Chapter 7

1K 18 0
                                    

KINABUKASAN na siya nakatawag sa kanilang opisina.
Dahil wala namang ibang tao sa salas, ang telepono roon ang ginamit niya sa halip na ang dalang cellphone.
Tita Shanna?‛ tuwang sabi ni Meldy nang mabosesan siya.  Ba't para kang nakakarinig ng multo?‛ biro niya sa kanilang magandang sekretarya.
‚E kasi naman, kontak ako nang kontak sa condo e walang sumasagot. Maski pager mo e bugbog na yata sa message ko pero hindi ka pa rin tumatawag.‛
‚Bakit ba? Kailangan ba ako for interview?‛
‚Hindi. Pero nasaan ka ba?‛
‚Nasa malayo. At sikreto. Hindi ko pa puwedeng sabihin kung saan.‛
‚Bakit?‛
‚Basta. Konektado sa ginagawa ko ngayong nobela. Dapat nga e i-charge ko sa Books To Treasure ang ginagasta ko. Bakit, nagbabakasyon ka ba sa Boracay?‛
‚Hindi, no? At lalong hindi ako nagpapasarap. Ano ba 'yung importanteng sasabihin mo? At nagmamadali ako.‛
‚Ipinakukontak ka kasi nina Boss Rannie
dahil sa gagawin ninyong autographing session sa darating na Book Fair.‛
Naalala niya ang taunang exhibit na taun-
taon nilang sinasalihan. Sa susunod na buwan na nga pala iyon. Nakaugalian na nilang sabayan iyon ng autograph-signing, silang mga author na babae sa Books To Treasure.
‚Kelan nga 'yon?‛ tanong niya. Next month. Sept. 14-15, 21-22. As usual, dalawang sunod na Sabado at Linggo.‛
Linggo lamang ang day-off niya sa mga
Saavedra. Paano siya makakadalo sa mga araw ng Sabado ng kanilang autographing session?
Ngayon lamang niya naisip na magkakaroon ng kumplikasyon sa 'pagiging maid niya' pagdating ng mga ganitong problema.
Bakit? Nasa mga Saavedra ka pa ba sa susunod
na buwan? Sabi ng isip niya. Hindi kaya tapos mo na noong sulatin ang nobela mo at nakapag-resign na sa kanila?
Posible kahit nakakalungkot ang aspetong iyon.
‚Ano raw ba'ng pagmimitingan sa Wednesday?‛ tanong niya kay Mely.
‚Mga detalye. Kung anong oras kayo dapat
na nasa Megamall. Doon uli gaganapin, e. Kung ano'ng isusuot. Saka, bibigyan kayo ng ID.‛
‚'Yon lang naman pala, e. Itatanong ko na lang sa iyo as telepono pag malapit na. 'Yon namang ID e pipik-apin ko na lang diyan pag malapit na rin.‛
‚Talagang busy ka, ha?‛
‚Oo. Sabihin mo na lang kina Boss Rannie.
Para 'ika mo sa ikagaganda ito ng ginagawa kong nobela.‛
‚E me iba pa kayong didiskasin, e.‛ Ano?‛
‚'Yung nalalapit n'yong pagbiyahe sa South.
E di ba't magkakaroon din kayo roon ng series of autographing session? Isasabay sa blessing ng beach house ni Boss Vito sa General Santos.‛
Oh, no, sabi ng isip niya.
Ano ba ang idadahilan niya para makalusot sa mga Saavedra?
Imposible namang ang commitment niya sa opisina ang balewalain niya.
Bilang number one writer ng Books To Treasure ay obligado siyang gampanan ang functions niya.
‚Saka, Tita, kailangan ko ng black and white picture mo.‛ Aanhin?‛
‚Mababago na ang presentation natin ng
mga libro. Lalagyan na sa back cover ng litrato ng mga authors. Hinihiling ng mga fans. Parang sa abroad. Sosyal, 'no?‛
‚Oh, no,‛ napalakas na sambit niya.Tita?‛ sabi ni Meldy na waring
ipinagtakang hindi siya natuwa sa ibinalita nito.
Kung noon nangyari iyon ay tiyak ngang matutuwa siya.
Pero sa ngayon na ipinakakatagu-tago niya sa mga Saavedra ang identity niya, hinding-hindi niya mapapayagang ma-publish sa libro ang mga litrato niya.
At alam niya, mahihirapan siyang ipaliwanag sa mga boss niya kung bakit kailangan niyang tumanggi sa bagong pakulo ng mga ito.
PARANG kinasiyahan siya ng tadhana nang Miyerkules na iyon.
Sumasakit na ang ulo niya kanina sa kaiisip kung paano saglit na makakaiskapo para makadalo sa meeting sa kanilang opisina pero wala pa rin siyang maisip na idadahilan.
Saka naman siya inutusan ni Judge Saavedra na mag-grocery.
Pasama ka na lang kay Doring,‛ sabi ng babae. ‚Malapit lamang diyan sa makalabas ng subdibisyon ang grocery. Isang sakay lang ng traysikel.‛
‚Ako na lang ho para hindi maabala si
Doring,‛ aniya. Pinigil niyang lumarawan sa anyo niya ang labis na katuwaan.
‚Sigurado kang hindi ka maliligaw?‛ paniniyak ni Judge Saavedra.
‚Hindi ho, Ma'am.‛
Binigyan siya ng babae ng pera at listahan ng mga bibilhin. Bahala na rin daw siya sa iba pa niyang kakailanganin.
‚HELLO... Mom?
Shanna? Is that you?‛ High-pitched ang tono ni Mrs. Moran, halatang nabigla nang mabosesan si Shanna sa telepono.
‚Ako nga, Mom,‛ natatawang sabi niya. Sabi
na nga ba niya na ganito ang magiging reaksiyon ng mommy niya.
‚Where are you?‛ halatang anxious na
tanong ng babae. ‚Ano ba'ng nangyayari at pati si Lulu Belle e hindi maintindihan kung nasaan ka? Ni ang maid mo e wala yata sa condo.‛
‚Relax, Mom. Right now, I'm at my boss
private office. May meeting kami at sumingit lamang akong matawagan ka muna. But I have to make it quick. Aside from the fact that we're in the middle of the meeting, kailangan ko pang makabalik agad sa mga amo ko.‛
‚Mga amo? You mean, ang mga boss mo riyan?
Nope. May iba pa akong mga amo.‛
‚Sino?‛ Shanna! Ano ba talagang kalokohan ito at–‛
‚Relax, Mom. I'm okay. I'm just taking a break.‛
‚Ang sabi mo sa voice tape ay nagbabakasyon ka.‛
‚Yap. Bakasyon na may kasamang trabaho.‛
‚Bakit hindi ko puwedeng malaman kung  nasaan ka?‛
‚Because you wouldn't approve of it, I'm sure.‛
‚Ano ba talaga'ng ginagawa mo?‛
Halata niya, napipika na ang ina sa
paglilihim niya. "Nothing bad, Mom. Believe me. May kaugnayan lamang sa kasalukuyang isinusulat ko. Pag natapos ko 'yon, saka na ako magkukuwento sa iyo.‛
Napabuntunghininga na lamang si Mrs.;Moran nang matiyak na hindi siya nito mapipilit magtapat. ‚Take good care of yourself na lang, ha?‛
‚I always do. Ikaw rin.‛
‚Kasama mo si Myra?‛
"Oo. Okey lang din siya.‛
‚Buweno, kung ano mang kalokohan 'yan,
get it over and done with... and fast. Nag-aalala tuloy ako.‛
‚'Yan ang problema sa iyo, Mommy, e. You always worry. Why not try to relax and enjoy yourself sometimes? Be a li$le bit daring... adventurous.‛
‚Ikaw na lang, hano? Isasali mo pa ako sa mga kalokohan mo.‛
‚Ipinarinig niya sa ina ang pagtatawa niya.
‚'Yung kaibigan mo, nagwu-worry na rin. Tawagan mo siya, ha?‛
‚Yes, Mom.‛
‚At ang pagkain mo–‛Mom,‛ natatawang gamit uli niya ang tono kapag gusto nang patigilin sa pagsasalita ang ina. ‚I still have a meeting to return to.‛
‚Okay, okay. Take care. I love you.‛
‚Love you too. 'Bye.‛
‚ANONG hindi ka makakadalo sa mga araw ng Linggo sa autograph-signing n'yo sa Megamall?‛ maang na tanong ng isa sa tatlong boss niya na si Boss Vito.
Bale presidente ito sa Books To Treasure at pinakamataas ang ranggo sa tatlo.
Gayunman ay nakakaya niya itong lambingin at biruin dahil kapag nasa mood ang lalaki ay mabait at sweet sa kanilang mga author.
‚Hindi nga, boss,‛ malambing ang boses na sabi niya. ‚May previous commitment na 'ko sa mga araw na 'yon, e.‛
‚Aba'y kanselin mo,‛ kunwari'y pormal na
sabi ng mahigit 50 taong gulang na lalaki. ‚Mas importante 'tong affair natin, 'no?‛
‚I'll try,‛ sabi niyang nag-iisip na agad ng
paraan kung paano makapagdi-dayoff nang dalawang sunod na araw. Nang dalawang sunod na linggo.
Posible nga kayang hiramin na lamang niya
ang day-off ni Myra paris ng suhestiyon nito noon sa kanya?
‚Hindi puwede ang I'll try,‛ istrikto nang
sabi ni Boss Vito. ‚Basta it's a must na naroon ka.
You owe it to your fans. Saka, kailangan din naman ng mga kasamahan mo'ng presence mo.‛
‚Okey, okey,‛ pagku-commit na niya. ‚Pero
sa tour sa South e talagang hindi ako sigurado kung puwede ako. Sabi mo, e baka mauna pa iyon sa autographing session.‛
‚Bakit hindi ka sigurado?‛ tanong na ni Boss Venchie na bise-presidente naman ng kompanya. ‚Dati'y lagi kang available sa mga lakad natin, a.‛
‚Me commitment nga ako ngayon na hindi ko pa puwedeng sabihin sa inyo kung ano. Konektado sa ginagawa ko ngayong nobela.‛
‚Wow, ha?‛ biro sa kanya ng 42 taong
gulang na lalaki. ‚Gusto mo pa kami ngayong giltihin para hindi ka masita.‛
‚Totoo nga, Boss. I wish I could tell you this pero hindi pa puwede, e. Saka na lang.‛ Bigyan mo naman kami ng clue,‛
nakatawang pakli ni Jo Alvincula, co-writer niya at matanda sa kanya nang ilang taon.
‚Kaparis din ito ng naging adventure mo
noong minsang kinailangan mong magkunwaring mail-order-bride, Jo,‛ sabi niya. ‚Hindi ba't kinailangan ka pang mag-aplay kunwa sa isang matchmaking agency para lamang ma-feel at ma- research ang mga pangyayari sa ganoong arrangement?‛
‚E totohanan siyang nabingwit ng isang foreigner,‛ biro ni Maila Joshue, isa pang co- writer niya. ‚Baka ganoon din ang mangyari sa iyo, Shanna.‛
‚Sana nga,‛ ganting-biro niya sa kasamahan.
‚'Yun, nangingislap ang mga mata niya,‛ sabad ni Vilda Obligacion, isa pang author sa Books To Treasure. ‚May naaamoy yata akong romance diyan sa ginagawa mo, a.‛
‚Kung anuman 'yan, e huwag mong gawing dahilan para hindi ka makasipot sa mga obligasyon mo rito, Shanna,‛ pormal na sabi ni Boss Rannie, ang kanilang office manager. ‚You have a commitment here.‛
Kapag ang boss na niyang iyon ang nagsalita
ay natatameme siya. Pormal kasi ito at direct to the point. ‚Okay,‛ pormal nang sabi niya. ‚Pero makikiusap akong i-move ang date ng biyahe natin sa South. Kahit after a month and a half man lamang.‛
Okey,‛ sabi ni Boss Vito pagkaraang saglit
na mag-isip. ‚Imu-move ko na lang din ang date ng blessing ng beach house ko para isang lakad na nga lang.‛
‚Kung gano'n, okey na ang usapan? I have to go. May mga bibilhin pa akong groceries.‛ Tumayo na siya.
‚Wait, hindi pa tayo tapos,‛ sabi ni Boss
Venchie. ‚At kailan pa nangyaring ikaw ang nag- grocery sa inyo, ha?‛
‚Ngayon lang, Boss. At hindi para sa akin.‛
‚Nahihiwagaang napatitig sa kanya ang lalaki.
‚Konektado pa rin ito sa sekreto kong pagtatago ngayon,‛ nakangiting sabi niya. ‚I'll make kuwento na lang later.‛
‚Pero may pag-uusapan pa tayo. Ang paglalagay n'yo ng litrato sa back page ng mga libro n'yo.‛
‚A, 'yan definitely ang hindi puwede. Ang mga kasamahan ko na lang.‛Kumunot ang noo ng mga boss niya.
‚Temporarily lang naman. Maybe after a month and a half din ay puwede na.‛
‚Pero Shanna–‛ si Boss Vito.
‚Pagbigyan n'yo na 'ko rito, Boss.‛
‚Pero maiiba ang format ng libro mo.‛
‚For a while lang naman, e. Saka, malay n'yo kung maging atraksiyon pang lalo 'yon sa mga readers. Siyempre'y mamimisteryuhan sila kung bakit wala akong picture sa libro gayong ang mga kasamahan ko e meron. Pag na-curious sila, lalo silang bibili ng libro ko.‛
‚Or it may be the other way around,‛ ani Venchie.
Tingnan muna natin, Boss. Basta sa ngayon,
I beg of you. Hindi muna ako kasali sa pakulong iyon.‛
‚Naku, Shanna,‛ parang sumasakit ang ulo
sa kunsumisyon na sabi ni Boss Vito. Nakangiti naman ang lalaki dahil walang magawa. ‚Pag di mo ikinuwento sa amin later kung ano 'yang misteryong 'yan, e ibabala ka namin sa kanyon.‛
‚O kaya nama'y ihuhulog sa bunganga ng bulkan,‛ biro na rin ni Boss Venchie.
‚Ang lulupit n'yo,‛ natatawang sabi niya sabay kuha sa shoulder bag niya sa upuan.
Hindi na siya napigil ng mga kasamahan
nang nagmamadali siyang bumabay na sa mga iyon.

Di Sinasadyang  Dayain KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon