Dear Diary,
Tama ba ang ginawa kong desisyon? Hindi na ako nagpakita pa kay Inigo dahil natatakot ako na baka siya pa ang mawala sa akin. At kung magpapakita pa ako sa kanya, baka balikan ako at ang pamilya ko ng mama niya? Tama bang isinkarioisyo ko ang pagmamahalan namin alang-alang sa kaligtasan namin at ng mga taong nagmamahal sa amin?Writing to you,
DianneInigo'S POV
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nababasa ko sa diary ni Dianne. At hindi ko rin inakala na ganito pala kasama ang ina ko. Napakalaki na pala ng hirap na dinanas ni Dianne dati pa. Hanggang ngayon ay dala dala pa rin niya ang hirap at sakit na dala ng nakaraan. Napayuko ako at malalim na nag isip. Kailangan kong makagawa ng plano. Ng desisyon. Dahil hanggang ngayon, litong lito pa rin ako. Isa lang ang alam ko, I want to keep Dianne safe and alive.
#flashback#
Hindi ko napigilan ang umiyak nang mabasa ang sulat ni Dianne sa akin. Tiningnan ko si mama. I cant see any sadness in her eyes. Parang masaya pa nga siya sa nangyari. Tumayo ako at akma na sanang bubuksan ang pinto nang hinawakan niya ako sa kamay.
"Where are you going?"tanong niya.
"Hahanapin ko si Dianne ma. Hindi niya makakayang gawin sa akin to."
"Hindi pa ba sapat na patunay tong sulat nato para maniwala kang niloko ka lang niya?"galit na sabi niya sa akin.
"Mas naniniwala ako sa nararamdaman kesa sa naririnig o nababasa Ma," sagot ko saka dali daling lumabas ng bahay. Nasa kalagitnaan na ako ng byahe. Madilim na sa labas at umuulan na rin. Pakiramdam ko ay sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.
"Dianne. Nasaan ka na ba? Hindi mo ako iniwan diba? Sasagutin mo na ako ngayong araw. Pangako mo yun sa akin. Magiging girlfriend kita. At ako ang magiging pinaka swerteng lalaki sa buong mundo. Dianne! Mahal na mahal kita. Wag mong gawin sakin to," umiiyak kong sabi. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata nang biglang kumidlat. Nasilaw ako at nang iminulat ko ay may papasalubong na truck. Ikinanbiya ko ang sasakyan para lumiko sa kaliwa. Pero huli na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang malakas na tunog sa paligid at ang tuluyang katahimikan.
#end of flashback#Dianne's POV
Nakaupo ako sa may munting kubo sa likod ng bahay namin. Biglang kumulog at ilang sandali pa ay punatak na ang ulan. Ewan ko ba. Pero natutuwa ako kapag umuulan. Ito kasi ang pinakamasayang panahon para sa amin ni Inigo.
#flashback#
May payong akong dala habang pauwi kami ni Inigo galing eskwelahan. Umuulan kasiaya magkasukob kaming dalawa sa payong ko. Nagulat ako nang lumabas siya sa payong at parang maliit na bata na nag enjoy sa paliligo sa ulan. Natawa ako sa reaksiyon niya.
"Ligo ka na rin," yaya niya. Napalabi ako.
"Ayoko nga. Baka siounin pa ako no." Gumuhit sa kanyang labi ang isang nakakalokong ngiti. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at akmang yayakapin dahil syempre mababasa ako kapag yumakap ang basang katawan niya sa akin.
"Huwag kang lalapit. Ihahampask talaga ang payong kong ito sayo," banta ko sa kanya. Subalit bingi na siya sa kasiyahang nadarama. Lumapit pa rin siya sa akin at niyakap ako. Kaya ayun, nabasa ako. No choice. Naligo na lang din ako.
"Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag umuulan," sabi niya.
"Bakit naman?"tanong ko.
"Kasi umiiyak si mama kapag umuulan eh," natatawa niyang sabi. Oo, alam ko na pinapahirapan siya ng mama niya. Hes living in a mansion with a ferocious tiger.
"Kahit na nakaka guilty, subalit pakiramdam ko parang nakaganti ako sa masasamang bagay na ginagawa sa akin ni mama. Alam ko ngayon, umiiyak na naman siya kaya gumaan na pakiramdam ko" nakangiti niyang sabi.At naiintidjhan ko siya. Maswerte ako na kahit mahirap lang kami, masaya naman kami ng pamilya ko. Naaawa nga ako kay Inigo eh.
#end of flashback#
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Sana araw araw na lang umulan. Para araw araw ding umiyak si tita Minerva. Para sa doon lang ay makaganti din akk sa kanya sa mga paghihirap na idinulot niya sa buhay namin ni Inigo.***
Dear Diary,
Alam kong masyadong childish ito..pero alam mo ba na guamawa kami ni Inigo ng passcode? Oo. Bale combination ng mga birthday namin. At nabuo namin ang 041829. Pareho kasing April ang kaarawan namin. 18 sa kanya at 29 naman sakin. Ang cute di ba?hehehe.Writing to you,
DianneDear Diary,
Umiyak si Inigo sa harapan ko. First time ko talaga makakita ng lalaking umiiyak kaya atfirst di ko pa alam kung paano siya iko comfort. Kaga hinayaan ko na lang siyang umiyak nang umiyak hanggang sa magsawa siya. Saka pinagsalita nang linagsalita ko naman siya hanggang sa mamaos siya sa kakasalita. Nakikinig lang ako. Pero akalain mo yun, pagkatapo nun niyakap niya ako nang mahigpit at nagpasalamat dahil daw sa tulong ko. Pero wala naman akong naitulong eh. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Mas weird pa kesa saming mga babae?Writing to you,
DianneNapapangiti ako habang binabasa ang diary. Ginagawa ko ba talaga to? I mean namin pala dati? Hindi ko maimagine ang mga pinanggagawa ko dati. Mahal ko pala talaga si Dianne? Bakit hindi ko agad iyon naramdaman nang muli kaming magkita?
Minerva's POV
Kailangan ko nang malinis lahat ng ebidensiya tungkol sa nakaraan nina Inigo at Dianne. Baka kung makita pa lahat yun ng anak ko ay magtanong pa siya sa akin at hahakungkatin ang nakaraan niya. Kinuha ko sa drawer ang sulat ni Dianne. Binasa ko ulit ito.
#flashback#
"Isulat mo ang mga bagay na sa tingin mo ay ikakagalit sayo ni Inigo," utos ko sa kanya. Nahinto siya sa pagsusulat. Nakita ko ang panimulang bati niya. Mahal kong Inigo. Huh!
"Ganyan talaga ang panimulang bati mo sa anak ko?"
"Buburahin ko na lang po." Akma na sana niyang buburahin subalit pinigilan ko.
"Hayaan mo na yan. Ang importante ay ang laman ng sulat na yan. Gawin mo ang ipinag uutos ko sayo."Habang dinidikta ko sa kanya iyon ay hindi ko mapigilan ang tumawa. Paano naman kasi paiyak iyak siya habang sinusulat iyon. Ilang sandali pa ay natapos na din ang sulat. Kinuha ko ito sa kanya.
"Good girl. Now, take this money, at magpakalayo layo ka na. Get out of out sight, you parasite."Inabot ko sa kanya ang sobreng may pera at nanginginig niya itong tinanggap. Mahihirap talaga, madaling masilaw sa pera. Pinaalis ko na siyaat masayang masaya na binasa ulit ang sulat. Kinahapunan ay bumalik siya sa akin. Nakagayak na siya at may dala ng mga bagahe.
"O ano pang binalik mo dito? Kulang pa ba ang pera?" May kinuha siya sa bag niya. Sobre ng pera iyon na binigay ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang sobre.
"Hindi ko po kailangan yan. Kailanman ay hindi mapapantayan ng pera ang pagmmahal ko kay Inigo," sabi niya. Napabuga ako ng hangin.
"Ano na namang drama to,ha?"galit kong sabi.
"Lalayo ako hindi dahil sa kagustuhan niyo. Pero lalayo ako alang alang kay Inigo at sa pamilya ko." Pinalakpakan ko siya at tumawa ng malakas.
"Bueno, humayo ka na at wag nang babalik pa," taboy ko sa kanya. Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Isa iyong, cassette tape. Inabot niya yun sa akin. Nagdududa ko itong tinanggap.
"Compilation po yan ng paborito naming kanta ni Inigo. Sana man lang po ay maibigay niyo yan sa kanya."
"O siya. Umalis ka na! Bago ka pa maabutan dito ni Inigo! Bilis! Labas!"
#end of flashback#
Tama. Ang tape na iyon. Kailangan kong mahanap iyon. Baka ano pa ang laman nun.
BINABASA MO ANG
Written Memories
Short StoryMerong girl bestfriend si guy. Siya ang puntahan nito tuwing nag aaway sila ng kanyang girlfriend. At siya din ang gumagawa ng paraan para magkaayos lang ang mga ito. Ang girl nato ay merong isang diary. Lahat sinusulat niya dito. Isang araw, nak...