CHAPTER 7

15 0 0
                                    

Kung kahapon ay ipinosas niya ako sakanya, may mas ibabaliw pa pala siya. Gusto ko siyang sapakin na ayaw ko dahil na iinis ako na kinikilig! Magiging katapusan ko talaga siya!

"To the most business minded wonderful woman, Arian Santiago. Will you marry me?" Ayan siya nakatayo sa stage ngayon! Talagang nagbayad pa siya sa Shout out booth! Rinig na rinig sa buong ceremonial ground ang buong pangalan ko at ang kabaliwan niya at hindi ko alam kung anong dapat kung gawin. 

"Sana all!" 

"Grabe ang effort!" 

"Ano na teh? tatayo ka nalang diyan?" Si Jade na naka dress na white pa dahil maid of honor ko daw siya! SIRAULO TALAGA!

Kasama ni JV si Allen at naka polo pa itong puti at tie dahil siya naman daw ang best man! 

Sabi ko na nga ba eh! Maling mali na nagpauto ako kay Mon para pumunta pa sa last day. Pinag tutulungan na nila ako at itong mga mahaharot na kaibigan ko- ti-nraydor ako.

"Yes na girl! Ang pogi naman ni guy!"

"Kung ano niyan yes na agad yan!" 

Rinig ko pa na sabi ng ibang mga studyante. Tinignan ko ng matalim si JV pero kindat ang sagot niya sakin. Sa tuwing hahakbang siya papalapit sakin ay natutunaw ang inis ko at napaplitan iyon ng kaba. Hindi naman toh totoong kasal! Mag tigil ka Arian!

"Sorry love. Hindi ako tumatanggap ng No, so it's a Yes" sabi niya pa sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko. Hindi ko magawang magsalita at parang lutang nalang akong nagpadala sakaniya ng hawakan niya ang kamay ko at ipinuwesto ako sa dulo ng red carpet. "See you sa altar, Wife" Saka siya naglakad papunta sa nagpapanggap na pari.

Dumami ang audience namin dahil sa ginawa niya kanina. Pinasuot saakin nung babae na nag aasist sa wedding booth yung white dress at inilagay ang belo. Inabot siya sakin yung pekeng bouquet ng flowers. "Swerte mo dai! Kahit wedding booth lang to yung boyfriend mo nag effort pa mag propose!" halatang kinikilig pa siya habang sinasabi yun. "Bantayan mo na yan dahil masyadong nagpakitang gilas, baka maagaw!" sabi niya pa at tumakbo na papunta sa tabi ng pekeng pari.

Pumuwesto si Jade sa harapan ko kasama si Allen. "Marupok ka girl!" natatawang sabi sakin ni Jade at sinamaan ko siya ng tingin.

"Traydor ka girl!" natatawang sagot ko sakanya at naghiwalay na sila dahil si Allen ay tumabi na kay JV. 

"Sana all kinakasal" si Zamo na naka dress din na white "Ako kasi pang abay lang" natawa pa siya. 

"Hoy George baka naman!" gatong ni Jade at tumingin ito kay Zamo.

"I'll marry her soon" natigil ang tawa ni Zamo at nagugulat na tumingin kay George. 

"Pasok na po ang abay" panibagong babae na nag aasist ang tumawag kay Zamo at George.

Pumuwesto naman si Jade sa harapan ko. "Mukhang nakapag desisyon na tayo ah" si Mon na nasa tabi ko na at inilagay ang kamay ko sa braso niya. 

"Ewan ko" wala na akong masabi! 

"Isa lang ang solution diyan, Enjoy with responsibly" seryoso ang tono niya. "Mukha ka namang masaya" 

"Traydor ka din" singhal ko sakanya at naglakad na kami. 

Hindi ito totoong kasal pero ang kaba ko hindi ko na alam kung saan papunta at alam ko din na namumula na ng sobra ang mukha ko sa halo halong emosiyon na nararamdaman ko. Grabe talaga ang naging effort nila dahil nang maglakad na ako ay may background song pa na kung di ako nag kakamali ay thousand years and title.

Forgot to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon