Chapter 4

1.2K 23 0
                                    

BAKIT nga hindi? Saloob-loob ni Shanna nang gabing iyon habang nakauo sa harap ng computer.
Bakit nga hindi niya paksain ang isang tulad ni Myra sa kanyang nobela?
Tutal naman, madalas na ganoon ang tema
niya. Istorya ng mga karaniwang babaing naibig ng mga lalaking guwapo na ay mayaman pa. Alam kasi niyang karamihan sa mambabasa nila ay mga empleyada, guro, salesgirls, factory workers, tindera, estudyante, mga simpleng maybahay, domestic helpers dito o sa abroad at iba pang pangkaraniwang babae na lagi na'y nangangarap na hanguin sa kahirapan ng buhay, ng isang lalaking mistulang knight in shining armour.
Parang naging formula na niya na i-identify ang mga pangkaraniwang babae sa lipunan sa mga pangunahin niyang karakter sa libro dahil napatunayan niyang epektibo iyon sa larangang kinaroroonan niya.
Pero kahit kailan, hindi pa siya pumaksa ng isang katulong sa bahay bilang isang bidang babae sa alinmang nobela niya.
Kay Myra ba niya iyon uumpisahan?
‚Buweno, sabi ng isip niya. Pagbibigyan niya ang kahilingan ni Myra kahit madalas siyang naiinis dito.
Gagawa siya ng istorya tungkol sa isang
maid na naibig ng mayaman at guwapo nitong amo.

Kinuha niya ang note pad na laging nakatabi
sa computer. Itinala niya ang mga importanteng bagay na kakailanganin niya sa pagsisimula ng isang bagong nobela.
Pangalan ng babae?
Saglit lamang siyang nag-isip.
Myra. Kaparis ng hiling ni Myra.
Pangalan ng lalaki?
Doon siya medyo natagalan. Mahilig kasi
siya sa magandang pangalan ng lalaki sa kanyang mga bida. Yaong class na ay parang he-man na he-man pa ang dating.
May personalidad.
May authority.

Dave, naisip niya.
Isinulat niya ang pangalang iyon sa note pad.
Ano si Dave? Bakit mayaman?
Hmm, negosyante siya. Konektado sa real estate. Kaparis ni Mommy.
Isinulat niya iyon sa note pad. Kasunod
niyon, binuo na niya ang iba pang detalye para magmistulang tunay na tao ang kanyang mga karakter.
May background.
May kani-kanyang pamilya at pinagmulan.
May sari-sariling ugalit at prinsipyo sa buhay.

May tiyak na kinaroroonan sa mundong ito.
Dahil alam niyang kung wala ang mga iyon
ay mahirap maging tunay na tao sa paningin ng readers ang kanyang mga tauhan. Kung pagagalawin agad niya nang hindi pa man nabibigyan ng kabuuang identity ay magmimistulang carricature lamang ang mga iyon na pinaakto niya ayon sa kanyang kagustuhan.
Nang maging sa sariling isip ay makumbinse niyang mayroon ngang Myra at Dave na nag-i- exist sa mundo, humanda na siya para gawin ang unang chapter.
Doon siya nahinto.

