"Wahahaha, weakling!"
"Ang panget-panget mo! Ugly duckling!"
"Kaya ka iniwanan ng parents mo kasi cry baby ka na nga, ugly ka pa!"
"Bleeeh!"
Nakakatanga. Nakakaurat. Nakakainis.
Bata palamang siya, yan na ang mga salitang ibinabato sa inosenteng gaya niya. Sawang-sawa na siya, lagi nalang siyang binibiktima ng kanyang mga kaklase. Ganito ba talaga pag walang magulang sa tabi, inaapi, inaasar, at kinakawawa ng kung sino-sino lang? Ano bang karapatan ng mga batang 'to para ganyanin siya? Kaya't pinangako niya sa sarili, na gaganti siya sa mga ito... isa-isa.
Pagkauwi niya mula sa eskwela, dali-dali niyang kinuha ang telepono sa itaas ng kanilang mesa kahit na manuyot-nuyot na ang mga basag na itlog, harina at tubig sa kanyang katawan.
"Lolo Alonzo, gagantihan ng mafia natin ang mga batang iyon."
***
High school na ang batang ito subalit ganon pa rin ang trato ng lahat sa kanya. Porket ba manang ang pormahan niya'y aapihin siya? Porket ba isang salaming may makapal na lente't mayroon siyang matalinong pag-iisip ay kailangan siyang alilain?
Pero darating ang isang lalaki sa buhay niya na tila yata magbibigay ng pagbabago sa kanya, tungo ba sa ikabubuti niya ito o maaaring magbunga ng wagas na pagmamahalan para sa kanila?
BINABASA MO ANG
Behind Her Glasses
Teen FictionShe's the stereo-typed mysterious girl walking around the campus. Everyone passes her, but nobody knows her story behind her glasses. All rights reserved (c) December 2014 to --