Simula

12 1 0
                                    

"Oo na! Ididikit ko na sabi!" nilagyan ko na ng pandikit ang likod ng picture naming dalawa.

"Ayusin mo naman Oleiah! Ganda ganda ng ibang dinikit ko, e!" pagrereklamo niya.

Dinikit ko ang graduation picture namin sa pangatlong page ng DIY photo album namin. Sa una at pangalawang page ay picture naming dalawa nung daycare and kinder, at lalagyan pa namin ito after high school and college graduation picture.

"Sa amin naman!" ani Roxuel at inagaw sa akin ang box na pinaglagyan namin ng photo album.

"Ayoko nga! Burara ka kaya!" sabi ko at inagaw ko ulit ito sa kaniya.

"Syempre mahalaga 'to sa akin, kaya hindi ko 'to hahayaang masira o mawala." buo pa din ang loob niyang kuhanin ito.

"Eh nako! Hindi ako naniniwala!" inangat ko ang kamay ko at tumingkayad pa para hindi niya ito maabot.

Sorry, pero mas matangkad talaga ako sa iyo.

"Sige na! Dati pa 'yan sa iyo nakatabi, salitan naman tayo!" He pouted.

Sorry ulit, pahihirapan muna kita.

"Payag ako, basta maabot mo ito." pinangitan ko pa ang expression ng mukha ko para mas mainis siya.

Talon siya ng talon para maabot ang box, mukhang nawawalan na ng pag-asa. He swallowed hard, napagod ko yata.

Umupo siya sa duyan at yumuko, bigla tuloy akong nakonsensya.

"Hoy.." kinalabit ko siya. "Suko agad?" may bakas na yabang sa boses ko.

"H'wag na, hindi ka fair." malungkot niyang sinabi.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o hindi. Matatawa dahil hindi niya maabot ang box o hindi dahil naaawa ako sa kaniya.

"Heto na nga." inabot ko sa kaniya ang box. "Para kang pinagkaitan ng piso." I laughed.

Kinuha niya agad 'yon. "Gotcha!" aniya at nag evil smile.

Sabi na nga ba, may balak ang butlig na 'to!

"Akin na nga 'yan!" maaagaw ko na sana ang box kaso iniwas niya ito sa akin.

"Patayin mo ako kapag nawala ko, payag ako!" he raised his right hand.

"Tanga! Mas mahalaga pa 'yan sa buhay mo no!" iniwas niya ulit ang box, alam niyang magpupumilit ako.

"Sakit mo namang magsalita!" aniya at initsa sa akin ang box at tumakbo papunta sa bisikleta.

Sinalo ko agad ito at tumatawa ko siyang hinabol. "Apaka ano mo naman, sorry na!" humarang ako sa dadaanan niya.

"Sige ka, sasagasaanan kita!" banta niya sa akin.

Nilagay ko ang box sa basket niya, biglang nawala ang iritasyon sa pagmumukha ng butlig na 'to.

I hugged him. "Masyado kang maramdamin." I laughed.

He smirked. "Eh, sakit mo kasi talagang magsalita!" aniya at biglang umiyak.

Nabigla ako sa naging reaction niya, bigla tuloy akong hindi mapakali, kahit alam ko ang magpapatahan sa kaniya.

"A-eh, bwisit naman oh!" I shooked my forehead. "Gusto mo lang malibre kay Mr. Buko, e.." biro ko sa kaniya.

"Bakit, may balak ka ba a?" aniya at nagkusot ng mata.

Sabi na nga ba, hay Roxuel.

"Kapag ba sinabi kong oo, hindi ka na iiyak ulit?" I asked him.

Iiling na sana siya. "O-oo, basta dalawang buko shake ha." ngumisi siya. "Yung big size sana.." aniya at natatawa na.

Regrets (A love Unfold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon