasium kung nasaan si Ashley

Nakita kong nandon pa ang lalaking kaninay kausap nya, tinignan ko lang sya ng matalim at agad nya Naman itong naintindihan

"Ashley see you around, may gagawin pa ako" rinig kong paalam nya, ngumiti si Ash at nag wave ng kamay. Aba? bakit sakin hindi sya ganyan? Unfair naman Baby ko

BATTLE CRYWhere stories live. Discover now