Prologue

51 7 0
                                    

Prologue

Author's Note: Ngayon Lang po ako gagawa Ng story sa Wattpad, kaya Sorry for grammatical errors, hope you'll like it! Enjoy reading! Thank you for Reading this story!

                ____________________


"If you ever leave me baby."

Napatigil ako sa pag inom ng tequila ng marinig ko ang kantang nakakapag paalala sakin sa taong gusto ko ng makalimutan.

Eto mismo yung kantang madalas nya kantahin pag mag kasama kami, madaming alaala ang nakakapag balik sa kantang ito.

"Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have,
We don't have it anymore."

"Parang isang pamilyar na boses ang kumakanta ng kantang iyon" Bulong ko sa sarili ko

Agad kong nilingon ang kasalukuyang kumakanta sa stage ng bar na ito, bumilis ang tibok ng aking puso sa nakita ko, tila ba'y unti unting bumagal ang paligid.

"Don't you say, goodbye
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding
If that'll make it right
'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it will rain."

Nakapikit ang kanyang mata at dinadama ang bawat liriko ng kanta, kasabay ng pag patak Ng luha Mula sa aking mga mata.

"Bakit Ngayon pa? Bakit bumalik ka pa?" Aniya ko

"Ilang taon na ang nakalipas pero bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat,sobrang sakit pa din." sambit ko sa sarili ko kasabay ng pagpunas ng mga luha sa aking pisnge

Agad akong tumayo sa kina-uupuan ko at nag iwan ng pera sa lamesa, dali daling umalis sa lugar nayon at tumungo sa parking lot para umuwi na. Bakit kung kailan mo gusto makalimot ay tsaka naman susulpot yung taong iniiwasan mo. Ang labo mo tadhana.

"Bakit nag pakita ka pa sakin ha bak-.." Sambit ko sa sarili

Napatigil ako sa paglalakad ng may humila sa braso ko.

"Stop running , we can fix these just please" napapikit sya at tila parang nahihirapan sabihin ang nais nya iparating
"just p-please talk to me baby, its been years since we fall apart pagbigyan mo naman ako ng chance na bumawi" Nanghihinang boses nya kasabay ng pag ihip ng malamig na hangi

"What are you doing?! Anong kailangan mo sakin,bitawan mo ang braso ko nasasaktan ako." madiin kong sagot , hinawi hawi ko ang braso ko para makabitaw sya.

Tinanggal nya ang pagkakahawak ng kamay nya sa aking braso at dahan dahang lumuhod habang hawak nya ang kamay ko, ang lamig ng kamay nya.

"Please baby, give me a second chance promise I will be good for you, itatama ko ang mga pagkakamali nagawa ko sayo at ibibigay ko ang mga pagkukulang ko sayo just please baby." Gusto ko syang kaawaan at pagbigyan ng pangalawang pagkakataon ngunit mas nangingibabaw ang sakit at galit na meron sa puso ko.

"Hindi madaling magbigay ng pangalawang pagkakataon sa lahat ng ginawa mo, sinaktan mo ako! " Pasigaw kong sambit sakanya
"Sinaktan mo ako ng sobra sobra" nanghihina kong sinabi,napaiyak na ako ng sobra dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko "wala na akong tiwala sayo, sinira mo na lahat"

Mariin ang pagkakatingin ko sa kanya,wala na akong pake kung masaktan man sya sa mga sinabi ko.

"Gagawin ko ang lahat para bumalik ka" mahinang sambit nya "please mahal, baby ko ayosin natin toh Hindi ko kaya na Wala ka please"

Gusto kong punasan Ang mga luha nya at patayuin sya, Ang sakit tignan, Nasasaktan padin akong Makita syang ganyan, Mahal kita.. Mahal na mahal pero sobra na.

"We're done, matagal na kaya tigilan mo na ako!" Pagtatapos ko ng usapan at dali daling na akong umalis sa harapan nya

Napabagsak sya sa lupa at wala na akong pake doon, pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang pag kabog ng puso ko sa nangyari.

Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo at biglang niyakap nya ako mula sa likod ko, pumiglas ako sa pagkakayakap nya,todo ang pagmamakaawa nya sakin pero tila wala na akong naririnig sa lahat ng mga sinasabi nya.

"Please baby...please give me a second chance" sambit nyang mahina ang boses

Mas Bumilis Ang tibok Ng puso ko, tanging sakit, galit at puot ang nararamdaman ko ngayon.

Nagpumiglas paden ako dahilan para nabitawan nya ako sa pag kakayakap nya.

Nang mabitawan nya ako nag madali na akong tumakbo patungo sa sasakyan at pinaandar ito ng mabilis para makaalis na sa lugar na iyon.

"Mahal kita, pero tama na sarili ko muna." Bulong ko sa sarili ko kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata ko.

Hindi ko na pinag aksayahan tignan ang likod ko kung sumunod ba sya o hindi, kailangan kong maging matatag at kailangan ko syang kalimutan at layuan. Tama na lahat ng sakit, tama na!

"I imagined you will be with me for the rest of my life. I thought we were going to the end. But you are just one lesson in my life that I need to learn, bakit Kasi nangyari Ang lahat nang iyon?" Bulong ko sa sarili ko

BATTLE CRYWhere stories live. Discover now