Chapter Two
SAPPHIRA ALANIS
Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo, nagbihis, nag-toothbrush at nagsuklay. Habang inaayos ko yung bag ko at yung mga gagamitin ko para sa araw na 'to, may kumatok sa pinto. Ayan na, si Yaya Dori-- hindi pala. Si Yaya Elira pala.
"Sapphy, kain ka na."
Napangiti ako ng tipid at sinuot ang salamin ko. Akala ko pa naman si Yaya Doris ang susundo sa'kin pababa. Galit pa siguro sa'kin yun.
"Kumain ka na. Ubusin mo yan."
Masungit na nilapag ni Yaya Doris ang pagkain sa hapag. Tumingin ako sa kanya pero iniwasan niya lang ako. Nawawalan na ko ng gana, kaya siguro aalis nalang ako. Binaon ko yung mga gamot ko, sa school nalang ako kakain ng almusal.
KRIIIIIING!
Nagring na ang bell, ibig sabihin lunch time na. Nagligpit na ako ng gamit sa girls' locker room. Habang papunta ako run, may mga babaeng nag-uusap-usap.
"Girls, eto yung key to correction sa weekly test bukas. O akin na, 2,000.00 each."
"Owemji gurl! Thanks!"
"Heto na Sash. Great, may sagot na ko para bukas."
Bigla akong pumasok sa pwestuhan nila. Nasa bandang 200-250 sila, e no. 204 sa'kin. Haharang-harang pa.
"OMG. Hey nerdy! Anong ginagawa mo rito?! Siguro isusumbong mo kami ano?!"
Tinaasan ako ng kilay ng babaeng may applecut na buhok at red hairband. Sumunod namang lumapit yung isa, na parang pinapalibutan ako. Bali apat sila.
"Magsusumbong ka no?! T*ngina ka, subukan mo lang! Ako makakatapat mo!"
Hinila ng babaeng may curled hair ang buhok ko at sinabunutan. Nasasaktan ako, pero di ako maka-ungol.
"Bitch! Dont you dare huh!"
Yung may layered na buhok ang lumapit sa'kin at hinagis yung mga gamit ko. Kinuha niya yung frappe ko sa bag at binuhos sa'kin. Ugh! Nanlalagkit na ko!
"T-tama na! Di ko naman k-kayo isusumbong!"
Napasigaw nalang ako sa sakit, pero lalo nila akong binugbog. Sinampal, sinabunutan, paulit-ulit lang ang process. Kaya habang nakalapit sila sa'kin, isa-isa kong hinila yung mga ID nila. Bahala nang masaktan, isang tao lang ang tatapos sa mga 'to.
***
Nakauwi na ko sa bahay. As usual, kadiri nanaman ang hitsura ko. Pati salamin ko basag, buti nalang nagbaon ako ng contact lense kanina. Pero wala na kong pake, tatawagan ko na si lolo.
"Lolo, apat na babae po. I'll send you their details later. Thank you po!" *toot toot*
BINABASA MO ANG
Behind Her Glasses
Teen FictionShe's the stereo-typed mysterious girl walking around the campus. Everyone passes her, but nobody knows her story behind her glasses. All rights reserved (c) December 2014 to --