CHAPTER 3

15 1 0
                                    

Dumaan ang mid-term at ganun din ang hell week namin. Kakadaan lang din ng land lady kanina dito sa dorm para singilin ang upa ko. Nakatingin ako sa wallet ko na two hundred nalang ang laman. Ang sakit sa mata ng view. Napasandal nalang ako sa upuan at tiningala ang kisame.

"Kailangan ko ng pera." Napabuntong hininga nalang ako. "Malapit ka nang maka-graduate, konti nalang."

Ilang minuto pa akong nakatingala sa kisame nang mag-vibrate ang phone ko na nasa study table ko. Tumayo ako para kunin yun at tignan kung sino ang tumatawag at sinagot yun.

"Bakit?" Tanong ko

"Kain daw tayo libre ni Jade" si Mon sa kabilang linya.

"Sige, Saan ba?"

"KKB house, sa Food Court nalang tayo sa SM Nova magkita-kita"

"Okay" Pinatay ko ang tawag at kumuha ng tuwalya para maligo. Mabilis lang ako natapos sa pag bibihis. Nag white T-shirt nalang ako at jogging pants saka white shoes. Sinuklay ko ang buhok ko at hinayaan nalang na naka lugay dahil basa pa. Nagpulbo at lip balm na din kahit papaano. Cellphone at wallet ko nalang ang dinala ko. Dahil ala-una na talagang trafic halos isang oras ang ginugol ko sa byahe ng jeep bago nakarating sa SM Nova. Pumasok ako sa entrance at dire-diretsong naglakad papuntang escalator nang masagip ng mata ni JV na papasok ng National Bookstore at may kasamang babae kung saan naka-kapit sa braso niya. Halos isang linggo ko din siyang hindi nakita sa school.

Sumakay nalang ako ng escalator at tinanggal sa isip ko si JV. "Okay nga yun eh." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Hoy dito!" Rinig kong tawag ni Zamo nang makarating ako sa food court. Kumunot kaagad ang noo ko dahil kasama niya nanaman si George.

"Kasama siya?" Tanong ko kaagad sa dalawa.

"Oo, tapos si Allen" si Jade na nag-aalangan pa habang pinapakita sakin ang cellphone niya pero alam ko na conversation nila yun.

"Oh ikaw? Wala kang kasama?" Tinarayan ako ni Mon sa tanong ko. "Salo na kita, Tayo ang date" natatawang sabi ko kay Mon.

"Ano pa nga ba? Sabit us dito" naiiling na sabi niya.

"Sorry nalate ako, traffic kasi!" Si Allen at lumapit kay Jade.

"Okay lang, halikana" Aya ni Jade.

Dahil malapit lang talaga yung kakainan naminay nilakad nalang namin. Nagpahuli kami ni Mon at mag-couple naman na nag lakad sa unahan namin sila Jade.

"Nanliligaw na si Allen kay Jade" si Mon.

"Eh iyan sila Zamo at George?" Nguso ko kila Zamo na holding hands pang naglalakad.

"Aba ewan ko ba diyan kay Zamo! Wala pa daw sila" naka-krus ang braso niya.

"Oh pure inspiration?" Natatawa na sabi ko. "'Wag ka na mainis, Malaki na yan kaya niya na sarili niya"

"Oh tapos saatin lalapit kapag iniwan na?"

"Aysus! Protective naman pala!" Pang aasar ko kay Mon.

"Alam mo kung gaano karupok yan!" Ipakita niya man na inis siya pero mas nakikita ko ang pag-aalala niya sa kaibigan namin. "Buti sana kung kagaya mo yan na pusong bato!"

"Grabe sa pusong bato, Naka focus lang talaga ako sa priorities ko" pag dedepensa ko sa sarili ko.

Pumili kami ng table at nag-order na sila. Habbang naghihintay ay nakikita ko kung paano maglandian ang mga taong toh sa harapan namin ni Mon. Wala ako sa posisyon  para makialam sa mga kaibigan ko. Basta masaya sila ngayon okay na ako. Kung hindi naman pinaparamdam ko sakanila na handa ako lagi makinig at one call away ako kapag kailangan ako. Si-nerve na ang order namin at nagsimula na kaming kumain. Nag order din si Zamo ng soju dahil sa Korean BBQ house itong kinakainan namin.

Forgot to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon