III

2 0 0
                                    

"Talaga?" my eyes twinkled.

Nadidinig ko ang pag ubo-ubo ng ibang higher grades, h'wag kayong mag-alala't hindi kami mag boyfriend, sapakin ko kayo e, joke.

Bumili siya ng chicken with rice atsaka iced tea, kahit bitbit niya ang dalawang tupperware, hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko, apaka oa na!

Syempre d'on kami sa backstage, iyon na ang spot namin hanggang sa makatapos kami ng high school.

"Kailangan ba talagang kahit kumakain tayo, magkahawak pa din ang kamay natin?" i asked.

He nodded, ngumisi pa siya.

Piniga ko ang kamay niya. "Nananamantala ka na!" gigil kong sinabi.

Kita ang pag-aray sa itsura niya, sino'ng niloloko mo ha?

"Araw! Oo na! Bibitawan ko na!" aniya at hinawi ng marahas ang kamay ko.

Masama ang titig niya habang kumakain kami, sarap dukutin ng mata. "What?" i raised my eyebrows.

"Kahit nagtatampo ako sa iyo, tuloy pa din tayo sa tree house ha?" aniya.

"Akala ko ba may kadate ka?" tanong ko

"Oo, date natin 'to hindi ba?"

Luh, bakit ka ganiyan roxuel!

"Bakit? Bawal ba mag date ang magkaibigan?" aniya nung napansin ang pamumula ko, then he laughed.

"A-eh, sino ba nagsabing bawal? Tatanong lang naman ako." ngumuso ako.

Nilagay niya ulit ang balat ng fried chicken sa tuppwerware ko, paborito din niya 'yon, pero alam niyang mas paborito ko, gan'on dapat.

Nalalasahan ko yung pabango niya sa pagkain ko, pinaligo na yata niya ang pabango sa buong katawan niya.

"Pupunta din sila elmer, mag dadala daw sila ng mapapag picknick-an natin." makapambasag katahimikan niyang sinabi.

Kababata din namin si elmer, jassy, at ronron, tamang turumpo lang kami nung grade 3 kami hihihi. Mga sa private school kasi 'yon nagsisiaral, puro whole day ang pasok nila, sa amin ay half day lang, kaya hindi na kami nagkikita kita.

"Oo, yung libre mo ha? Sabi mo kahit ano." i laughed.

Sumimangot siya, akala mo ha? Basta libre ay imposibleng makalimutan ko.

"Grabe naman oleiah, dapat wala ng libre." he swallowed. "Dapat naman talaga tinutulungan mo 'ko, tagal tagal na nating magkaibigan, e." he pouted.

Sa bagay, masyado na akong nasanay sa palibre libre niya, salbahe ka oleiah.

"Pwede kaming jumoin?" ani limang babaeng sumusunod kay roxuel.

"H-hindi-"

"Yea, sure!" sabi ko sa lima.

Agad naman silang nagsitabihan sa tabi ni roxuel. Kung papanuorin ko lang silang nilalandi si roxuel, mas maigi na sigurong lumayas nalang ako, dapat pala pinalayas ko nalang kayo!

"Type ni roxuel ang balat ng manok, damihan nyo ang paglalagay sa tupperware niya, bye!" kumaway pa ako at umalis na sa backstage.

Iniwan ko si roxuel? Shucks! Bakit ko 'yon ginawa!

Saktong bell naman nung umalis ako, kaya paniguradong umalis na din sila't hindi na natuloy ang kung anumang balak nila kay halimaw.

Nag groupings kami sa araling panlipunan, kagrupo ko si elton dahil lumipat siya sa ibang upuan, talagang ginawan ng paraan huh?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regrets (A love Unfold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon