II

2 0 0
                                    

Nang mag bell na ay bumalik na kami sa classroom, sinadya kong magpahuli sa kaniya, alam naman niya ang ibig kong sabihin

Na maiissue kami kapag nakita nila kaming dalawang magkasama.

Talagang hindi na nagpakita sa akin ang impakto, kung contest lang ay tiisan, champion ako diyan. Tignan ko lang kung sino ang unang mamamansin, kung ako ba na mukhang imposible, o si Roxuel Vain Legaspi Schemmel!

Kasabay ko si Elton nung uwian, trineet pa niya ako ng buko shake, pero hindi niya kay Mr. Buko binili.

Kahit nung nasa harapan na ako ng bahay namin, pwede ding bahay nila, talagang magkatapat bahay namin, e, hindi ko pa din nakikita ang kupal.

Naglinis lang ako ng bahay namin, naaawa ako sa kamay ni mama na bagong manicure, mukhang mahal ang bayad niya para d'on.

"Oleiah.." si mama.

I raised my eyebrows.

"Eto listahan, bili ka sa palengke, mga ipangluluto ko lang mamaya para sa papa mo." aniya at inabot sa akin ang napaka habang listahan.

Himala, ibig sabihin ba nito ay maaga siyang uuwi? Nasanay kasi akong madaling araw siyang umuuwi, at alas sais naman ng umaga siya umaalis para sa trabaho niya.

Alas singko na ng hapon, mabuti nalang at hindi na masakit sa balat ang araw. Pagkalabas ko sa maliit na gate namin ay nakita ko na sa wakas ang impaktong nakasandal sa pader nila.

Nilagpasan ko siya, gumawa ako ng sarili kong contest sa isip ko, kung sino nga ba ang unang mamamansin sa aming dalawa.

Hinawakan niya ang siko ko para pigilan, ene be? Betewen me eke!

Tumigil ako sa paglakad at nilingon ko siyang kunot na kunot ang noo, kunwari lang naman.

"Bakit ka ganiyan ha? Ang daya mo.." halata sa boses niya ang lungkot.

Teka, bakit parang ako pa ang may kasalanan? kung siguro may hawak lang akong kung ano maliban sa papel, baka mahambalos pa kita.

"Ano'ng daya daya ka diyan? Plastic!" masungit kong sinabi sa kaniya.

"Yung magbibigay sa iyo ng balat ng chicken, yung kasama mong mag bubuko shake, yung kasabay mong umuwi, walang ibang pwedeng gumawa sa iyo n'on maliban sa akin!" sigaw niya sa akin.

"Tanga ka ba? Matapos mo akong hindi sulputin kagabi, ni hindi ka nga nagpapakita sa akin kanina, ikaw ba'y nag aadik?" I sarcastically laughed.

Sisigaw sigaw ka pa sa akin, dukutin ko lalamunan mo, e.

Ngumuso siya, sabi na nga ba't hindi niya ako matitiis!

"Sorry.." yumuko siya.

Lumakad ako palapit sa kaniya, pinalupot ko ang braso ko sa braso niya, wala, gan'on lang away namin, parang baliw lang.

"Sa isang kondisyon." I whispered.

"Nag sorry na nga 'yung tao, may pa kondisyon ka pa." reklamo niya.

"Ay sige, h'wag na nga." aalisin ko na sana sa pagkakapulupot ang braso ko sa braso niya, pero inipit niya ito.

"Oo na! Ano ba kasi 'yon?" mukhang labag sa loob niya itong sinabi.

"Ikaw magdadala lahat ng mga mapapamili ko sa palengke, game?" Natawa ako sa sariling kondisyon.

"Sus, 'yon lang pala." napakamot siya sa batok niya. "Game!" aniya at ginulo ang buhok ko.

Pumunta kaming dalawa sa palengke gamit ang bisikleta ko, gaya ng dati. isa sa aming dalawa ang aangkas, but this time siya naman ang angkas, sarap ihulog.

Regrets (A love Unfold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon