Chapter 8

1.1K 24 2
                                    

SINA Myra na ang pagligpitin mo ng mga 'yan, Reggie,‛ sabi ni Judge Saavedra pagkatapos nitong maghapunan nang gabing iyon. ‚Dalhan mo na lang ako ng coffee sa kuwarto ko. May tatapusin kasi akong paper work.‛
‚Yes, Ma'am,‛ sabi niya. Tinigilan niya ang pagliligpit sa mesa para sundin ang utos ng amo.
Nang dalhin niya ang coffee sa silid nito ay inabutan niyang may mga binabasa na ngang papeles sa mesa ang babae. Ibinaba niya sa mesa ang kape.
‚Thank you, iha,‛ sabi ng hukom na bahagya
pa siyang sinipat sa pamamagitan ng pag-aangat ng reading glass nito.
Ilang saglit siyang napatingin sa mga librong nasa harapan ng babae. Law books.
Kaiba naman sa linya ng mommy niya. Pero kaparis lamang din nitong matalino si Judge Saavedra.
Napansin ng babae ang matagal niyang pagkakatitig sa mga libro. ‚Mga batas,‛ nakangiting sabi nito. ‚Kung minsan e magulo at masalimuot. Mahirap pag-aralan.‛
‚Kahit ho pala judge na kayo e patuloy pa rin kayong nag-aaral niyan?‛
‚Oo naman. Sa dami ng iba't ibang case na may iba't ibang circumstances e dapat lamang kaming humanap diyan ng naaayong batas at parusa.‛
Bahagya siyang tumango. Para namang gusto rin ni Judge Saavedra na
makipagkuwentuhan muna sa kanya.
‚Ikaw, mahilig ka rin bang magbasa ng mga libro?‛
‚'Yon nga ho sana ang hihilingin ko sa inyo, e.‛
Kumunot ang noo ng babae.
‚Baka ho minsan, puwede akong makahiram
ng mga libro sa library. Dadalhin ko sa silid namin para mabasa ko bago matulog. Sa ganoong paraan lamang ho madadagdagan ang kaalaman ko, e. By all means, Reggie. Natutuwa ako sa paris mong hindi ginagawang hadlang ang kahirapan for advancement.‛
Nakadama siya ng guilt. Napakabait sa kaya
ng kaharap gayong parang niloloko lamang niya ito.
‚Iingatan mo lang, ha?‛
‚Oho.‛
‚Si Jennie nga pala, pakidalhan mo ng hot
milk sa kuwarto niya, ha? Ang alam ko kasi e may lalamaying assignment ang batang iyon.‛
‚Oho.‛ Nagpaalam na siya sa hukom. GISING pa nga si Jennie.
Bukas pa ang ilaw sa silid nito. At kita agad niya ang dalaga sa harap ng computer dahil bahagyang nakaawang ang pinto ng silid nito. Dinalhan kita ng gatas, Jennie.‛
Nilingon siya ng dalaga. Parang problemado
ito at pinilit lamang makangiti sa kanya. ‚Ipatong mo na lang dito.‛
Sa gilid ng computer table ang itinuturo ni Jennie.
Humarap na uli ito sa computer.
Ipinatong niya ang baso ng gatas sa gilid ng computer table at saglit na pinanood ang pagku- computer ng dalaga. Napansin niya, para makabuo ito ng Ñ ay pinipindot pa nito ang control PH saka lamang idaragdag ang sign na ̃.
‚Bakit hindi na lang Alt 164?‛ halos wala sa loob na sabi niya.
Bigla siyang nilinga ni Jennie, nagtaka. Ano'ng sinabi mo?‛
Huli na para makabawi sa sinabi. ‚N-
natutuhan ko kasing mag-computer sa dating amo ko. Naituro niya sa akin na sa pagawa ng Ñ Alt 165 na lamang ang pindutin. Capital 'yon. Kung small ñ Alt 164 naman.‛
Parang hindi makapaniwalang sinunod ni Jennie ang sinabi niya. Ang gulat nito nang makitang totoo.
‚Oo nga, 'no?‛ tila humahangang sabi nito.
‚Mas mabilis pa. You mean, marunong ka nga rin nito – ng computer?‛
‚K-konti.‛
Umaliwalas ang problemadong anyo ni Jennie. ‚Di matutulungan mo pala ako sa problema ko?
Ano ba 'yon?‛ kinakabahang tanong niya.
‚Tulungan mo naman ako sa assignment ko, o.‛
‚Ha?‛
‚Kasi, mabagal pa ako. Baka hindi ako makatapos kahit magpaumaga ako. Biruin mo ba naman, ipinakokopya ng propesor namin hanggang dito.‛ Ipinakita ni Jennie ang ilang pahina ng librong kinokopya.
‚Di sana, e xerox na lang.‛
‚Ayaw nga, e. Maaarte talaga'ng propesor naming iyon. Tulungan mo naman ako, Reggie. Mabilis ka bang mag-computer?‛
Muntik na siyang mapangiti sa tanong na
iyon. Ilang nobela na ba ang nagawa niya? Marami na para malaman niyang kahit nakapikit siya ay magagawa niya nang madali ang gustong kopyahin ni Jennie.
‚Inaantok na kasi ako, Ate Reggie. Pero
hindi ako puwedeng matulog hanggang hindi ko ito natatapos.‛
Naawa naman siya sa dalaga. ‚Sige, matulog ka na,‛ sabi niya. ‚Ako na'ng tatapos nito.‛
‚Talaga?‛
‚Oo. Pero ipaliwanag mo muna sa akin kung paano ang porma, ha?‛
‚Wala, as is lang. Kopya lang talaga.‛
Tumayo na si Jennie. ‚Heto na 'ko sa parteng ito, o.‛
May tanda ng berdeng sign pen ang parteng itinuturo nito. Tumango siya. Naupo sa computer chair at sinimulan nang ipagpatuloy ang ginagawa kanina ni Jennie.
‚Ang bilis mo pala,‛ hindi makapaniwalang sabi ng dalaga. Halatang hangang-hanga ito.
‚O. Pero sikreto lang natin ito, ha?‛ tila birong sabi niya sa dalaga.
‚Bakit?‛ takang tanong nito.
‚Kasi, baka madagdagan pa'ng trabaho ko,‛
tila biro uling sabi niya. ‚Baka sa susunod, sina Marisol na at Kuya Mig mo ang me ipa-computer sa akin.‛
‚Malamang. Kasi madalas ding matuliro si
Ate Marisol sa dami ng files at paper works niya.‛
Ilang saglit pa siyang pinanood ni Jennie na waring ito mismo ay hindi makapaniwala sa bagong talentong nadiskubre nito sa kanya.
‚Parang hindi bagay na maid ka lang, Ate Reggie,‛ sabi nito pagkuwan.
Napatingin siya rito.
‚Aba'y puwede ka nang sekretarya, a. Maganda ka na'y marami ka pang alam. Hindi bagay sa iyo ang maging maid lang.‛

Di Sinasadyang  Dayain KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon