CHAPTER 7

90 10 12
                                    

Lauren’s POV

Halos dalawang linggo na ang lumipas simula ng mag simula ang training namin, ang dami ko ng natutunan, nakakatuwa din ang mga kasama ko dito lagi kasi kaming nag tutulungan pag nahiirapan kami lalo na si Lance lagi niya kong tinutulungan kaya napapadali ang mga bagay bagay sakin dito.

“Lauren, may gagawin ka ba mamaya?” nagulat naman akong biglang sumulpot si Lance.

“Nang gugulat ka naman bakit anong meron mamaya?” tanong ko sa kanya.

“Day off naman natin eh baka pwede tayong kumain sa labas?”

“Ayoko tatawag si Xavier mamaya eh, minsan na lang kami makapag usap kaya pass ako sila jennie na lang ang ayain mo” sabi ko sa kanya.

“Sige na Lauren please, birthday ko na sa isang araw may duty tayo nun kaya di tayo makakapag celebrate sumama ka na, kasama naman sila jennie eh” pangungulit naman sa akin ni Lance.

“Psh! Fine anong oras ba?”

“7pm dito din lobby okay? Nag paalam na rin ako kila chef Richie na lalabas tayo kaya wala ng problema” tumango namana ko at umalis na siya. umakyat na ko sa hotel room ko pag kapasok ko ay agad akong humiga sa kama hindi ko namalayan na naka idlip na ako.

Nagising ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makita ko ang pangalan ni Xavier agad ko itong sinagot.

“Hello Love!” masiglang bati niya sa akin sa kabilang linya/

“Hi Love” sabi ko naman medyo inaantok pa ko.

“Love anong ginagawa mo may pag kain ka na ba 6:30 na ng gabi” napatayo naman ako ng marinig kong sinabi niya na 6:30 na.

“6:30 na?! SHIT”

“Bakit Love may lakad ka ba?” ji loudspeaker ko ang phone ko at kumuha ng damit sa cabinet.

“Ah oo love, niyaya kasi ako ni Lance kanina mag cecelebrate daw kasi birthday niya na sa isang araw” paliwanag ko habang nag bibihis.

“Si Lance nanaman? Lagi na nga kayong mag kasama jan pati ba naman day off mo kasama mo yan” pag rereklamo ni Xavier.

“Love eto nanaman ba tayo?” sabi ko.

“Lagi na lang kasi kayo mag kasama, pag nag uusap tayo lagi ka na lang nag kikwento tungkol sa lalaking yan”

“Love naman eh” wala akong masabi.

“Bakit? Totoo naman Lauren. Minsan na lang tayo mag usap lagi pang si Lance ang buka ng bibig mo siya ba boyfriend mo?” inis na sabi niya sa kabilang linya.

“Xavier ano ba? Kaya ko nababanggit si lance pag nag uusap tayo kasi kinakamusta mo ang araw ko, malamang mababanggit ko siya katrabaho ko siya eh ano bang problema mo?!” inis din na sabi ko.

“What I mean is you should tell me how’s your day not your day with that fucking man! Did you get me?!”

“Alam mo sa ibang araw na tayo mag usap pag hindi na mainit yang ulo mo”

“Yeah! enjoy your night with that man siya boyfriend mo eh” mag sasalita pa sana ako ng binaba niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na natuloy ang pag aayos nawalan ako ng gana. Maya-maya pa ay may kumatok.

“Lauren” rinig kong sabi ni Lance sa labas ng pinto. Nag lakad naman ako papunta sa pinto at binuksan ang pinto.

“Lauren tara na ikaw na lang ang hinihintay” sabi sa akin ni Lance.

“Pasensya na Lance, bigla kasing sumama yung pakiramdam ko, masakit ang ulo ko, kayo na lang muna siguro. Sorry ha” sabi ko sa kanya.

“Ganun ba? Gusto mo ba ikuha kita ng gamot?” nag aalalang tanong niya sa akin.

“Hindi na sige na umalis na kayo, itutulog ko lang to, ingat kayo”

“Sigurado ka ba?” tumango naman ako. Isinara ko na ang pinto at nag bbihis ng pantulog. Pag katapos ay humiga na ako sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. Sa loob ng dalawang linggo namin dito hindi lang isang beses nag selos si Xavier kay Lance. Hays.

*****

Xavier’s POV

Habang nasa trabaho ako hindi ako mag focus dahil sa inis buti na lang at hindi ako kasama sa taping ngayong araw kundi baka maibintong ko sa mga artista ang inis ko. Thsi is not the first time na nag away kami ni Lauren dahil sa lalaking yun. Pakiramdam ko talaga may gusto siya kay Lauren tss.

“Mr.Evans” napatayo naman ako.

“Yes Sir”

“Ikaw naman anak masyado kang nerbyoso may problema ba?” si ninong lang pala nagulat lang ako kaya napatayo ako.

“Wala po ninong, bakit po kayo naparito?” tanong ko sa kanya.

“Eto kasing si kaibigan mo”

“Bakit po anong meron kay Christian”

“Nabobored daw sa Italy gustong mag bakasyon dito, pero hindi ko naman mapayagan dahil walang mag aasikaso ng business doon sabi ko saka na lang” paliwanag naman ni tito.

“Ganun po ba? Sige tito mamaya tatawagan ko po para kamustahin”

“Sige anak pag sabihan mo na din na tigilan ang pang bababae doon sumasakit ang ulo ko jan sa kibigan mo” natawa naman ako

“Yes ninong I will” sagot ko naman.

“Thank you inaanak, sige na bumalik ka na sa trabaho mo” nag lakad na ito palabas ng office ko.

Naiinis pa din ako hindi mawala sa isip ko kung tumuloy ba si Lauren na sumama sa Lance na yun kahit gabi na. Anong oras pa ko makakauwi ayokong tawagan ulit baka mag away nanaman kami tss.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Christian para pag sabihan napaka babaero kasi mamaya maka buntis to mahirap na.

“Wazzup man!” bungad niya naman sa akin.

“Wazzup your face fuck you!” sabi ko sa kanya.

“Dont you miss you best friend” sabi niya naman sa kabilang linya.

“Nah, I just wanted to tell you to stop being a womanizer ”

“Man! I will stop if I already find my woman you know that!”

“Yeah whatever! Anyways good luck with your life! gotta go I need to finish my work”

Pinatay ko ang tawag niya at nilapag ang cellphone ko sa mesa.

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now