Kabanata 2: Meet in Hell
Nakatulala ako't nakatingin sa kawalan. Hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko matanggap. Para bang pinagbagsakan ako ng sandamakmak na patalim, masakit na bagay, lahat lahat!
Kasalanan ko to. Kasalanan ko tong lahat! Napakamakasarili ko! Ang sama sama ko.
"Nak, handa na ang almusal," tawag sa akin ni manang saka din siya lumabas.
Pinunasan ko na ang mga luha ko na kanina pa pala tumutulo. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto.
"Anak, sigurado ka na bang lilipat ka ng school?" Tanong sa akin ni daddy nang makaupo ako sa upuan. Nagbabasa siya ng dyaryo habang nagkakape with his big reading glasses.
"Yes dad," sagot ko at kumuha ng bread at bacon.
"Laboratory School? Sigurado ka ba na gusto mo sa ganong skewalahan? Pinag eexperimentuhan ang mga studyante dun. Sila ang ginagamit ng mga student teachers para sa practice teaching nila," sabi ni Dad habang nagbabasa pa din ng dyaryo. Humigop siya sa kape niya at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Magandang school daw yon, dad. Matatalino daw ang mga studyante dun. Ang swerte ko nga at nakapag enrol ako dun kahit hindi ako nag exam e. Diba?" Sagot ko at kumagat na sa tinapay na kinuha ko. Pinagtuunan ko din ng pansin ang bacon na pinaglalaruan ko lang ngayon.
"Nakapag enrol ka dahil nagbayad tayo ng malaki sa kanila," Ani Dad saka inilipat ang pahina ng kanyang dyaryo. "You know what happened to your sister there. Ayokong mangyari din sayo yun." dugtong niya pa.
"Exactly. Alam ko ang nangyari sa kanya. Kaya nga lilipat ako dun e." sabi ko at ininom ang hot chocolate ko. "Sige po, alis na ako. Baka malate ako." Paalam ko saka na umalis. Hinatid ako ng driver namin papunta sa school.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Di ko akalaing mangyayari to. Di ko akalaing mararamdaman ko to. Ang pagkamuhi ko sa kapatid ko dati parang nawala lahat ngayon. Ngayon ko lang naramdaman to. Ang guilt, lungkot, sa kapatid ko. Dati, tanging galit lang ang nararamdaman ko sa kanya. Pero ngayon, ngayon ko lahat narealize. I love her. I care for her.
Sinara ko ang full height locker ko at tumambad sa tabi ko ang isang lalaki. Nakangiti sa akin, nakasandal pa ang siko sa locker katabi ng akin.
"Hi," bati niya habang nakangiti pa din.
Tinignan ko siya gamit ang walang emosyon kong mata. Tinalikuran ko siya saka naglakad.
"Uy teka," dinig kong sigaw niya saka ako hinabol. "Prima, kumusta ka na? Mabuti at pumasok ka na? Ayos ka na ba? Ayon kasi sa mga narinig ko-"
Hinarap ko siya at tinignan niya ako gamit ang nag aalala niyang mga mata. Oh yes, I can read expressions through their eyes.
"Pwede ba? Di kita kilala so get lost," wika ko saka siya inirapan.
Narinig kong hinabol niya ulit ako pero di ko na lang siya pinansin.
"Hindi mo ako maalala? Ako si Alej. Nagka amnesia ka, Prima?" Tanong niya pero di ko siya pinansin.
Pagkapasok ko sa classroom ay nahinto ang lahat sa mga ginagawa nila at nakatingin sila sa akin. Maski ako ay napahinto sa kinakatayaun ko, sa may pinto, isang hakbang papasok sa classroom.
Ang mga grupo ng lalaki't babae na may binubully na lalaki sa harap, mga naglalandian sa isang tabi, nagbabasa ng libro, nagchichismisang mga babae, nagsisigawang mga lalaki, lahat ay natulala. Nakatingin sa akin na parang gulat.
Tinignan ko silang lahat at di na lang pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at narinig ko ang mga bulungan nila.
"Omg. I thought she's dead?"
"Hindi ba siya yung babae sa locker room?"
"Tol yung crush mo oh, nagbalik. Pero diba siya yung pinukpok ng baseball bat?"
"Buhay pa siya?"
Umupo na lang ako sa pinakalikod na upuan. Hanggang sa makaupo ako ay nagbubulungan pa din sila.
"Siya ba ang bagong gf ni Alej?"
"Ewan. Ang bilis naman niya makamove on kay Pat?"
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Si Alej. Tsk. Ang kulet!
"Hi," nakangiti niyang bati sa akin. "Main topic ka hanggang ngayon. Simula kasi nung nangyari sa may locker area, akala ng lahat ay patay ka na. Pero salamat at hindi totoo yun. Di ko nga din expect na papasok ka pa at ganito din kabilis ang paggaling mo."
"Pwede ba? Lumayo ka," inis kong sabi sa kanya.
"Dito ang upuan ko," aniya habang nakangiti. Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.
"Uy alam mo, may kamuka ka," aniya at napatingin ako sa kanya. Hawak niya pa ang baba niya't nakatingala na para bang nag iisip.
"Sino? Yung mama mong maganda? Tss. Luma na yan," sagot ko. Tss, flirt.
"Hindi," aniya saka tumingin sa akin ng seryoso. "Kamuka mo yung babaeng nasa puso't isipan ko." Tinitigan ko lang siya ng masama at ngumiti siya ng malapad. "Boom Panes~" Sabi niya na may nakakalokong tono with matching actions pa.
Inirapan ko na lang siya. "Baduy mo,"
Ilang minuto pa'y dumating na ang aming guro. Bata pa lang siya, babae, nakasalamin. Siguro nasa early twenties at medyo chubby at maliit. Pero maganda naman.
Bumati ang mga kaklase ko at umupo na.
"Prima Ariza, 16. I'm not here for friendships or relationships." Pagkasabi ko nun ay nagbulungan ang mga kaklase ko. Di ko alam bakit kailangan ko pang magpakilala.
"She's really alive,"
"Multo na yata siya e,"
"Ang tigas naman ng ulo niyan,"
"Mabuti at buhay pa siya,"
Tss. Umupo na ako sa upuan ko nang may kumatok sa pinto. Lahat ay tinignan ang nasa pinto, nakatulala sa lalaking naroon. Para bang hindi makapaniwala na nandon siya.
"Sorry Ma'am I'm late," aniya.
"Good Morning Mr. Chavez. Mabuti naman at pumasok ka. Sige, maupo ka na." sagot ni Ma'am.
Umupo naman yung lalaki somewhere. May kakaiba sa aura niya na nakakapagpadilim ng paligid. Para bang naging mabigat ang aura sa paligid.
"Wala pa din si Patricia," bulong ng babaeng nasa harap ko.
"Naglayas nga daw," sagot naman ng katabi niya.
"Talaga? Akala ko nakidnap siya. Yun ang narinig ko sa iba e,"
Mga chismosa. Tss.
Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang teacher namin sa harap.
"Psst, pagod ka na ba?" Bulong sa akin ni Alej. Bumabanat nanaman. Tss.
"Bakit? Kasi lagi na lang ako tumatakbo sa utak mo? Tss." walang gana kong sagot at hindi man lang tumingin sa kanya.
"Hindi. Kasi lagi ka na lang tumatakbo sa puso ko e," banat niya at napatingin ako sa kanya na halatang nakornihan. "Boom Panes~" sabi niya na may nakakaloko ulit na tono. Inirapan ko na lang siya.
Tulad nga ng sabi ko kanina, hindi ako nagpunta dito para makipagkaibigan o relasyon. Hangga't maaari ay lalayo ako sa mga tao dito. I'll build a wall. At walang makakatibag nun. I don't trust anyone here. Dahil maaaring isa sa kanila ang pumatay sa kapatid ko. Maaaring guro namin, principal, kaklase, batchmate basta nasa eskwelahang to! Dahil hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba na multo ang pumatay sa kanya.
Dahil unang una, walang multong nanggagahasa ng tao! Binaboy niya ang kapatid ko. Sinaktan niya ang kapatid ko, pati din ako, nasaktan.
Kung sino man siya. He will surely pay. Ilang beses man akong pukpukin ng baseball bat, I'll certainly go home running with blood. Blood of victory. Blood of the murderer.