Chapter One
SAPPHIRA ALANIS
"Harojusko Sapphira!"
Halos maihagis ni Yaya Doris yung hawak niyang wire whisk pagkapasok na pagkapasok ko ng kusina. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tila yata sinisipat kung ano nanaman ang nangyari sa'kin. Palagay ko alam na niya?
"Nabully ka nanaman ba?!"
Hindi na ako sumagot. Lagi naman na 'tong nangyayari sa'kin at sigurado akong alam na alam na niya. Sa loob ba naman ng 16 years of existence ko na kasama ko si Yaya Doris, alam na niya sa sarili niya ang sagot. Napailing nalang siya at binitawan ang mga gamit niya sa pagbebake.
"Sapphy, akyat muna tayo sa taas. Magpalit ka na ng damit."
"O-opo."
Sinamahan niya ako paakyat sa kwarto ko. May halong awa at inis ang tono ng pananalita niya. Nang makaligo ako dahil para akong sisiw na nalubog sa putik, nagbihis agad ako at nagtoothbrush. Naupo ako sa kama at nagsuklay ng buhaghag kong buhok.
"Napano na yung mga nangbully sa'yo? Tinawagan mo nanaman ba ang lolo Alonzo mo?! Sapphira, nireport mo ba sila sa guidance niyo? Inaapi ka ng mga yun, diba nila alam na isa ka sa mga anak ng sikat na business man sa bansa? Dyusme!"
"H-hindi ko po sila nireport sa guidance, pero yung k-kay lolo po..."
"Ano? Tinawagan mo?"
Natagalan ako sa pagsagot. Alam ko namang sesermunan niya nanaman ako sa pagtawag ko sa lolo ko. Ayaw niya kasi ng ganun. Mas gusto pa niyang sinasaway ang mga iyon kaysa makawawa at matikim ang mapait na ganti ni Lolo Alonzo.
"O-opo..."
Napailing nanaman siya at napasapo sa noo. Magagalit nanaman 'to sa'kin panigurado.
"Ayan ka nanaman Sapphira, nako! Sige, aalis muna ko't magbebake."
Lumabas siya ng kwarto ko ng nakasimangot. Galit nanaman siya sa'kin. Napabuntong-hininga nalang ako.
Mag-isa nanaman ako sa kwarto ko. Pasenti-senti, hay lagi namang ganyan. Napatitig nalang ako sa kisame. Galit sa'kin yung kaisa-isa kong kakampi. Mag-isa nanaman ako.
Si Yaya Doris lang kasi ang nakasama ko sa loob ng 16 years. Si mama't papa kasi, masyadong business-minded, ayun laging nasa iba't-ibang bansa para sa business trips. Ni hindi manlang ako nakamusta ng maayos, tanungin kung okay lang ba ko. Ay nako.
Siguro isa na yun sa dahilan kung bakit ako nabubully ng mga schoolmates ko. Sa kapabayaan ni mama, ni fashion sense ko walang kaayos-ayos. Ni buhay ko napariwara. Pero dahil sa mga nambubully sa'kin, nagkaroon pa pala ko ng isang kakampi-- tagapaghiganti ko, si Lolo Alonzo.
Ako si Sapphira Alanis L. Alvarez, 16. At eto ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Glasses
Teen FictionShe's the stereo-typed mysterious girl walking around the campus. Everyone passes her, but nobody knows her story behind her glasses. All rights reserved (c) December 2014 to --