PROLOGUE

17 1 0
                                    

Sinimulan ko nang itali ang buhok ko into pony tail sa harapan ng salamin pero nakuha ng cellphone ko ang atensiyon ko nang mag vibrate ito, kaya medyo minadali ko na.

#142 Batch College Reunion namin ngayon, after 3 years na walang personal contact sa isa't isa. Hindi ko maitatangi na excited na ako kahit pa pili lang talaga ang kakilala ko dahil hindi naman ako pala kaibigan nung college at palagi nalang yung squad ko ang kasama ko. Demin ang theme namin kaya nag riped jeans nalang ako, white sando panloob and yung favorite kong denim jacket then nag white shoes nalang ako dahil alam ko panay tayo lang naman don. 

Kinuha ko ang phone ko at nag book ng angkas dahil bukod sa mura mas mabilis pa akong makakarating sa destination ko. Bukod sa tipid ang tawag sa ganiyo practicality! Nag abang ako sa labas ng building ng condo ko at ilang minuto pa ay dumating na ang angkas at sumakay na ako. 

Habang nasa daan nag vibrate ulit ang phone ko .

"Oo papunta na 'wag excited!" 

"Wala ka talagang pinagbago Arian Mae Santiago, si Jade inip na dito!" si Mon sakabilang linya.

"On the way na nga! Sige na naka angkas ako baka malaglag ang phone ko dahil naka helmet ako" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinatay na ang tawag. Wala namang traffic dahil alas otso palang kaya nakarating rin ako kaagad. Sa labas palang ng venue rinig na ang lakas ng sound system. Kami ang batch na talagang wild sa mga ganitong event kaya naman ano pa nga bang aasahan ko.

"Salamat po, keep the change" binigay ko ang bayad ko sa rider at inayos ang sarili bago pumasok sa loob. Hindi nga ako nagkamali, nagmukha nang bar ang buong venue, kalat kalat ang mga tao ang iba ay familiar pero ang iba ay hindi. Agad na hinanap ng mga mata ko sila Mon, nakita kong kumaway siya malapit sa buffet kaya agad na akong lumapit.

"Gustong gusto mo talaga ang grand entrance!" si Jade na naka krus ang mga braso. Nginitian ko nalang siya at niyakap. 

"Sorry naman!" at hinanap ko si Zamo sa table na inuupuan nila. Napansin siguro ni Jade kung sino ang hinahanap ko kaya umiling nalang siya. " Hindi raw makapunta kasi nandito ex niya" ngumiwi pa siya.

"Bitter parin" si Mon na nasa tabi ko na.

"Halos tatlong taon na di parin nakakamove on ang isang yun." natawa nalang sila. 

"Mahal na mahal eh!" napangiwi din ako sa sinabi ko. 

"Speaking of mahal na mahal, Si ex mo oh" turo niya sa kung saan, sinundan ko ang tinuturo ni Jade saka natigilan. Andito din siya, buhay pa pala ang isang yan.

"Malamang makikita mo talaga ang species nila dito, hello reunion toh" ininom ko ang juice sa harapan ko. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako sa presensya ng lamang lupa na yon. Stay, kalma mareng heart, baka nakakalimutan mo na iniwan ka niyan.

"Memories bring back memories bring back you!" Natatawang pakanta pa ni Mon, palibhasa engaged na sila ni Megan.

"Sasabihan ko talaga si Megan na hiwalayan ka" baling ko dito at nawala ang ngiti niya.

"Alam mo ang sama mo! makapag salita ka kay Zamo eh halata namang parehas lang kayo. Stuck. Di maka move on sa mga exes niyo" singhal niya sakin at tumawa naman si Jade.

"Ano Jade baka gusto mo tawagin ko si Allen!" natigilan siya at tinarayan ako. " Takot ka naman pala eh, tsaka naka move on na ako 'wag kayong epal" uminom ulit ako ng juice at pasimpleng sinipat ang wengya kong ex at halos mabulunan ako nang magtama ang mata namin. Natawa pa ito sa naging reaction ko!

"Ano besh pasulyap sulyap nalang tayo? Duwag ka pala eh! " sinamaan ko ng tingin si Jade. "Lapitan mo nga kung naka move on ka na?" pag hahamon niya. Ayaw ko!

"Ano naman mapapala ko kung lalapitan ko yun!" 

" I dare you kapag nalapitan mo siya at nakipag shake hands, ako ang sasagot sa grocery mo in 2 weeks! kung di naman isusuot mo toh" inilabas niya ang white t-shirt na may naka print na 'Mahal ko pa si JV' SIRAULO TALAGA!

"Basic!" pag mamayabang ko. Lalapitan ko nalang tutal hindi naman ako ang may kasalanan saamin dati. Mas mahiya siya! Duwag! "Kung may duwag samin, alam niyo naman na siya yun" sabi ko pa dito at narinig ko pang tumawa si Mon nung tumalikod ako.

Kumuha ako ng drinks sa waiter na lumilibot at isahang tinungga ang laman non. Habang papalapit ng papalapit ay bumibigat ang paa ko. Nakatingin lang ako sakanya na nakikipag usap sa mga kaibigan niya na kilala ko rin .Napansin ako ni Allen at halatang sinabi kay JV dahilan para lumingon ito sakin. Ilang hakbang nalang ang layo ko sakanila nang mahinig kong nag paalam si Allen at mga kaibigan nito saka umalis. Bad timing! Liningon ko sila Jade na tuwang tuwa sa nangyayari! PARA SA GROCERY ARIAN!  Tumikhim ako at ngumiti dito.

Nag mature ang mukha niya mag mula nang huli naming pag kikita, siguro dahil na din sa bagong hair style niya. 

"Kamusta ka na ?" siya ang unang nagsalita. Pati boses niya mas naging malagom na isa pa Halatang naka move on na siya! Malamang mas madali mang iwan! habang yung iniwan-

Tinanggal ko ang kung ano mang nasa isip ko. Ayokong isipin niya na lumalapit ako dahil gusto ko siyang maka usap o kaya naman miss ko siya.

"Okay naman, ikaw?" sinigurado kong kaswal ang tono ko. Tumango siya.

"Okay din naman, Buti umattend ka?" ngumiti pa siya.

"Bakit naman hindi?" pinipigilan ko ang pagiging sarcastic sa boses ko.

"Wala lang, sa pag kakakilala ko kasi sayo ayaw mo nang parties" natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. 'pano ko nga ba makalimutan na kilalang kilala ako nang lalaki na toh.'

"Marami nang nag bago simula ng umalis ka at nawala nang parang bula." magsasalita pa sana siya pero may tumawag sakanya sa kung saan. Kilala ko kung sino yun! Totoo palang sila na. Ibang klase...

"JV!" nilingon niya si Denise na papalapit na saamin. "I was looking for you! Andito ka lang pala" lumapit ito kay JV at hinalikan sa pisngi. 

"May kinausap lang" si JV habang naka ngiti kay Denise na bumaling ng tingin sakin.

"Oh Hi! Familiar ka sakin! Diba kaibigan mo siya nung college?"  tumingin siya kay JV na nakatingin na sakin. Ang plastic!

"Yeah, A friend" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. 

Forgot to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon