Kabanata 3

19 0 0
                                    

Kabanata 3: White Lady

Pababa ako ng hagdan patungong locker room. Naglalakad ako at pakiramdam ko parang may nakamasid sa akin. Hindi ako kumportable. Di ako mapakali sa lugar. Para bang may mabigat na aura ang nakapalibot sa akin. Para bang nababalot ng nakakatakot na aura ang buong lugar. Iba sa pakiramdam. Para bang danger ang dala ng lugar.

Pagkapasok ko ng locker room ay tahimik. Walang katao tao. Nakakapagtaka.

Bawat hakbang ko ay nag eecho sa buong lugar. Yun lang ang tanging ingay na naririnig ko. Maliban sa tahimik ang lugar ay merong masangsang na amoy. Mabaho sa totoo lang. Mas mabaho pa sa patay na daga.

Halos tumayo ang buong balahibo ko nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. Wala namang bintana dito pero naramdaman ko ang hangin na dumaan sa balat ko. Nakakakilabot. Kinilabutan ako.

Naglakad na lang ako papunta sa locker ko at di na pinansin pa ang nakakailabot na aura ng lugar.

#42

Yan ang numero ng locker ko. Binuksan ko yon at inilagay ang mga librong hindi ko na gagamitin mamaya.

"T-tulong..."

Di ko alam kung imahinasyon ko lang iyon pero may narinig ako. Bulong lang siya. Halos wala nang boses, hangin lang. Mukang paos na din ito. Lalong nagtaasan ang balahibo ko.

"A-al~" Dinig ko pang bulong. Paos na talaga siya. Walang boses na maririnig pero dinig mo ang bulong niya. Alam ko weird pero ganun ang naririnig ko.

Pumikit na lang ako ng mariin saka umiling.

Imahinasyon mo lang yan. Wag ka kasing nag iisip ng kung anu ano.

Huminga akong malalim and exhaled kasabay non ay ang pag alis ko ng takot ko. Minulat ko ang mga mata ko. Sinara ko ang locker ko at nadinig ko ang kalampag nito. Pero pagkasara ko nito ay nagulat ako sa nakita. Napatalon pa ako't napaatras sa kinakatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ko at natigilan sa nakita. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gusto nang lumabas ng puso ko.

Duguan na babaeng nakaputi pero pula na ang damit niya. Kulay puti siya at nakatayo sa mismong harap ko. Gulo gulo ang buhok na kulay itim na itim, straight. Mapupula ang mga mata. Gusot gusot ang damit, tabingi ang paa. Bumukas ang bibig niya at nagsuka siya ng dugo sa harap ko.

"Sht," napapikit ako ng mariin saka umiling iling. Tinapik tapik ko pa ang kaliwa't kanang pisngi ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Napabilis din ang paghinga ko sa sobrang kaba. Gusto kong tumakbo at magsisisigaw pero hindi. Matapang ako. Hindi totoo tong nakikita ko. Imahinasyon ko lang to. Hindi totoo ang multo!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ulit minulat ang mga mata ko. Wala na siya. Tama, imahinasyon lang ang nakita ko.

Tumalikod na ako ngunit napatalon ulit ako sa kinakatayuan ko. Sobrang gulat ko at halos atakihin na ako sa puso. Napahawak na ako sa dibdib ko.

"Sht ka Alej!!" Halos pasigaw kong wika sa kanya. Nakatayo siya sa harap ko. Isang dangkal lang siguro ang layo niya sa akin kaya medyo umatras ako.

"Sht? Sosyal mo ah, tae lang yun e," wika niya at natawa pa ng bahagya. "Saka ako? Tae? Wow, gwapo ko kaya!" Aniya pa't hinakawan ang baba niya na nagpapacute. Taas talaga ng tingin nito sa sarili.

"Kung gwapo ka, hindi sana ako natakot sa itsura mo. Tss." sagot ko na lang saka nagsimulang maglakad. Pero naramdaman kong sinundan niya ako.

"Bhe naman, wag ganun. Masakit Bhe," pag iinarte pa niya. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The LocksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon