CHAPTER 15 part 2

94 9 6
                                    

Lauren’s POV

Umaga nanaman, nakakatulog lang ako sa pag iyak sa gabi. Hindi pa din ako kumakain simula kahapon. May umaakyat dito para dalhan ako ng pagkain pero hindi ko kinakain, lahat yun galing kay christian. Kahit halos mabaliw na ako sa pag iisip hindi ko gugustuhin na mamatay ang bata na nasa tyan ko.

Kinuha ko ang towel ko at naligo ako. Babalik ako sa doctor na tumingin sa akin kahapon. Nang matapos ako sa pag aayos lumabas ako kwarto ko at sumakay sa elevator pababa sa lobby. Namamalikmata ba ako sa nakikita ko.

“Xavier..” bulong ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit kausap niya si Christian na parang ang tagal nilang mag kakilala. Napalingon si Xavier sa may pwesto ko.

“LOVE!” pag tawag niya sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, hindi ko man lang magawang yakapin siya pabalik. Natulala din si Christian sa kinatatayuan niya ng tawagin ako ni Xavier.

Hinila ako ng mahina ni Xavier papalapit kay Christian. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Christian I would like you to meet my future wife. Lauren.” sabi ni Xavier.

“Y-yes I know him Xav, she is the assistant head chef of this hotel”

“Wow really small world, Love Christian is my best friend since I was a kid his father and dad is also best friend” hindi pa din ako nag sasalita.

“Love are you okay?” tanong sa akin ni Xavier.

“Baka masama ang pakiram---” hindi ko pinatapos mag salita si Christian.

“Xavier, mag usap tayo” tumalikod ako at lumakad pabalik sa elevator.

“Sige bro mamaya na lang dun muna ako kay Lauren” rinig kong sabi ni Xavier at naramdaman kong nakasunod na ito sa akin.

“Love kamusta ka? Miss na miss na kita” hindi pa rin ako umiimik hanggang sa nakarating kami sa kwarto ko. Pag kapasok namin ay iginilid niya ang mag gamit niya. Umupo ako sa gilid ng kama. Nakatayo si Xavier sa harapan ko.

“Love may problema ba? Hindi mo sinasagot ang mga tawag at message ko. Kaya nag punta ako dito” sabi niya sa akin habang hawak niya ang muka ko. Naiiyak ako sa inaakto ni Xavier.

“Love kung may problema ka nandito na ko, ayusin na natin ng sabay, nandito na ko sa tabi mo” hindi ko na napigilan ang pag iyak.

“Love, hindi ko alam kung anong pinag dadaanan mo ngayon, pero nandito na ako. Mag stay ako hanggat kailangan mo ako” hindi ko napigilan ang sarili ko niyakap ko si Xavier at nag iiyak.

“Shhh tahan na, nandito na ako” lalo akong nag iiyak tuwing nag sasalita si Xavier.

“I’m sorry, I’m sorry” walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi sorry. Hindi ko alam pano sasabihin kay Xavier ang lahat. Mula pilipinas sumugod siya dito sa italy dahil lang nag aalala siya sa akin.

“Shhh makikinig ako pag kaya mo na, tahan na” hindi ako kumalas sa pag kakayakap sa kanya. Ayokong makita ang muka niya na nalulungkot dahil sa akin.

Hinaplos niya ang buhok ko hanggang sa tumahan ako.

“Love anong nangyari? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? May problema ba tayo?” pinipigilan ko ang umiyak.

“X-Xavier…” nakatingin lang siya sa akin.

“X-Xavier.. buntis ako” para namang naghina si Xavier sa sinabi ko napaluhod siya bigla sa harapan ko at nag simulang tumulo ang luha.

“I’m sorry, hindi ko alam pano ko sasabihin sayo” umiiyak nanaman ako.

“Kahapon ko lang nalaman na buntis ako Xavier. Lasing ako nun, yung celebration ng promotion ko, pag gising ko ng umaga---”

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now