〉chapitre O5

26 0 2
                                    

O5 : Bipolar

"I-Ikaw ba ang kasama ko kagabi?"

Umiling si Escarian at tumingin sa kaniyang gilid. Nakangiti siya ng tumambad sa akin ang kaniyang well-defined jaw at matangos na ilong. And I can say that his physical appearance is not a joke. Kahit nakasando lang ito at simpleng track pants ay halos mag-umapaw ang kagwapuhan niya. His muscular body, thick thighs I must say, wide shoulders.. he's goddamn perfect. Mukha siyang modelo ng isang sikat na clothing line, o kaya'y axe model na pinagkakadarampaan ng maraming babae.

"Paano? Kung hindi ikaw ang kasama ko, paano ako napunta dito?"

"Pauwi na ako ng makita kitang nakahiga sa kalsada." Paliwanag niya habang hawak-hawak ang kaniyang batok, "May pasa ka sa katawan at may sugat din ang mukha mo kaya kita dinala dito."

"H-ha?"

But that guy told me he would take me home. At yung pag-aalala boses niya nang makisali ako sa away.. hindi maaari. He lied to me? Iniwan niya ako sa kalsada pagkatapos ko siyang tulungan?

My eyes narrowed at Escarian. Nagsasabi ba 'to ng totoo? He must be that guy. Kung siya 'yon, bakit gusto niyang itago sa akin ang totoo?

I checked his body from where I am standing, sigurado akong may sugat din ang lalaking kasama ko kagabi dahil sa palo ng kahoy. Nang masiguro ko na walang sugat ang kaniyang braso ay ibinalik ko ang aking tingin sa kaniyang mukha. He's staring at me too, pero hindi ako nagpatinag at talagang naghanap ako ng kahit katiting na sariwang sugat sa kaniya.

"Come.." Sinenyasan niya ako gamit ang kaniyang kamay para lumapit sa kaniya. "Look closer, Merida. Para makita mo ang hinahanap mo sa akin." Walang bahid ng kalokohan ang singkit nitong mga mata ng sabihin niya 'yon.

I took a step backward. Hot thick blood suddenly filled my cheeks upon realizing what I did earlier. Shoot! It's too late to hold things back, I shouldn't have done that.

"Now you're backing away?" Tumikhim siya at umiling.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako ngayon o ano. I don't even understand his attitude! Nagpapakapogi ba siya masyado? Anong akala niya? Magkakandarapa din ako katulad ng mga babaeng naghahabol sa kaniya?

"Pwede na ba akong umuwi?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa inis. Hindi na dapat ako magtagal dito sa lungga niya. It's not that I don't trust him, he's just making me uncomfortable.

Dumiretso siya ng tayo habang nakatuon pa rin ang atensyon sa akin. Ilang segundo siyang nanatiling nakatingin sa aking direksyon. Bigla kong naalala ang ginawa sa akin ni apple guy kagabi.

That same stare.

"Ihahatid kita," he said with full of authority. I stared at him in disbelief.

"Kaya ko ang sarili ko," matigas kong sabi.

"Alam ko." Tinarayan niya ako at kinuha ang pang-itaas na kaparehas ng suot niyang track pants. Bumalik na naman siya sa pagiging mataray niya.

Hindi na ako nagsalita. Sinundan ko nalang siya kung saan siya pupunta, sabi niya diba ihahatid niya ako? Oh, edi bahala siya!

Napansin ko na paakyat kami sa hagdan. Gusto ko siyang tanungin kung saan kami pupunta pero pinili ko nalang na manahimik. Ngayong mataray na siya ay baka mabara lang ako nito pag nagsalita pa ako. Binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at tumambad sa akin ang halos makalaglag pangang disenyo nito. Hindi ito tulad ng kwarto na tinulugan ko. Sa halip na kama ay isang makapal at malaking matress ang higaan at halos lahat ng gamit na nasa loob ay kulay gray.

Nakuha ni Escarian ang atensyon ko dahil sa bigla niyang paglingon sa akin. Nakangisi naman ang maattitude ngayon. Ano na namang problema niya?

"Sasama ka ba sa loob?" nakaangat ang gilid ng labi nito at halatang pinipigilan ang tawa.

SpellboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon