The Final Chapter

4.1K 178 23
                                    

Dianne's POV

"I will love her for the rest of my
life.." paulit ulit itong sumasagi sa
utak ko na parang sirang plaka. I
am driving right now and I dont
know where to go. Hilam na ng
luha ang aking mga mata. This
night is the end of everything. Wala
na akong magagawa pa talaga. He
ended it a while ago.

"Ang sama sama mo Inigo! Mahal
na mahal kita subalit ganito pa ang
ginawa mo sa akin. Isinakripisyo
ko na ang lahat para sayo."

Sana maaksidente na lang ako.
Mamatay na lang. Para hindi na
ako mahirapan pa. Pagod na
pagod na ako. Pakiramdam ko
patuloy lang akong masasaktan
kung mabubuhay na ako.

Minerva's POV

"Ano nagawa mo ba yung utos ko
sayo?" Nasa labas na ako at
tinatawagan si Diego.

"Opo mam. Lahat nagawa ko ng
walang problema."

Tumawa ako ng malakas. "Mabuti,
mabuti. Sinusunda mo ba siya
hanggang ngayon?"

"Opo mam."

"Tell me where are you right now.
Dahil ako mismo ang tatapos ng
lahat." Ilang sandali pa ay binaba
ko na ang tawag.

"We'll see the end of everything.
Sana noon pa lang ay nilinis na
kita. You ruined everything so I will
do my revenge." Kinuha ko ang
baril na nasa shoulder bag ko,
hinimas himas ko ito saka tumawa
ng malakas.

"Paalam Dianne."

Inigo's POV

Mabilis akong pumasok sa aking
sasakyan. I meed to find Dianne
but I dont know where to find her.
Ilang beses ko na siyang
tinatawagan subalit unattended pa
rin. Napamura ako.

"Nasaan ka na ba Dianne!?"

Palabas na ako ng building nang
makita ko si mama na pumasok ng
sasakyan. Parang nagmamadali
siya. Tama. Lihim ko siyang
susundan. Baka alam niya kung
nasaan si Dianne. Ilang sandali pa
ay nasa highway na kami. Palabas
na kami ng main road. What the!
Bakit ang layo layo na namin? Pero
sige lang, sulinusundan ko pa rin
siya. Marami pa rin naman kasing
mga sasakyan ang dumadaan dito
kaya hindi niya ako mahahalata.

Minervas POV

Malapit na ako sa tinurong lugar ni
Diego. Napangiti ako nang
matanaw ang kotse ni Diego sa
unahan ko. At nakita ko rin ang
pulang sasakyan ng Dianne sa
unahan niya. Ginagap ng isa kong
kamay ang baril sa bag na katabi
ko.

"We're almost there." Nag overtake
na ako kay Diego. Nagsilbato siya
tanda nang alam niyang ako ang
nag overtake sa kanya. Binuksan
ko ang bintana ng sasakyan ko.

Dianne's POV

NATANAW ko buhat sa rearside
mirror na may bumubuntot sa akin
kanina pa. Pinunasan ko ang aking
mga luha. Sino kaya ang
sumusunod sa akin? Nagulat ako
nang may mag overtake sa
sumusunod ako at mas lalo akong
nagulat nang makilala kung sino
ang nag overtake. Sasakyan iyon
ni tita Minerva. At dumungaw siya
sa bintana. Napatili ako nang
biglang may pumutok.

"Aaaaaaaah!!!"

Inigo's POV

Nagulat ako nang makarinig ng
putok. Binilisan ko ang
pagpapatakbo ng sasakyan ko at
nakita ko ang sasakyan ni mama
at sa unahan naman ay sasakyan
ni Dianne. Saan galing ang putok?
Nakita ko ang pagdungaw ni
mama sa bintana niya at may
hawak na baril. Pinaputukan niya
ulit ang sasayan ni Dianne. Nakita
ko ang pagtama ng bala sa gulong
ng sasakyan ni Dianne. Hind
pwede to. Baka maaksidente si
Dianne. Mag oovertake sana ako
kay mama kaso may bumabangga
bangga sa aking isang itim na
sasakyan. Hindi kompagsino yun
dahil sa tinted ang salamin.

Written MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon