CHAPTER 10

89 9 2
                                    

Xavier’s POV

Tatlong araw na lang ang natitira bago mag simula ng trabaho si Lauren, until now she’s still waiting for the email. Am I that bad kung hihilingin kong hindi mapili si Lauren para sa mapunta sa Main Store, alam ko kasing pag napunta siya dun may chance na mapunta siya sa ibang bansa. I did my own research about sa company nila ang pinaka magagaling nilang chef pinapadala sa ibang bansa and thats a big opportunity for Lauren alam kong hindi niya tatanggihan.

“Xavier are you okay?” bumalik ako sa sarili ko ng marinig kong tinawag ako ni Ma’am Steph.

“Yes, Ma’am may kaylangan po ba kayo?”

“Itatanong ko sana kung nasimulan na ba ma edit yung movie?”

“Yes ma’am inuumpisahan na po” sagot ko sa kanya

“You have great potential in directing Xavier keep it up. I won’t be surprised if someday you will be famous in this industry”

“Thank you Ma’am” nakangiti kong sagot. Tumango naman ito at lumabas na.

Habang inaayos ko ang sched ko for this month bigla namang nag ring ang telepono sa table ko.

“Sir Evans, someone is looking for you here in the Lobby”

“Sino daw?” tanong ko naman.

“Si Ms. Wyatt daw po”

“Sige paakyatin mo salamat” binaba ko na ang telepono. Ano kayang ginagawa ni Lauren dito. Bigla namang may kumatok na sa pinto ng office ko.

“Pasok”

“Hi Love! Good afternoon” tumayo naman ako at lumapit kay Lauren, hinalikan ko siya sa pisnge.

“Hello Love, what brings you here” tanong ko sa kanya.

“Natanggap ko na yung email kanina and pumunta ako dito para sabihin personally na.. ” nakangiting sabi niya sa akin

“Na??”

“Napili ako para sa main store” mas lalo pang lumaki ang ngiti niya.

“Love? Wala kang imik di ka ba masaya para sa akin?”

“Of course not, masaya ako syempre” hinawakan ko ang muka niya.

“I’m so proud of you, from the start alam kong mapipili ka”

“Ako din love masaya ako. I’m one step closer to my dreams” sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at hinalikan siya sa noo.

“Dumaan lang talaga ako dito Love para sabihin yun sayo, but I have to go na kasi dadaan ako sa main store. 1pm ang sched namin. Im not yet sure kug sino yung isang pumasa dun kaya I have to go na.” sabi niya sa akin.

“Ihahatid na kita”

“Wag na love alam kong madami kang trabaho, tapusin mo na yan ha. Pag pwede ka sa bahay ka mag dinner mamay. Message mo ko kung makakapunta ka para makapag luto ako.”

“Sige, mag iingat ka ah. I love you” sabi ko sa kanya.

“I love you too. Sige na alis na ko ha” kinuha niya ang bag nadala niya at lumabas na ng office.

Napasabunot naman ako sa buhok ko. Shit naman bakit si Lauren ang napaili tss.

*****

Lauren’s POV

Excited na kong mag punta sa main store. Natanggap ko yung email kaninang umaga at pinag rereport kao ngayong araw sa Store. Bago ko pumunta dun dinaanan ko muna si Xavier sa office niya. Muka na din kasi siyang stress. Pagkatapos ay dumeretso na ko sa resto, pag dating ko dun nakita ko si Lance na parang may inaantay, lumapit ako sa kanya.

“Lance anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“Oh hi Lauren, nakatanggap ako ng email kanina ikaw?”

“Wow as in? Ako din nakatanggap ng email kanina, yey mag kasama tayo dito” sabi ko sa kanya.

“Buti naman at ikaw ang kasama ko”

“Bakit parang di ka masaya?” bakas kasi sa muka niya na parang may problema.

“Masaya naman ako, kinakabahan lang ako balita ko kasi mga high class chef ang mga nandito” natawa naman ako.

“Ano ka ba ako din naman kinakabahan pero diba pangarap natin maging isa sa kanila malay natin diba, cheer up tara na sa loob” hinila ko si Lance papasok sa loob ng resto.

Nag antay kaming dalawa sa waiting area ng resto madaming nag aanaty na makakain dahil puno ng reservation. Etong main store kasi kakaiba sa ibang store nandito sa main store ang head office kaya dito kami pumunta. Sa harap ay resto pero pag pumasok ka sa loob makikita mo ang mga silid na may mga empleyado. Ilang sandali pa ay lumapit sa amin ang manager. May nakakabit kasi sa damit niyang manager kaya nalaman kong manager siya ng resto.

“Ms. Wyatt and Mr. Mendoza?”

“Yes Ma’am” sabay na sagot namin ni Lance.

“Pinapatawag na kayo sa office ni Mr.De Luca” sabi niya sa amin.

“Po? Diba po si Mr. De Luca ang may ari ng restaurant na to? Nandito po siya?”

“Yes, nasaktuhan niyo na kakabalik niya lang from italy dahil may business meetings siya na kelangan puntahan dito kaya naman pinapunta kayo agad dito” tumango naman kami ni Lnace tumalikod naman ang manager kaya sumunod na lang kami. Pinaupo kami sa couch. Maya maya pa ay may babaeng lumapit sa amin na may hawak na notebook.

“Pasok na po kayo Ma’am gusto daw po kayong makausap ni Mr. De Luca ng personal” sabi niya samin. Secretarya siguro ito ng may-ari.

“Sige, salamat” si Lance naman ay wala pa ding imik. Sumenyas ako sa kanya na papasok na kami.

Pag pasok namin ay nakita namin si Chef Richi na nakaupo sa sofa at kabilang upuan naman ang isang lalaki na nasa 40+ na kung titigna, siya siguro si Mr. De Luca.

“Hi Lauren, Hi Lance, congratulations sa inyong dalawa” bati sa amin ni Chef Richie.

“Good afternoon po” sabay na sabi namin ni Lance ng makapasok kami.

“Have a sit” sabi ni Mr. De Luca, kaya naman agad kaming umupo ni Lance sa tabi ni Chef Richie.

“I heard that you are the best of those who trained in Zambales, is that true Richie?”

“Yes Sir, they are really good at cooking, they have the potential you are looking for” sagot naman ni Chef Richie.

*****

“Lauren ayos ka lang ba?” tanong ni Lance sa akin.

“Ha? Ah oo ayos lang ako.”

“May problema ba? Simula ng makalabas tayo sa office ni Mr. De Luca di ka na umimik”

“Napaisip kasi ako sa sinabi niya Lance eh”

“Alin dun?”

“Na pag nakita niya na maganda ang improvement natin ipapadala niya tayo sa Italy para mas mahasa ang skills natin, gustong gusto ko yun” sabi ko sa kanya.

“oh gusto mo pala edi galingan natin, anong problema dun?”

“Inaalala ko si Xav, pano pag nakuha nga tayo papuntang italy pano siya? Iiwan ko siya dito? Papayag kaya siya na umalis ako? Ang daming tanong sa isip ko.”

“Lauren pangarap mo yan diba, at sabi mo napag usapan niyo na ni Xavier yan, im sure papayag yun, wag ka na mag alala. Ang isipin mo na lang kelangan mong kumalma. Sa susunod na araw mag sisimula na tayo yun na lang muna ang isipin mo” tumango naman ako.

“Ihatid na kita pauwi?” sabi sa akin ni Lance.

“Hindi na, baka dumaan ako ulit kay Xavier eh. Salamat Lance ha, see you” humiwalay na ako sa kanya, gusto ko sana puntahan si Xav kaso hindi ko alam pano sasabihin sa kanya hays. Uuwi na lang muna siguro ako.

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now