I

2 0 0
                                    

High School

Ngayon na ang unang pasok namin as a high school student, excited naman ang impaktong pumasok, akala mo naman nakikinig sa mga teachers.

Nang malaman naming hindi kami magkaklase ay pumagitna sa aming dalawa ang kalungkutan, kahit naman sa pagpasok at uwian ay kami ang magkasabay, kaya hamo na.

Tahimik akong nakikinig habang nagpapakilala sa amin ang magiging adviser namin, paano 'yan, kapag may nang-away sa akin dito, hindi niya ako maipagtatanggol.

"Pst babae!" ani ng nasa likod ko at madiin niya akong kinalabit sa balikat ko.

Hinawakan ko ang daliri niya at marahas ko itong hinawi, mamaya hindi nanaman ako makapag sando dahil sa pasa ko.

"Yabang mo naman! Papaabot ko lang naman sa ilalim mo ang ballpen ko ha?" aniya at sinipa ang upuan ko.

"Hoy Jimboy, pati babae ginaganyan mo pabida ka kaagad!" ani lalaking nasa pinaka likod.

Nanahimik ang tabachoy, nilingon ko ang pinaka likod kung saan naka upo ang lalaki, in fairness magiging taga pagtanggol ko siya, sakaling may mang away sa akin.

Napagkasunduan naming dalawa ni Roxuel na tuwing recess nalang kami magkikita dito sa school, kaya after ilang period ay tumayo na ako't nag abang na sa pinto dahil siya daw ang susundo sa akin.

"Hi!" ani lalaking nagtanggol sa akin kanina.

"H-hello.." medyo naiilang kong sinabi sa kaniya.

"May hinihintay ka? Sabay na tayong mag recess." He smiled.

"Meron, e. Mauna ka na." I smiled too.

"Hoy, tara na.." ani Roxuel at hinila ako palayo kay.. Hindi ko matandaan ang name niya nung nag check ng attendance.

"Kapag ako walang pinapansing babae, tapos ikaw meron na agad na lalaki." aniya habang naglalakad kami patungong canteen.

"Aba'y syempre kailangan nating makisama sa mga magiging kaklase natin no." I laughed.

Pinalupot ko ang braso ko sa braso niya, gan'on talaga kami, e. Sari-saring tinginan ang natanggap naming dalawa galing sa ibang section at ibang grade, halatang iniisip nila kung mag boyfriend kami o landian lang.

Bumili siya ng dalawang naka tupperware na fried chicken with rice, of course treet niya, no. Humanap kaming dalawa ng magiging pwesto namin tuwing mag rerecess, talagang nasasarapan ako sa friendship naming dalawa.

"Ba't gan'on? Mas mabalat sa iyo.." sumimangot ako habang tinitignan ang manok ko.

Tumingin siya at tinusok ng tinidor ang chicken ko. Nilagay niya ito sa tupperware niya at ang chicken naman niya ang inilipat sa akin.

"Oh ayan, baka mag reklamo ka pa tss." He laughed.

Nang mag bell na ay nagpaalam na kami sa isa't isa, akala mo naman sampung taon ang lilipas bago ulit kami magkita.

"Hi.." nasa tabi ko na ang lalaking nagtanggol sa akin kanina.

"Bakit nandidito ka? Baka pagalitan ka ni Madame. Suzette." bulong ko sa kaniya.

"Di..." tipid niyang sinabi sa akin.

Kapag nililingon ko ang tabachoy na umaway sa akin kanina, parang gustong gusto niya akong buwisitin kaso hindi niya magawa, natatakot siya sa payatot na katabi ko?

After 3 subjects, tumunog na ang bell, uwian na!

"May kasabay ka pa din ba? Kahit sa pag-uwi?" ani Elton, nalaman ko na ang pangalan niya dahil sa attendance namin sa ibang subject.

Regrets (A love Unfold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon