Chapter Three
SAPPHIRA ALANIS
"Omg girl, nabalitaan mo ba yun?"
"Ang alin nanaman?! You're so chismosa! Kadiri!"
"Yung G4, nabugbog ng mafia! Grabehaaan!"
"Talaga? Why daw ba?"
"Walang alam na dahilan, kasi nakita silang bugbog-sarado sa parking lot ng campus. Eh wala namang record ng CCTV sa place na yun kaya Mafia daw ang maaring gumawa nun."
"Eh baka may nagpabugbog!"
"Siguro. Eh kahapon daw ng lunch time, may binully silang nerdy girlash."
"Don't tell me na siya nagpa-gawa?"
"Gaga! Its impossible noh, poorita lang kaya yung nerdy na yun!"
"Nah.. Oo nga."
Chismosas everywhere. Nakakaurat naman, mag-chichismisan na nga lang dinig na dinig pa. Baka naman balak pa nilang bigyan ko sila ng microphone ano? Nakakaasar. Pumasok sila sa University na 'to para mag-aral, hindi para maglandi o whatever.
English time na namin at sa library kami naka-schedule sa araw na 'to. Naghanap ako ng bakanteng table, at alas! Nakakita ako, malapit sa may librarian at sa malaking globo.
Pinatong ko ang filler notebook ko doon sa mesa at kumuha ako ng English books sa isang shelf. Pagkabalik ko sa pwesto ko, may babaeng blonde ang naka-upo malapit sa pwesto ko. Should I say, sa tabi ko?
"Uhm... h-hello."
"Oh, hi! Uhm, can I share this table with you? Wala na kasing vacant e. Anyways, IV-A ka rin ba?"
"O-oo."
Ano ba 'yan, ba't may katabi ako. Nahihiya kasi ako e. Anti-social na kung anti-social, I just hate people.
"O great! Classmates pala tayo. By the way.. I'm Ynah. Ynah del Castillo, 16. Nice meeting you."
Inabot niya ang kamay niya na parang makikipag-shake hands. Kinuha ko naman ito at nagpakilala rin, "Uhm.. y-yeah, I'm Sapphy.. S-sapphira Alanis Alvarez. N-nice meeting you too."
Nginitian niya ako at ngumiti rin ako. Kinakabahan talaga ko pag may bago akong kaibigan. Well, mukha naman siyang mabait. E-eh... there's no harm in having new friends right?
***
Uwian na namin at dahil kaklase ko pala si Ynah, sabay kami sa lahat ng gawain. At nasa may parking lot kami ihahatid niya daw ako pauwi.
"Sapphy! Lets go na, uwi tayo! Biliii I'll drive you home!"
"N-naku, wag nalang Ynah... M-may sundo k-kasi ako."
Napa-simangot siya at pumasok sa kotse niya, "Uh okay. See you nalang bukas ha? Bye-bye!"
Nagwave ako ng hands bilang pagbbye at humarurot na ang kanyang kotse. Hinintay kong dumating yung sundo ko, kakatext ko palang kasi kay Mang Ernie kaya siguro after 30 minutes pa dating niya.
Naupo nalang ako sa may benches sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Siguro babasahin ko nalang yung bago kong libro, yung Pride and Prejudice. Maganda daw 'to e.
Habang nagbabasa ako ng libro, isang babaeng may benda sa paa, saklay at sa ulo ang lumapit sa'kin...
"Hey nerdy... Look what you've done?"
---
A/N: Oookay, ang pangit ng story ko walang plot xx Btw, thank you sa bagong book cover na gawa ni -JustBela. Next chap na kita i-dededicate ha? Love love! <3
Ps. Sarreh sa late dedication ko sa gumawa ng bago kong cover, si Bela babyyyy! Hi Bela, salamat sa cover again and again! Love love! :)
BINABASA MO ANG
Behind Her Glasses
Teen FictionShe's the stereo-typed mysterious girl walking around the campus. Everyone passes her, but nobody knows her story behind her glasses. All rights reserved (c) December 2014 to --