O2 : Escarian!
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school para ibigay ang mga assignments na nagawa ko sa mga kaklase ko. Nagtutulakan itong lumapit sa akin kaya tinaas ko ang kamay ko para pahintuin sila.
"1000 pesos.." mabagal kong sabi bago nginitian ang mga ito. Bahagya akong ngumuso para banggitin ang salitang makakapagpakain sa akin ng halos apat buwan, "each."
Hindi ko madalas ginagawa 'tong paggawa ng mga assignments dahil na rin busy ako sa part-time jobs ko pero bigla akong nagipit kaya tinanggap ko na yung alok nila. Hindi ako nakatulog kagabi pero worth it naman dahil hindi ko na kailangan pang maghintay ng sahod bago mag-grocery.
Isa-isa itong naglabas ng mga blue bills at pilit na inabot sa akin pero sinigawan ko ang mga ito. "Pumila kayo!" naiiritang sigaw ko sa kanila.
Nang maipamahagi ang mga assignments ay bumalik na kami sa sari-sariling upuan dahil ilang minuto nalang ay dadating na ang professor namin. Nakangiti ako habang binibilang ang perang natanggap ko mula sa pinagpuyatan kong assignments kagabi. It was worth it, anyway.
Pagtapos ng unang klase ay dumiretso ako sa gymnasium para kuhanan ng litrato ang mga swimmers. Kasali ako sa journalism club at ito ang naassign sa akin na gawan ng article.
My other mission is to know the club's capabilities of winning. Maglalabas ng malaking pera ang school para pondohan ng bagong equipments ang isang sports org sa darating na Olympic Race at kaming mga journalists ang naatasang magsaliksik sa bawat active organization.
I held my canon camera and tried to capture good photos of the place. Pagkatapos ay humanap ako ng magandang spot kung saan mamomonitor ko ng maayos ang bawat swimmers. I checked their profiles last night and I can say that this organization can beat the football and tennis team in some ways. Firstly, the swimmers has good grades and some of them are dean listers. Secondly, when it comes to popularity, the swimmers are more approachable than the other organizations. And thirdly but not included in the criteria of judging, the swimmers were absolutely good fucking looking.
Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga swimmers. Wala pang babae ang nakakapasa sa standards ng coach nila kaya puro lalaki ang swimmers ng school. It is actually a lost for our school to those women's swimming competitions we didn't even bother to attend to.
But I heard that the Student Council are planning to build another swimming team and it'll be all girls. Pero hindi pa ito finalize dahil nakafocus ang lahat sa Olympic Race.
Tinignan ko isa-isa sa zoomed in camera ang mga swimmers.
Grabe ang ganda ng likod nila. Bato-bato. No wonder why all the girls in my faculty was crazy over them. They are all holy.... waters.
"Rubio.. Adigue... Sarmiento.. Weiss... Saturnino.. Swan... uh- who's this? Escarian?" kumunot ang noo ko sa lalaking nakaupo malapit sa pool.
Wala siya sa list of profiles ko! bagong recruit ba siya? it's impossible to recruit a new team member during these days. Paanong nakalagpas sa mga mata ko ang lalaking 'yon?
Hindi ko namalayan na halos mapuno na ng pictures ng lalaking 'yon ang camera na binigay sa akin ng president namin. I shook my head. I should have put more efforts on watching their coach's actions these days.
I wrote important details for today's training. That Escarian guy is now under surveillance. Who is he and why the hell is he missing from my lists of profiles. Nagkaroon kami ng overnight orientation about this and hindi pwedeng nakaligtaan lang ng gumawa ng list na 'to ang pangalan niya. Kasama ako sa nag-double check non at sigurado kaming wala kaming nakalimutang player.

BINABASA MO ANG
Spellbound
Romansa"Hi! I'm Merida Solemn.." naglahad ako ng kamay sa kaniya pero inirapan lang ako nito. "Hindi ko kailangan ng kaibigan." malamig na tugon nito bago tumayo at pagpagin ang kaniyang pantalon. I stood up and clinged my right arm on his neck. His face...