CHAPTER 12

86 8 13
                                    

Lauren's POV

"Sa loob kasi ng 2 weeks na pag sisimula namin sa resto love ano" Hindi ko alam pano ko sasabihin kay Xavier lalo na ngayon ang saya-saya nya.

"Ano kasi, teka pano ko ba sasabihin to. Love pwede bang ihatid mo ko bukas sa work. Personal ko na lang sasabihin sayo"

"Hmm sige. I'll pick you up at 6:30am" parang wala sa mood na sa sabi niya.

"Thank you love, congrats ulit. matutulog na ko ah. Good night, i love you" sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya inantay sumagot. Ibinaba ko na ang tawag.

-----

Maaga akong nagising 5am pa lang gising na ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung paano ko sasabihin kay Xav. Napabuntong hininga ako. Bumangon ako at agad na kumilos para mag ayos. Nakarinig ako ng dalawang beses na pag busina mula sa labas ng bahay namin. Siguradong si Xav na yun, sakto at tapos na ko mag ayos, kinuha ko ang mga gamit ko at bumaba na tulog pa sila mama pag umaalis ako kaya ni lock ko ang pinto at sumakay sa kotse ni Xav.

“Good morning Love” hinalikan niya ako sa pisnge.

“Good morning din” bati ko din sa kanya.

“Ano pala yung dapat sasabihin mo kagabi? Maaga pa naman eh 10mins lang nasa work mo na tayo.”

“Hmm ano kasi Love” huminga ako ng malalim, bago mag salita ulit. Tumingin ako sa kanya, nakatitig sa akin si Xav, bakit ba ganito kahirap sabihin to.

“Love, sa totoo lang hindi ko alam pano to sasabihin sayo, ipapadala kami ni Lance sa Italy, naimpress sila sa perfomance namin sa kitchen at may malaking potential daw”

“.…….” wala akong narinig na sagot kay Xav.

“Love, ano wala ka bang sasabihin?” sa pananahimik ni Xavier ako mas natatakot kesa sa pag sasalita niya sa akin. Inistart niya ang kotse.

“Love, teka lang mamaya mo na paandarin, kausapin mo muna ako” hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit ng mahigpit sa manibela.

“Please, kausapin mo muna ako” pag pupumilit ko.

“Anong gusto mong sabihin ko?” walang emosyon na sabi niya sa akin.

“Sabihin mo kung ayos lang ba sayo na umalis ako o hindi” mahinang sabi ko.

“Pag sinabi ko bang HINDI OKAY sa akin na aalis ka, hindi ka ba tutuloy?” sagot niya.

“Xavier, alam mong pangarap ko ito diba, bakit ka ba ganyan!?” naiiyak na sabi ko.

“Bakit?! ano bang gusto mong sabihin ko? Na okay lang? Na sige umalis ka kasama si Lance dun kayo sa Italy tuparin ang pangarap nyo ng mag kasama! Ganun ba Lauren?” hindi ko na napigilan ang pag iyak dahil sa sinabi niya.

“Hindi yun ganun Xavier! Pupunta ko dun para tuparin ang pangarap natin! Diba simula pa lang alam mo ng gusto ko to bakit ka nag kakaganyan ngayon? Diba sabi mo susuportahan mo ko sa pangarap ko, akala ko maiintinidhan mo ko” umiiyak na sabi ko.

“Lauren alam ko! Alam kong pangarap mo to pero ang kasama si Lance sa pag alis mo? Kasama ba sa pangarap mo yun ? kasama ba sa pangarap nating dalawa na siya ang kasama mo na aalis kung sakaling dumating ang ganitong opportunity sayo?!”

“Yan ang mahirap sayo Xavier, pinapairal mo yang pag seselos mo. Kasalanan ko ba na magaling din si Lance at siya ang kasama ko na aalis?! bakit ako ba ang pumili sa kanya na sumama sa akin?!” madiin kong pinunasan ang luha ko, naiinis na ko lagi na lang siyang nag seselos.

“Hindi ako pinanganak kahapon Lauren. Naging sobrang close kayo ni Lance sa Zambales, pano pa kung sa Italy?” ang unreasonable niya.

“What the hell Xavier? Anong tingin mo sa akin? Malandi para pumatol sa ibang lalaki habang tayo? Sa lahat ng tao ikaw yung dapat mas nakakakilala sa akin. Pero bakit ikaw pa tong parang nag dadalawang isip na pag katiwalaan ako na kaya ako pupunta dun dahil para sa ating dalawa to?”

“Hindi sa ganun Lauren, malaki ang tiwala ko sayo pero kay Lance wala. Siya nag makakasama mo doon gaano katagal? Isang buwan? Isang taon? O kaya higit pa? Anong gusto mong gawin ko matuwa ako na ibang lalaki ang poprotekta sayo na ibang lalaki ang kasama mo na tuparin ang pangarap mo sa italy? Bakit akala mo ba hindi ko gusto na matupad mo ang mga pangarap mo? Lauren, alam mong susupportahan kita sa lahat laging nasa likod mo lang ako kahit alam kong mahirap ang haharaapin natin, pero bakit parang lahat to ginagawa mo dahil lang sa pangarap mo at hindi na para sa atin”

“You’re being unreasonable Xavier. Saka na tayo mag usap” hindi ko na inantay na sumagot siya. Bumaba ako ng kotse niya at pumara ng taxi.

*****

Xavier’s POV

Pagbaba ni Lauren ng sasakyan ko agad kong pinaharurot ito papunta sa office. Nang makarating ako sa opisina ko agad kong binuksan ang computer ko at ginawa ang mga dapat kong gawin. Isenend ko ang mga email’s na kailangan ng head ko. Napatigil ako sa ginagawa ko sa sobrang inis, dahil iniisip ko ang napag usapan namin ni Lauren kanina.

“Xavier you’re distracted, hindi mo man lang namalan na nandito na ako sa harap mo”

“Sorry Ma’am Steph, anything I can do for you?” sabi ko sa kanya.

“Mali yung email na nasend mo sa akin, whatever you are thinking right now, isantabi mo muna yan xavier. Yung another project mo ang asikasuhin mo” tumango naman ako. Pagkatapos nun ay lumabas na siya.

Napasabunot ako sa buhok ko, ang aga-aga pa pero wala ako sa sarili ko. Pinatawag ko ang secretarya ko at ipinakuha ang mga best selling na libro under our management publication. Nang madala ito sa akin. Isa- isa kong tinignan ang mga story summary sa likod ng libro. Karamihan ay halos pareparehas lang ang idea.

Habang namimili ako ng libro may isang akda ang tumawag sa atensyon ko. Kinuha ko ito at tinitigan.

“KLWKN ni Binibining Sinaya” sabi ko sa sarili ko. Nag umpisa akong basahin ang libro. Halos isang oras ang lumipas ng matapos kong basahin ito. Tinawag ko ulit ang secretarya ko.

“Yes Sir?” sabi niya sakin.

“Find the information of this author called Binibining Sinaya. I want her story to be the next movie I am producing” seryosong sabi ko.

“Okay Sir” saka siya lumabas.

Habang tinititigan ko ang cover ng libro naisip ko si Lauren. Yung babae sa libro she only wants to achieve her dreams dahil sa tatay niya pero hindi siya hinayaan ng tadhana na magawa ang lahat ng iyon. Si Lauren abot kamay na, pero heto ako. Hinahayaan ang sarili ko na kainin ng selos na nararamdaman ko na dapat ako ang unang taong naka supporta kay Lauren sa pangarap niya.

“I need to talk to her” bulong ko.

Inseparable Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now