#flashback#
October 1,2002Dianne's POV
Nakaupong mag isa si Inigo sa mesa niya habang umiinom ng alak. Medyo madilim sa parteng iyon ng bar. Nilapitan ko siya.
"Hi. Okay lang ba kung tumabi ako sayo dito?"tanong ko sa kanya habang nakangiti. Yeah, I still know him. He likes it when girls approached him first. Medyo suplado siya kasi palibhasa nuknukan ng gwapo. Ngumit siya sa akin.
"Sure." Umupo ako sa upuan paharap sa inuupuan niya.
"I'm Dianne," pagpapakilala ko.
"Inigo. Inigo Rosales," sabi niya sabay alok ng handshake. Inabot ko naman iyon.God. I really missed him. Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa nagkapalagayan na kamk ng loob sa isat isa. I mean, siya pala. Dahil ako, matagal ko na siyang nakapalagayan ng loob. Umabot sa point na napag usapan namin mga naging girlfriends niya. How they met and how they ended their relationship. Oo, nagseselos ako. Nasasaktan. Pero wala akong karapatan para patagalin yun sa sistena ko. Nang iniwan ko siya ay binigyan ko siya ng karapatang mabuhay ng wala ako. At umibig sa ibang babae. Napabuntong hininga na lang ako saka ngumit at nagpatuloy sa pakikinig sa masasayang alaala niya kasama ang mga naging karelasyon niya. Kung pwede lang sanang hanapin sa utak kung saan ako nakatago ay ginawa ko na. Pero sino pa ba ang may gustong maalala iyon? That memory was dark, lonely and worthless.
#end of flashback#Present time
Dianne's POV
Kakatapos ko lang maligo nang tumun ang phone ko. Kinuha ko ito. Si Michelle, tumatawag. Nag away na naman ba sila? Kelangan na naman ba nila tulong ko? Pero hindi na pwede, kinamumuhian na ako ni Inigo ngayon.
"Hello?"mahina kong sabi.
"Diaaaaaaaaaaaannnee!" Halos mabitawana ko angphone sa lakas ng sigaw niya.
"O bakit parang masaya ka yata ngayon?"
"Suskunwari ka pa. Alam ko namang sinabi na sayo ni Inigo eh," sagot niya. Napamaang ako.
"Hindi nga. Ano ba yun?"
"Its our engagement two weeks from now! Imagine?? Im so excitd!"Parang may bumikig sa lalamunan ko nang marinig iyon. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko. Engagement? Silang dalawa?
"Hello? Dianne? Anjan ka pa ba??" Kaagad kong pinahid ang lumabas na luha sa akkng mga mata.
"Ah eh.oo. C-cingratulations!"bati ko na pilit pinapasaya ang boses. Matagal nang natapos ang tawag subalit nasa tenga ko pa rin ang cellphone.
"Congratulations...congratulations...." tila naubusan na ako ng lakas at napaupo na naman sa sahig. Ilang luha pa ba ang iluluha ko?***
"Ano?? Ikakasal na sila?"bulalas ni Samantha habang naghihiwa ng patatas. Nakaupo lang ako sa harap niya, nakapangalumbaba.
"Engagement pa lang, hindi pa kasal," pagtatama ko.
"Tss. Eh san ba papunta ang engagement na yan? Edi sa kasalan din. Nako, kung sa mg amahihirap yan, wala ng engage engage. Kasalan na ora mismo. Sayang sa pera pa eh," mahabang litanya niya. Napabuga ako ng hangin.
"Insan, should I take the risk?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Kinagat niya ang hiniwang patatas saka kinain.
"What is life without a little risk. Go girl! Its about time para ipaglaban mo ang pag iibigan niyo na dati pa ay hinaharangan ng bruha niyang nanay."Nakaramdam ako ng kakaibang lakas sa inabi ng pinsan ko. Kakausapin ko na si Inigo. Sasabihin ko na sa kanha ang lahat lahat.
Pinuntahan ko si Inigo sa opisinang pinapasukan niya. Nagtanong tanong kung saan siya. Nasa cafeteria daw. Tinahak ko ang daan patungong cafeteria at nakita ko nga siyangmg isang nakaupo sa isang mesa. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ko siya nilapitan. Napahinto siya sa,pagtitimpla ng kape niya nang makita ako. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. First time kong makita siyang ganyan.
BINABASA MO ANG
Written Memories
Short StoryMerong girl bestfriend si guy. Siya ang puntahan nito tuwing nag aaway sila ng kanyang girlfriend. At siya din ang gumagawa ng paraan para magkaayos lang ang mga ito. Ang girl nato ay merong isang diary. Lahat sinusulat niya dito. Isang araw, nak...