Dahil niya malaman kung paano at saan sisimulan ang istorya.
Sinimulan niya sa isang simpleng eksena. Naghihirap ang mga magulang ni Myra sa probinsiya kaya ito namasukan. Sa bahay nga ng mayamang lalaking nagkagusto rito.
Hindi niya nagustuhan ang treatment. Masyadong abrupt. Binura niya sa computer ang nagawa niyang chapter. Nagsimula siya ng iba.
Ang eksena ay sa malaking bahay na ng
lalaki nang una nitong makita ang bagong pasok na katulong. Naakit agad ang lalaki.
Pangit pa rin ang dating sa pakiramdam niya.
Hindi niya mabigyan ng tamang deskripsiyon ang feeling ng dalawang pangunahing tauhan. Ni hindi nga niya malaman kung kaninong point of view ang gagamitin niya. Kay Dave ba o kay Myra?
Tinigilan na niya ang pag-iisip nang
pagkaraan ng ilang sandali ay wala pa rin siyang maisip na magandang paraan ng pag-uumpisa.
Sumasakit na kasi ang ulo niya. Manonood na lamang siya ng beta at baka kahit paano ay makapulot siya ng ideya.
Hindi naman siya ganap na makapagkonsentra sa pelikula nang nanonood na siya.
Naisip niya ang istoryang hindi niya nasimulan.
Bakit ganoon? Tanong ng isip niya. Hindi mo
ma-feel ang gusto kong sulating istorya. Kailangan bang maranasan ko muna kung paano maging maid para maging authentic ang isinualat ko paris ng sabi ni Lulu Belle?
Alangan namang gayahin niya si Rizza
Marina Pag-asa na kapag kailangang pumasok ng gay bar para authentic nitong ma-describe ang pook ay ginagawa nito.
Ang lagay ba'y mamasukan siyang maid
para maramdaman kung paano talaga malagay sa lugar
ang isang paris niyon?
Weird, napapangiting naisip niya.
Pero hindi nga ba't karaniwan nang kasabihang weird naman daw talaga ang mga writer na paris niya?
SABADO kinabukasan.
Araw ng bowling niya.
Kasali kasi siya sa Saturday Bowlers Club
kung saan dalawang taon na siyang miyembro. Si Lulu Belle ang nag-introduce sa kanya dahil mas nauna ito sa pagbu-bowling. Mas matagal nang miyembro ng nasabing klab na ang tournament ay ginaganap tuwing Sabado, ikalima ng hapon.
Nakasanayan na niyang dinadaanan si Lulu Belle sa Proj. 6 bago sila tumuloy sa RJ Lanes na nasa Abra St., sa likuran ng Muñoz market. May kotse kasi siya at si Lulu Belle ay wala kaya siya ang laging sumusundo rito.
Nang hapong iyon ay si Mommy Dely ang nagpatuloy sa kanya nang sunduin niya si Lulu Belle.
‚Bihis na ho ba si Lulu Belle?‛ tanong niya matapos humalik sa babae na kasing-edad lamang halos ng kanyang ina.
Parang anak na rin ang turing sa kanya ni Mommy Dely.
‚Ku, ano bang bihis, e, nagsi-shower pa,‛ sagot ng may katabaang babae.
‚Ho? Aba, e four thirty na.‛ Tumingin siya sa suot na relo. ‚Baka ma-default kami.‛Hindi naman siguro. Malilista lamang kayo bilang huling player. Ano nga'ng tawag do'n?‛
‚Anchor ho, Mommy. Usually, e, ang pinakamagaling sa team ang nalalagay roon. Pag me na-late nga lamang na player, kahit hindi siya masyadong magaling, e sa huli siya ililista para makahabol pa rin sa laro. Para tuloy siya ang lumalabas na anchor. Naku, ayokong-ayoko hong maging anchor at nakakatensiyon lalo na kung naghahabol.‛
‚Mga ten minutes lang naman sigurong
imaneho ang mula rito hanggang bolingan. Matatapos na si Lulu Belle. Maupo ka muna't patitikman ko sa iyo 'yung kabi-bake kong sponge cake.‛
‚Ang lulu Belle talaga na ito, oo,‛ naiiling na sabi niya nang maupo sa sofa. ‚Kahilig maghahabol sa oras.‛Para namang hindi mo kilala ang kaibigan
mo. Teka, diyan ka muna't kukuha ako ng cake sa kusina, ha?‛ Tumalikod na naman si Mommy Dely.
Nang bumalik ito sa salas ay dala na sa serving tary ang isang baso ng orange juice at isang platito ng chocolate cake.
‚Kayo ho'ng nag-bake nito?‛ tanong niya nang ibaba ng babae sa mesa ang tray.
‚Oo. Masarap daw, sabi ni Lulu Belle. Alam
mo naman akom mahilig akong mag-bake pero ayaw tumikim. Lalo akong tumataba, e. O, kain na.‛
Kahit kamemeryenda lamang niya kanina, pinagbigyan niya ang babae. Nahihiya naman siyang tanggihan ito. ‚Masarap nga ho, a. Me kinopyahan ho kayong resipi?‛ Wala. Imbento ko lang.‛
Tumango siya.
Tila nasisiyahang pinanood siya sa pagkain ni Mommy Dely.
‚Kayo ho?‛ alok niya sa matanda.
‚Hindi na. Nagmeryenda ako kanina, e. Sinabayan ko si Lulu Belle.‛
‚Hindi yata kayo umalis ngayon?‛ pakikipagkuwentuhan niya.
Alam kasi niyang madalas na umaalis si Mommy Dely poara magbenta ng alahas. Iyon ang matagal nang pinagkakakitaan ng babae. Parang tinamad ako, e. Nakapagbenta kasi
ako ng dalawang malaking item no'ng isang araw. Do'n ba sa suki kong mayaman na taga- Tandang Sora. Ke Judge Saavedra. Ibinili niya ng pulseras 'yung dalagang anak niya. Saka 'yung panganay e niregaluhan naman ng kuwintas.‛
‚Di malaki ho ang kinita n'yo?‛
‚Medyo. Masarap kasing bentahan si Judge, e. Hindi tumatawad.‛
‚Lalaki ho ba siya?‛
‚Hindi,‛ pabiglang sabi ni Mommy Dely
nang natatawa. ‚Babae 'yon. Malapit nang mag- retire sa pagiging judge.‛
‚A...‛ inubos niya ang natitirang chocolate cake at uminom ng orange juice. Oy, nabanggit nga pala sa 'king minsan ni
Lulu Belle na naiinis ka sa katulong mo at gusto mong paalisin, ha? Huwag, mahirap humanap ng katulong ngayon.‛
‚Oho nga, e. Inaalala ko rin namang mas mahirap kung wala siya.‛
‚Totoo iyon. E 'yon ngang si Judge, hirap din ngayong humanap ng kapalit sa umalis nilang katulong. Magkapatid pa naman 'yon.‛
‚Tiyak hong napakalaki ng bahay nila, ano?‛
‚A,oo.Kung di pinakamalaki sa subdibisyon nila e, pangalawa siguro. Mayaman sila, e. Kahit biyuda na si Judge, professional naman ang tatlong anak. 'Yung bunso na nga lamang ang nag-aaral sa ngayon. Graduating sa high school. 'Yung pangalawa, e kaga-graduate ng Engineering at wala pang trabaho. Lalaki iyon. ang sinundan niyang si Marisol, e branch manager ng isang insurance company sa Makati. At 'yung panganay, si Miguel, e abogado. Minana ang opisyo ng nasira niyang ama.‛
‚Lilima lamang ho sila sa bahay?‛
‚Oo. Pero dahil nga napakalaki e, ang hirap i-maintain. Kaya nga naghahanap sila ng dalawa pang katulong. Dahil baka iwan daw sila ng natirang katulong sa bahay kapag nahirapan.‛
‚Ano ho 'ika n'yo, Mommy Dely?‛ natigilang tanong niyang.
‚Ang sabi ko, pag nahirapan 'yung kaisa- isang katulong nila ngayong, e baka–‛Hindi ho iyon. 'yung sinabi n'yo bago pa 'yan?‛
‚A, 'yung naghahanap si Judge Saavedra ng papalit sa magkapatid na umalis sa kanila? Bakit?‛
‚W-wala ho. Baka lang 'ika ko me maitulong ako sa kanila pag nakakita ako ng maid.‛
‚Sige nga,‛ tuwang sabi ni Mommy Dely. ‚I-
tip mo sa akin at nang paminsan-minsan naman, e, ako'ng tanawan ni Judge ng utang na loob. ‚Pag nakakita ka ng maayos na katulong e 'yon na lang ang sa iyo at kahit si Myra na lang ang ipamigay mo kina Judge. Sigurado ko, sa kadesperahan nila ngayon e, hindi nila tatanggihan maski medyo tatanga-tanga 'ika mo ang maid mong iyon.‛
‚Sige ho. Sa Tandang Sora 'ika n'yo sila?‛
‚Oo. Sa Tierra Bella Subdibivison.‛

Di Sinasadyang  Dayain KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon