〉chapitre O1

35 0 0
                                        

O1 : The man with romang

Gabi na ng makapag-out ako mula sa café na pinagtatrabahuhan ko. Pagod at gutom ang nararamdaman ko ngayon dahil nakalimutan kong kumain kaninang tanghali. Pano ba naman, wala yung isang morning shift kaya tinawagan ako para pumalit.

I had to skip my afternoon class to do my job. Kung hindi ko kukunin 'yon, hindi ako makakapagbayad ng buo sa apartment na inuupahan ko ngayong month. Siguradong puro talak at kalabog ng pinto na naman ang aabutin ko sa landlord namin.

Pumasok ako sa 24-hour convenience store na malapit sa apartment na tinutuluyan ko para bumili ng makakain. Nagugutom na talaga ako, wala namang delata sa bahay para makain dahil hindi pa ako nakakapamili ulit. Kung matatapos ko lahat ng assignments ng kaklase ko mamayang gabi, gagamitin ko ang perang ibabayad nila sa akin para sa groceries at renta.

My mom and dad died in a cruise ship accident way back 2008 when they were gone for a business trip in New york. I was only 4 years old at wala akong kaalam-alam. Bigla nalang nila akong dinala sa orphanage noon at ng magkaisip ay sinabi ng mga madreng nag-alaga sa akin na wala na akong magulang. It was hard for the younger me to experience the cruelty of the world without any guidance of a parent. I don't even know who was my relatives, my grandparents.. I don't know what my mom and dad looks like.

I was raised by nuns and I experienced a lot of hardships through that orphanage. I happened to know that they were only using children for money. The nuns who has been very good to me when I first came in was far way different from those who whipped and starved us to death.

When I turned 13, I tried to escape the orphanage and from the moment I did, I thought I was finally free but they did still caught me. As for punishment, they sealed me in a room for a week with a water container to drink.

Akala ko noon ay mamamatay na ako not until a miracle happened. Pinasok ng mga pulis ang ampunan at niligtas kaming lahat na nandoon.

That was when I met, Sylvia. A police officer who offered me a shelter and gave me the love she thought I deserved. Kinupkop niya ako at tinuring na isang tunay na anak. Pinag-aral niya din ako at sinuportahan sa lahat ng bagay na gusto ko. But a nightmare happened, and the woman who became my mother for a couple of years died in a operation with a multiple gunshots in her poor body.

My life was a real tragedy. I thought that scenarios only happened in a book, in a novel.

I was in the verge of giving up when I read Sylvia's letter to me. She told me that knew she would die in that operation all along and I have to be strong while finding the justice for my parent's death.

"You have to live. Live for me, anak."

It was only a year ago when she left me and I was forced to live with my own. Marami na akong pinagdaanan and I have met a lot of people along the way. But Sylvia, she was the only one who truly loved me.

I was taught by a great and independent woman. Sylvia Mariano made me who I am today and I'd long ago promised myself that I would do everything to protect myself and live for Sylvia.

Nang makapili ay agad ko itong binayaran para makauwi na. Kanina pa ako kating-kati maligo at marami pa akong gagawing assignments. Liliko na sana ako papasok sa street namin ng mahagip ng mata ko ang pusang matagal ko ng inaalagaan.

"Romang? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko.

Isang meow sinabi nito bago lumusot sa mataas na dahon sa gilid ng park.

I tried to get pass through those leaves to follow him. Medyo nahirapan ako pero nang makapasok ang mukha ko ay nakita ko agad na may tao sa loob noon. I saw a masculine man who's wearing a white sando and track pants. Nakaupo siya sa gilid habang may hawak na bucket ng cat food na agad namang nilapitan ni Romang.

Nagulat ito sa biglaan kong paglitaw sa mga dahon kaya nagtama ang mga mata namin. And from there, I saw his weird eyes. Maliwanag sa parte na kinauupuan niya kaya kitang-kita ko ang pagkakaiba ng kulay ng mga mata niya sa isa't-isa. The left side was turquoise while the other one was topaz.

My eyes narrowed at him. "Who are you?" tanong ko sa estrangherong may hawak ngayon sa pusa ko.

Hindi ito sumagot. Basta nalang ito tumayo kaya nagkatapon-tapon ang cat food sa sahig. Mabilis niyang inakyat ang pader na sinasandalan niya kanina para makaalis.

What the hell?

In panic, I tried to push myself harder to get through the leaves. Nagkanda punit-punit ang damit ko dahil doon pero hindi ko na ito pinansin. Mabilis kong dinampot ang mga natapong cat food at nilagay ito sa bulsa ng bag ko. Sayang naman kung iiwan ko 'to, minsan lang makakain ng pangmayaman 'tong si Romang.

"Sino yung lalaking 'yon, Romang?" tanong ko dito habang busy siya sa pagkain. Nag-meow ito sa akin ulit at tumango naman ako na kunwari ay naiintindihan ko siya, "So.. mas gusto mo na 'yon kaysa sa akin?" I said, arching my right eyebrow at him.

"Meow."

Tumawa ako bago siya kutusan. "Tandaan mo ako ang nagpalaki sa 'yo sa akin ka lang," I mumbled to it.

Pagkatapos niyang kumain ay binuhat ko na 'to para makauwi na kami. Bawal ang hayop sa apartment na tinutuluyan ko kaya pinagkasya ko si Romang sa loob ng aking bag. Kapag nag-iinspeksyon si Aling Gol sa apartment, hinahagis ko sa bintana si Romang para hindi kami mahuli. Mabuti nalang at takot ito sa kaniya kaya inaabot ng isa o dalawang araw bago bumalik ang pusa ko kapag nilalagay ko siya doon.

"Dito ka ba lagi pumupunta kapag nilalagay kita sa bintana?" tanong ko sa bag ko, "Tiis ka muna saglit ha kaunti nalang at makakauwi na tayo."

Pasado alas otso na ng makauwi ako sa apartment. Sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Aling Gol.

"Good evening po!" nakangiti kong bati dito pero inirapan niya ako at bahagyang tinulak.

"Lagi ka nalang ginagabi. Ano bang trabaho mo? G.R.O?" singhal nito sa akin.

"Aling Gol, ang G.R.O po buong gabi tsaka alas otso palang po hindi pa po late.."

Akma ako nitong sasampalin ng may tumawag sa pangalan niya kaya mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at nilock ito. Saglit akong natawa sa aking sinabi sa matanda. Mainit na talaga ang dugo nito sa akin dahil akala niya ay inaaway ko ang kaniyang dalagang anak na nag-aaral din sa eskwelahang pinapasukan ko.

Ang totoo naman ay inggitera ang anak niyang 'yon. Buong taon na pamamalagi ko sa apartment na ito ay wala na akong ibang narinig kundi pangungutya ng mag-ina. Kesyo bakit daw ako natanggap sa exclusive school na 'yon samantalang walang-wala ako. I mean what's the use of scholarship and my part-time jobs? Imbes na sabihin ang totoo at makipag-away kay Aling Gol ay pinipilit ko nalang umiwas dahil hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng murang apartment kagaya nitong tinitirhan ko ngayon.

I unzipped my bag and checked on Romang. Mabuti nalang at may tumawag kay Aling Gol dahil kung hindi ay baka mag-ingay na si Romang dito sa bag ko. Nang makalabas ito ay pinakain ko siya ng isang cat food na pinulot ko kanina.

"Good boy..." bulong ko dito bago himasin ang kaniyang ulo.

Napahiga nalang ako sa malamig na sahig ng maalala na hinawakan rin pala ng lalaking 'yon ang ulo ni Romang. My cheeks turned crimson as I recall how beautiful his eyes were that time. Naka-contact lense ba siya?

Nagpaikot-ikot ako sa sahig habang kinikilig sa misteryosong lalaki. Lahat ng kagwapuhan ay sinalo niya. Starting from his thick eyebrows, pointed nose and perfect look, I came to a realization that God favored him with so much beauty. Even with his untidy hair and plain sleeveless shirt, he was looking very handsome. And if I were to describe him as one of the olympian gods, he would be Adonis.

Adonis with a turquoise and topaz eyes, huh? I pursed my lips closed. I'm daydreaming about a guy, for real! At hindi ko matanggap na sa sandaling panahon na 'yon ay mahuhulog ako sa lalaking hindi ko inaakalang nabubuhay sa mundong ito.

I let out a deep breath as I glanced sideways only to remember him once more. There's something in him that I can't seem to decipher and a part of me wants to know him more than anyone else. It was totally weird but I guess I just found the man who's holding the other end of my red string.

In just a glimpse of his eyes, he held me spellbound and I couldn't even help myself.

SpellboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon