"Pero gusto ko lang malaman mo, mahal na mahal kita. Noon at hanggang ngayon. Lalayo ako dahil iyon ang gusto mo. Hindi mo na ako makikita Inigo," sabi ko at tumalikod na. Nakailang hakbang na ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Nilingon ko siya.
"Its our engagment next week," mahina niyang sabi. Pagak akong tumawa.
"Oo nga pala. Congratulations sa inyo ni Michelle. Sana maging masaya kayo," naiiyak kong sabi.
"Gusto niyang ikaw ang kunin niyang official photographer." Wala na ba talaga siyang puso? Sadista ba siya? Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? Ang sakit sakit na.
"Kung hindi okay sayo...." Itinaas ko ang kanang kamay ko para tumahimik siya. Dahil sa bawat salitang lumalabas sa labi niya ay nagbibigay ng sakit sa akin.
"Sige. Tatanggapin ko ang hiling ni Michelle. Ito na lang ang magiging regalo ko para sa inyong dalawa," sabi ko.Mahina siyang tumango saka umalis na.Napahawak ako sa dibdib ko.pakirmdam ko kasi anumang oras ay sasabog na ako. Ganito ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal?
Inigo's POV
Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko. Nalilito na talaga ako. Kung parte ng nakaraan ko si Dianne, aning gagawin ko? Sinabi niya kanina na mahal na mahal ko siya dati. Ganun ba talaga kapag nagka amnesia? Pati yung nararamdaman ay nawawala? Naalala ko ang sulat. Kailangan king mahanap iyon. Pero saan kaya yun itinago ni Mama? Lumabas ako ng silid saka pinuntahan ang kwarto ni mama. Narinig ko na may kinakausap si Mama sa telepono.
"Kailangan niyang tumahimik. Kung kailangang dalhin mo siya sa napakalayong lugar o sa isolated island, gawin mo," sabi niya. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni mama.
"She's a threat to my son. Kailangan na niyang manahimik." Kinabahan ako sa narinig. Sino kaya ang kausap nimma? At sino ang pinag uusapan nila??Dianne's POV
Nag iimpake na ako ng mga gamit. Aalis na ako dito. Babalik na lang ako sa araw ng engagement nila Inigo at Michelle. I cant stay here anymore. Hindu ako makakapag move on kapag nanatili pa ako dito. Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Inikuwa nun si Samantha.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo pinsan? Tanong niya. Tumango ako.
"Wala na akong gagawin dito. Ang dahilan kung bakit nandiritoako ay wala na," malungkot kong sabi. Niyakap ako ng pinsan ko.
"Kaya mo yan. Ganun talaga eh, kung hindi ukol, hindi talaga bubukol." Napaiyak na naman ako. Nagiging iyakin na talaga ako ngayon. Napabuntong hininga ako.
"Kakayanin ko pinsan," sabi ko sa kanya.Inigo's POV
Sinundan ko si mama nang palihim. Narinig ko kasing magkikita sila ng taong kausap niya kanina. Ilang sandali pa ay inihinto niya ang sasakyan sa isang restaurant. Pinark ko na din ang sasakyan ko saka sinundan siya papasok sa loob. Umupo siya sa pinakasulok na bahagi ng restaurant kung saan naroon na ang isang lalaki na balbas sarado. Mukhang killer ang mukha nito. Pasimple akong lumapit sa kanila nang hindi napapansin. Pinakinggan ko ang pinag usapan nila habang kunwari ay nakatungin ako sa menu na binigay ng waiter.
"Ano nga ulit ang pangalan ng kikidnapin ko?" tanong ng lalaki.
"Dianne. Dianne Villegas,"sagot ni mama. Nabitawan ko ang hawak hawak na menu. Si Dianne?Kaagad akong umalis. Pupuntahan ko si Duanne. Baka maunahan pa aki ng tauhan ni mama. Saka ko na lang kokomprontahin si mama kapag maramu na akong ebidensiya laban sa kanya. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa tinutuluyan nina Dianne. Kahit gaano pa ka laki ang galit ko sa kanya pero hindi ako papayag na gawin sa kanya yun ni mama. Hindi pwedeng mamatay siya o lumayo nang hindi ko man lang alam kung saan siya pupunta. Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng bahay nila. Kaagad akong bumaba at nag doorbell. Pinagbuksan naman ako ng pinsan niya na si Samantha. Bahagyang nagulat siya sa pagkakita sa akin.
BINABASA MO ANG
Written Memories
Short StoryMerong girl bestfriend si guy. Siya ang puntahan nito tuwing nag aaway sila ng kanyang girlfriend. At siya din ang gumagawa ng paraan para magkaayos lang ang mga ito. Ang girl nato ay merong isang diary. Lahat sinusulat niya dito. Isang araw, nak...