CHAPTER 6

23 0 0
                                    

Kinabukasan parang wala akong ganang bumangon. Open gate naman ngayon at hindi naman kailangan ng attendance. Mabagal akong nag ayos at sumakay ng jeep. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos. Pakiramdam ko sabaw na sabaw ako, ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating kaagad ng school o kaya naman nakapag bayad ba ako sa jeep. 

Ito ang ayaw kong mangyari sayo self! pagalit ko sa sarili ko. Nasapo ko ang noo ko habang naka upo dito sa quadrangle. Kaya ayaw ko ng love life eh! 

"Bakit naman ganiyan ang itsura mo?" lalo pa akong napapikit sa inis dahil nandito nanaman ang lalaki na toh. 

"Kasi makikita nanaman kita!" singhal ko sakanya at nauubong umupo siya sa tabi ko. 

"Bakit parang hindi ka naman natutuwa?" binalingan ko siya ng tingin .Ano bang dapat na ikatuwa ko? Na nauubos ang oras ko kakaisip sa pinagsasasabi niya!?

"Kasi hindi mo ako pinatulog kagabi! Pagod na pagod ako!" napalakas ang boses ko at nag tinginan ang mga studyante sa paligid namin na parang kahihiyan ang sinabi ko. 

"Ang yun ba? Syempre naman mahal kita eh" narinig ko pa ang reaksiyon ng iba at pag tikhim ng mga lalaki. Nanlalaki ang mga mata ko ng na-realize ko na baka iba ang nasa isip nila. Bago pa ako makapasalita para dipensahan ang sarili ko ay hinigit na ako palapit ni JV at malokong ngumisi. 

"Ano bang ginagawa mo! Layuan mo nga ako!" singhal ko sakanya at kinurot ang tagiliran niya. 

"Aray naman napaka brutal mo!" pero tinignan ko lang siya ng masama. 

"Kulang pa yan sa ginagawa mong pang gugulo sakin!" Inis na sabi ko at padabog na tumayo saka nag lakad.

"Sabi ko naman sayo, Gusto nga kasi kita" Lalo ko pang binilisan ang pag lalakad ko dahil naka sunod siya sakin. "Hoy! Mahal, Sorry na pasinin mo na ako. Hindi na kita papagurin, promise!" Inis akong lumingon sakanya at hindi makapaniwala sa pinag-sasasabi niya. Naghahakot siya ng attention!

"What the!" Naka-ngising huminto siya sa harapan ko. 

"Bati na tayo?" malambing na sabi niya.Mas malala siya ngayon kaysa kahapon! 

"I-ikaw!..." 

"Halikana love sayang ang oras" Naka-ngiti siyang pinagsiklop ang kamay namin at hinila na ako palayo. Kapag sinubukan ko na agawin ang kamay ko ay hinihigpitan niya ang hawak. Masakit, kaya hindi ko na pinilit. Pumunta kami sa Jail booth at ganun nalang ang inis ko nang may lalaking inabutan siya ng posas at nilagay yun sa magkahawak na kamay namin!

"Siraulo ka ba!" pag palag ko pa at sinubukan kong abutin yung susi sa kamay niyang nakataas ngayon. Dahil mas matangkad siya ay hindi ko maabot! "Sinasabi ko sayo JV, tatanggalin mo tong posas o sasapakin kita!" pero tumawa lang siya at mabilis na kinulong ako gamit ang kanang bisig niya. Yung kanang kamay ko na nakaposas ay hawak niya at inilagay sa kaliwang dibdib niya. Hinigit niya pa ako lalo palapit! 

Nahinto ako sa paghinga! Walang mapaglagyan ang kaba sa dibdib ko! Isama mo pa ang seryoso niyang mukha na tinitingala ko ngayon. Gusto kong umiwas sa titig niya pero ako mismo hindi makagalaw!

"Yung puso ko..." ang baba ng boses niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko ang marahan niyang pag lunok. Taksil ang mata ko dahil gustong gusto ko ang nakikita ko ngayon! Sapakin niyo ako please lang! "Paano mo ba nagagawang pabilisin ang tibok ng puso ko nang hindi mo nalalaman?" napatingin ako sa kamay ko na nasa dibdib niya at doon ko lang naramdaman ang sinasabi niya. Akala ko ako lang ang ganito ngayon.

"A-ako din..." mahina kong sabi. Patas lang kami dahil ganun din ang epekto niya sakin.

"Grabe naman talaga, Kapag in love may sariling mundo" Napapasong humiwalay ako kay JV at tumuwid ng tayo ng marinig ang sigaw ni Mon hindi kalayuan sakin. Nakatingin siya sa kamay namin na naka-posas habang may hawak na cotton candy na hugis baboy. "Nice one, mapang- akin naman pala ang nais!" at narinig ko ang tawa ni JV kaya masama ko siyang tinitigan pero kinindatan niya lang ako. 

Forgot to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon