Kabanata 1: Number 43
Isinara ko ang full height locker ko at tumambad sa tabi ko ang isang lalaki. Nakangiti, nakasandal pa ang siko sa locker na katabi ng akin.
"Hi," nakangiti niyang bati sa akin. "Alejandro nga pala." pakilala niya saka siya naglahad ng kamay sa akin.
Tinignan ko yon saka tinanggap, "Prima."
Lalo siyang ngumiting tumingin sa akin habang nagsh'shake hands para bang nawala siya sa sarili.
"Ummm, Yung kamay ko," nahihiyang sabi ko saka siya nginitian.
Natawa naman siya at binitawan ang kamay ko. "Sorry,"
Nginitian ko siya for the last time at umalis dala dala ang shoulder bag ko. Pero di pa ako nakakalayo nang marinig ko ang boses niya.
"Teka lang," aniya at naramdaman ko siya sa tabi ko. "Anong section mo?"
"10-Peace," sagot ko habang patuloy pa din sa paglalakad at siya naman ay sinusundan ako.
"Magkaklase pala tayo. Sabay na tayong pumasok," aniya at sabay na kaming naglakad sa classroom.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay tumambad sa akin ang grupo ng mga lalaki at babae na pinagtitripan ang isang lalaking nakasalamin. Bully. Ang tatanda na bully pa sila.
Inakbayan naman ako ni Alejandro saka inilayo sa mga grupong yon.
"Matagal na nilang gawain yan. Kawawa nga yang si Job e," aniya at pumunta kami sa pinakalikod na upuan. Tumabi siya sa akin.
Pinagmasdan ko ang paligid at kanya kanya sila ng mga ginagawa. Maliban sa mga bully kanina ay mukang may nag aaway din ng grupo ng babae sa isang tabi, pinagkakaisagan ang isang babae. Meron namang walang pakialam sa mundo na nagtetext lang at natutulog. Meron din sa isang tabi na naglalandian. Meron ding nagbabasa ng libro kahit second week pa lang ng school. May grupo din ng mga lalaking nagsisigawan, nagkukwentuhan.
"New comer ka diba? Buti lumipat ka dito sa school?" Tanong sa akin ni Alejandro na nasa tabi ko.
"Yung kakambal ko," sagot ko naman at bahagya ako nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko nanaman ang kakambal ko. "Pinaghiwalay kasi kami ng school pagkatapos..." hindi ko na natuloy ang sinabi ko. Nabalot na ako ng lungkot.
"Wag ka nang malungkot. Nandito naman ako e. Handang maging boyfriend mo- este kakambal mo," nakangiti niyang sabi sa akin at bahagya akong natawa.
Ilang minuto pa'y nagkwentuhan muna kami ni Alejandro bago dunating ang aming guro.
"Nandito ba ang late enrolee? Saka yung transferee?" Tanong ng aming guro.
"Ma'am iisa lang po sila," sagot naman ni Alejandro. "Eto po nasa tabi ko."
Napatingin naman sa akin yung guro saka ako tinawag para magpakilala.
"Prima Sylva Ariza, 16. Sana maging kaibigan ko kayong lahat." pakilala ko at bigla naman pumalakpak si Alejandro.
Baliw talaga.
"Ang galing mo," sabi niya pagkaupo ko sa upuan.
"Nagpakilala lang ako anong magaling dun?"
"Wala lang, ahehe." sabi niya at ngumiti.
"Baliw ka Alejandro,"
"Alejandro? Ang haba masyado. Alej na lang itawag mo sa akin." nakangiti niyang sabi
"Alej? Ang panget naman," natatawa kong sagot.
"Aray ko bhe," aniya at napahawak pa siya sa dibdib niya na nasaktan kuno. "Ginawa ko ang panget na pangalan na yun para di ka mahirapan tapos lalaitin mo lang? Ang saket naman. Wag ganun bhe." aniya at natawa na lang ako. Baliw talaga.