Chapter 5

1.1K 19 0
                                    

ITINIGIL niya ang pinatutugtog na instrumental version ng Somewhere in Time sa kanyang CD.
Hindi rin naman niya iyon ma-enjoy na paris nang dati dahil malayo ang iniisip niya.
May kakatwang bagay siyang kanina pa kinu-contemplate sa isip na paminsan-minsan ay nakapagpapatulala sa kanya.
Bakit nga hindi? Sabi ng isip niya. Why can't I be a li$le adventurous?
Wala namang mawawala.
Kapag nahirapan siya ay itigil lamang niyang bigla at presto... wala nang problema.
Natatakot ba siyang mahirapan?
Hindi ba't exciting na maranasan niya ang
isang bagay na hindi pa niya nararanasan for the sake of authenticity ng nobela niya?
Bigla siyang tumayo para magbihis.
Ayaw niyang magbago pa siya ng isip.
It's either na pagbigyan niya ngayon ang kanyang binabalak o hindi na kailanman.
GUSTUHIN man niyang umurong, hindi na puwede Nasa harap na siya ng mga guwardiya ng
Tierra Bella at ngayon ay ini-interview na siya ng isa sa mga ito.
‚Sino 'ika mo ang pupuntahan mo?‛
‚A... bahay nina Judge Saavedra.‛
Parang itinanong ng anyo ng kaharap niya: ‚Bakit?‛
‚May nagsabi sa akin na kailangan nila ngayon ng maid. Mag... aaplay ako.‛
Bahagyang kumunot ang noo ng guwardiya, waring sinipat pa siyang mabuti.
Sinadya naman niyang magsuot ng kupas na pantalong maong at t-shirt na maluwang kaya nga takang-taka kanina si Myra. Ang ganda mo namang maid,‛ tila biro sa kanya ng guwardiya. ‚Me ID ka?‛
‚Wala, e. E hindi puwedeng basta ka na lang pumasok. Teka.‛ Dinampot nito ang telepono sa bintanilya ng guard house. Nasa labas kasi ito at ang isang kasamahan ang nasa loob.
May tinawagan ang guwardiya, hula niya ay sa bahay ng mga Saavedra.
‚Yes, Ma'am. May nakapagsabi raw sa kanya na kailangan n'yo ng maid.‛
Saglit na natahimik ang guwardiya pagkuwa'y tinakpan ang mouthpiece at binalingan siya.Sino raw ang nagsabi sa iyo?‛ tanong nito.
‚A...‛ Huli na para siya mag-isip. Puwersado siyang nagsabi ng totoo. ‚Si Mommy Dely. Mrs. Delaila Acedera.‛
‚Mommy Dely raw ho, Ma'am,‛ sabi uli sa phone ng guwardiya. ‚Mrs. Delaila Acedera.‛
Ilang saglit na pinakinggan ng guwardiya
ang sinasabi ng kausap, pagkuwa'y sunud-sunod ang tangong sinabi, ‚Yes, Ma'am. Right away Ma'am. Ibinaba na nito ang telepono saka bumaling sa kanya. ‚Puwede ka nang pumasok. Pero pipirma ka muna rito sa logbook.‛ Kunwa'y nakikimi, sa paraang maid na maid nga, pumirma siya sa logbook na iniabot ng guwardiya.
LUMIKO raw siya sa kaliwa, sabi ng guwardiya. Sa Petronila Quiambao Street. Number 11 daw ang numero ng bahay ng mga Saavedra, kulay puti ang pinta ng bubong.
Madali naman niyang nakita ang bahay.
Halos kasinlaki ng bahay nila sa Greenhills.
Mas maluwang nga lamang ang solar ng mga Saavedra. Maganda rin at malinis ang landscape, maraming halaman at bulaklak.
May babaing nakaabang sa may gate na hula niya ay maid dahil nakauniporme. Bata pa ito, tantiya niya ay wala pang 20, halos kasing-edad lamang ni Myra.
‚Dito ba nakatira sina Judge Saavedra?‛ tanong niya. Oo,‛ sabi ng babae.
‚Ikaw ba'ng pinaabangan niya sa akin? 'Yung itinawag ng guwardiya.‛
Tumango siya. Kaparis ng guard kanina sa gate, sinipat din siya nang may pagtataka ng kausap niya. ‚Papasok kang maid?‛
‚Oo sana, e. Kami ng kapatid ko. Pero hindi ko siya kasama.‛
Matanda sa iyo?‛ Hindi. Bata sa akin. Halos kasing-edad mo siguro. Eighteen siya, e.‛ Halos kasing-edad ko nga. Nineteen ako, e.‛
‚A...‛ Ngumiti siya. Halika, pasok ka.‛ Ibinukas na ng babae ang gate. ‚Ano nga'ng pangalan mo?‛
Muntik na niyang nasabing Shanna. Naalala lamang niya kaagad na nagpapanggap nga pala siya. ‚Reggie,‛ mabilis na sagot niya.
Iyon ang unang pangalang naisip niya.
Aywan niya kung bakit. Marahil ay dahil sa malalim na impresyong nabuo sa isip niya ng nobela ng isang kasamahan sa Books To Treasure, na ganoon ang title.
‚Ano 'yo'n, palayaw mo lang?‛ tanong ng maid.
‚Oo. Regina talaga ang pangalan ko.‛
‚Ako naman si Doring. Palayaw lang din iyon. Mula sa Adora.‛
‚Nice meeting you, Doring.‛
Bahagyang natigilan ang babae. Nagtaka marahil na ang isang mamamasukang maid na paris niya ay uminggles.
Natigilan din siya. Nabigla lang naman siya. Give-away nga iyon at magiging pansinin. Tinandaan niya sa isip na titsekin na ang sarili sa mga ganoong kamalian mula ngayon.
‚N-nasaan si Ma'am mo?‛ tanong niya para mawala na sa isip ng kaharap ang nangyari.
‚Dito... halika.‛ Iginiya na siya ni Doring papasok ng bahay.
MAYAMAN pala talaga ang mga Saavedra, naisip niya habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang ma'am ni Doring.
Puro mamahalin kasi ang mga gamit sa paligid. Halatang pili at tantiya niya ay puro imported.
Napangiti siya nang maalala ang ina. Maluluma ka sa pabonggahan kay Judge, Mommy, naisip niya.
Mahilig din kasi sa maluluho at magagarang gamit sa bahay ang mommy niya.
Nakarinig siya ng mga katok ng sapatos sa hagdan. Pagtingala niya roon ay nakita niyang pababa ang isang may edad nang babae. Hula niya ay past 50 na ngunit parang matanda lamang nang ilang taon sa mommy niya. Kagalang-galang ang anyo nito lalo pa't naka-business suit na kulay gray at nakapusod pa ang babae. Kasunod nito si Doring na bitbit ang isang mamahaling a$ache case na pambabae na hula niya ay sa judge.
Tumayo siya kaagad. ‚G-good morning ho.‛ Kimi ang ngiti niya sa kagalang-galang na babae.
Kahit nakangiti ito, bahagyang kumunot ang noo ng hukom. ‚Ikaw 'yung mag-aaplay daw na maid?‛
Kinabahan siya. Batikang judge ang kaharap niya. Hindi basta naloloko. Nakakabasa ng karakter ng isang tao.
Paano kung mahalata nito na nagkukunwari lang siya?
‚O-oho,‛ aniya. Lumunok siya para mapaglabanan ang kaba. May ibinabalik siyang tila kung anong waring nais tumulak mula sa kanyang sikmura.
‚Parang... iba ka yata, a.‛ Kaharap na niya ngayon ang babae at waring lalo siyang sinisipat.
‚Ngumiti siya pero pakiramdam niya ay ngiti iyon ng ninenerbiyos.
Hindi kaya naitago ng kanyang kasuotan ang bearing na taglay niya?
‚Maganda ka kasi. I mean, puwede ka kahit salesgirl sa isang malaking department store, a.‛
‚W-wala ho akong gaanong pinag-aralan,‛
sabi kaagad niya para mapagtakpan ang dahilan kung bakit hindi nga siya namasukang saleslady sa halip na maid.
‚A...‛ bahagyang napapatangong sabi ni
Judge Saavedar. ‚Pero nakatuntong ka naman ng high school?‛
‚F-first year lang ho.‛ Habang dumarami
ang kasinungalingang hinahabi niya lalong tila may gustong sumipa sa sikmura niya.
‚Sabi ni Doring, dalawa raw kayong magkapatid na gustong mamasukan?‛
‚O-oho nga. Iniwan ko lang muna si Myra.‛
‚Saan mo iniwan?‛
‚Sa... tiyahin ho namin sa Tondo. Doon kami muna nakipanirahan.‛
‚Tagasaan ba kayo talaga?‛ Sa Bicol ho.‛
‚I see. Me experience na kayo sa pamamasukan?‛
‚Meron na ho. Galing ho kami sa isang stewardess. Napagalitan lang ho si Myra kaya umalis kami. Ayaw naman naming magkahiwalay.‛
Tuluy-tuloy na ang pag-iimbento niya. Higit kailanman, ngayon siya lihim na nagpasalamat na siya ay isang writer, magaling humabi ng kuwento kahit impromptu.
‚Bakit naman siya napagalitan?‛ curious waring tanong ni Judge Saavedra. Naano ho kasi... nabasag niya 'yung turbo ni Ma'am Gelli.‛
Kumunot ang noo ng judge.
‚'Yon hong dati nga naming amo na
stewardess.‛ Sorry na lang Gelli de Belen. Pangalan mo agad ang naisip ko.‛ Hindi pa ho kasi sanay mamasukan ang sister ko.‛
Huli na para mabawi niya ang sinabi.
Iningles pa niya ang 'kapatid'. Bagay na kakatwa sa isang maid na pinalabas pa niyang bahagya nang nakatuntong man lang sa hayskul.
Kung bakit kasi hindi pa niya agad maiwasan ang dating gawi na pagsasalita ng Taglish.
Parang hindi naman iyon napansin ng kausap niya, ngumiti uli ito. ‚Si Dely 'ika mo ang nag-refer sa 'yo?‛
‚Hindi ho!‛ napabilis na sagot niya. Naalala niyang baka makausap uli ng Judge si Mommy Dely ay magkabukuhan.
Tiyak na ikakaila ni Mommy Dely na may kakilala itong Regina na gustong mamasukang maid.
Nawala ang pagkakangiti ni Judge Saavedra, titig na titig sa kanya.
‚A-ang amo ho ng isang kaibigan kong maid
ang napagsabihan ni Mommy Dely ng tungkol sa inyo. Sabi ng amo niya, baka raw gusto kong subuking mag-aplay sa inyo. Ibinigay nga ho ang address n'yo.
‚A. E sino naman 'yung kaibigang 'yon ni Dely na napagkuwentuhan niya ng tungkol sa pangangailangan ko ng maid?
‚Hindi ko ho masyadong kilala sa buong pangalan. Nasanay lang kasi akong tinatawag siyang Manang Carmen pag pinupuntahan ko'ng kaibigan kong maid nila.‛
Pangalan na iyon ng mommy niya. Kung magkakakuwentuhan man sina Mommy Dely at Judge Saavedra, kukumpirmahing tiyak ni Mommy Dely na may kakilala nga itong Carmen. Baka ang ikalito na lamang ng babae ay kung naikuwento nga nito sa mommy niya o hindi ang pangangailangan ng maid ni Judge Saavedra.
Patangu-tango uli ang kaharap niya, waring nag-iisip.
‚Mommy, sino ba'ng nagligpit sa kuwarto
ko?‛ sabi ng isang lalaking pababa na tantiya ni Shanna ay edad 21 lamang. Guwapo kahit boyish-looking ang lalaki, nakasimangot nga lamang na tila mainit ang ulo. Naka-shorts lamang ito na puti at hubad sa itaas. Maputi ang kabuuan ng lalaki.
Natigilan ito nang sa pagbaba ng hagdan ay matitigan siya.
‚Si Jigo,‛ sabi ni Judge Saavedra, pangalawa sa bunso sa mga anak ko.‛ Bumaling ang hukom sa lalaki sa hagdan. ‚Bakit ba?‛ tanong nito.
‚Hindi ko makita'ng shades ko, e,‛ medyo mababa na ngayon ang tinig na sabi ng lalaki. Napahiya marahil dahil may ibang tao sa salas. ‚Gagamitin ko pa naman 'yon na pamporma mamaya.‛
‚Wala namang ibang magliligpit ng kuwarto
mo kundi itong si Doring,‛ ani Judge Saavedra na bumaling sa katabing maid.
‚Ipinatong ko lang sa may tokador mo 'yung shades,‛ sabi ni Doring.
‚Wala, e. Parang nabubuwisit na namang sabi ni Jigo.
Mainitin ang ulo, saloob-loob ni Shanna. At halata niyang nagkukontrol lamang ang lalaki.
‚Ikaw na nga'ng tumingin,‛ sabi ni Judge Saavedra kay Doring.
Ibinaba ng babae ang hawak na a$ache case saka tinungo ang hagdan.
Nasa kalagitnaan na ito nang masalubong ang isang babae na humigit-kumulang ay 26. Maganda ito at maputi rin, may malaking pagkakahawig kay Jigo. Bihis na bihis ito at sa pagmamadaling makababa kaagad ay muntik nang
makabangga ang maid. Hindi ito magkandadala sa mga dalang kahon, papeles at bag. Doring, pakisunod mo naman sa kotse
'yung naka-hanger kong terno na nakapatong sa ibabaw ng kama.‛
Nagbantulot wari si Doring, napatingin kay Jigo na tila nag-aalala kung ang utos nito ang susundin o ang sa babae.
‚Naku, me ipinahahanap diyan si Jigo,‛naiiling na sabi ni Judge Saavedra.
‚Sandali lang naman, e,‛ pamimilit ng babae. ‚Sige na't late na ako.‛
‚Hay, naku,‛ sabi ni Judge Saavedra nang balingan uli si Shanna. ‚Ngayon e, nakita mo na kung gaano namin kailangan ang dagdag na kawaksi rito sa bahay. Kaya sa ibang araw ko na lamang hihingin ang ibang requirements mo. Kung hindi ka nga lang mabibigla e pag- uumpisahin na kita ngayon ding araw na ito.‛
‚Ho?‛ nabiglang sabi ni Shanna.
‚Nag-aaplay siyang maid, Mommy?‛ tanong ng babaing maraming dala na ngayon ay nakababa na ng hagdan.
‚Oo. Sila raw magkapatid. Hindi pa nga lamang niya kasama ang kapatid niya. Kakilala siya ng isang kaibigan ni Dely.‛ You're hired,‛ masiglang sabi ng babae kay Shanna. ‚O, pakidala mo na ang mga ito sa kotse ko. 'Yung kulay biege na nakaparada riyan sa harap.‛ Ipinasa ng babae kay Shanna ang ibang dala nito.
‚Marisol!‛ shocked manding bulalas ni Judge Saavedra.
Sabagay ay nakabigla rin namang mabuti kay Shanna ang ginawa ng anak nito. Mas maaga siyang ma-train ay mas maganda, di ba, Mommy?‛ nakangiting sabi ng babae na kumindat pa sa ina. ‚C'mon...‛ baling nito kay Shanna. ‚Ano nga'ng pangalan mo?‛
‚R-Regina. Reggie.‛
‚C'mon, Reggie. Mali-late na 'ko sa opisina. Isunod mo na sa akin 'yang mga dala mo.‛ Nagpatiuna na sa kanya si Marisol.
Waring nais mailing sa bilis ng mga
pangyayari na sumunod na lamang si Shanna sa babae, bitbit ang mga dala nito kanina na ipinasa sa kanya.

Di Sinasadyang  Dayain KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon