Intro

50 3 0
                                    

Tumingin ako sa mga mata niyang puno ng kalungkutan.

Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Hindi dahil naranasan ko na rin ang pinagdaraanan niya, kundi alam ko na ang pakiramdam nang pilit kang nilalayo sa taong mahal mo.

"Hindi siya katulad ng iniisip ng ibang tao." Sabi ko sa kanya na lalong niyang kinaiyak.

Magsasalita pa lang sana siya nang pinigilan ko siya.

"Sshh. Wag kang magtaka kung bakit ko alam ang dahilan ng pag-iyak mo."

Eto na naman. Di niya na naman napigilan ang mga luha.

Alam ko kung bakit siya naiyak. Di man niya sakin sabihin, alam ko.

Dahil...

HINDI AKO PANGKARANIWAN.

Kaya kong basahin ang iniisip ng isang tao sa simpleng pagtingin lang sa mata niya.

Kaya kong malaman ang nakaraan niya sa simpleng paghawak ko lamang sa buhok niya.

Kaya kong makita ang hinaharap sa simpleng pagtitig lamang sa mga mata niya.

Pero may isang bagay na mas hindi katanggap tanggap. 

Ang dahilan kung bakit nilalayuan ako ng mga tao.

KAYA KONG MANAKIT O PUMATAY SA PAMAMAGITAN NG ISIP KO LANG.

Hindi kapanipaniwala? 

Akala ko rin nagkataon lang ang lahat.

Pero nung aksidente kong napatay ang isang mahal ko sa buhay..

Dun na ko nag-umpisang maniwala.

Na isa nga akong halimaw.

Hindi ko alam kung saan 'to nanggaling. Hindi ko alam kung ituturing ko ba itong biyaya o isang sumpa.

"Ate alessia bakit? Bakit kailangan pang mangyari 'to?." Sabi ng babaeng kaharap ko. Bagaman wala akong nakatatandang kapatid, alam ko ang nararamdaman niya. Pangungulila sa isang ate.

Nakita ko.

Sapilitang dinala sa hospital ang kanyang ate Alessia ng mga taong gustong manakit sa kanya. Kahit wala siyang sakit. Sapilitan siyang pinapainom ng mga gamot na hindi naman niya kailangan. Pero ang pinakamasakit sa lahat, ang taong nagdala sa kanyang ate sa hospital ay walang iba kung hindi ang kanilang sariling ina.

"Wag kang mag-alala. Magagawa niya ring tumakas." Sabi ko sa kanya.

HIndi ito bilang pagkocomfort lang.

Nakita ko. 

Nakita ko ang hinaharap.

Magagawang makaalis ng ate niya sa mistulang kulungan na iyon at sa sandaling makatakas ay uumpisahan niya na ang dapat umpisahan. Ang maghiganti.

"Wala kang dapat ikabahala. Magiging ligtas siya."

Lalo naman siyang umiyak.

"Ate alessia tama na! Tama na!"

BIgla namang lumapit sa amin ang dalawang lalaking nakaputi.

"Miss Alessia time for your medicine na po. And Miss Alexa, tapos na po ang visiting hours."

Teka anong sinasabi ng mga 'to?

"Nagkakamali po at--"

"A-ate. Ate alessia. Please. Come back to your senses. Namimiss ka na namin nila mommy."

Sabi ng babaeng kaharap ko at saka naglakad palayo.

"A-ANONG NANGYAYARI? ANONG ATE ALESSIA? WALA RITO ANG ATE MO!"

Pero bigla na kong hinawakan ng dalawang lalaki sa tabi ko.

"Alessia Lopez. That's your name miss." 

Tiningnan ko naman siya.

"H-huh? Hindi! Nagkakamal--"

"Bumalik na po tayo sa loob."

S-sa loob? Tumingin ako sa likod ko.

CRIMSLOW MENTAL INSTITUTION

"M-MENTAL INSTITUTION?! BAKIT? SA TINGIN NIYO BA NABABALIW AKO?! HA?! SINONG NAGDALA SAKIN DITO?!"

"Si Mrs. Alejandra Lopez po. You're mom."

Natigilan ako. Sa tingin ba talaga nila nababaliw na ako?!

Hindi ako pangkaraniwan pero hindi ako baliw.

Hindi ako nababagay dito!

Tiningnan ko ng diretso sa mga mata ang lalaking may hawak sa kaliwa kong braso. Masama man. Pero kailangan kong gawin 'to.

Huminga ako ng malalim at saka inisip ang kamatayan ng lalaking 'to. Simple lang akong pumatay. Hindi mo mararamdaman ang sakit.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

Die.

Pero makalipas ang ilang segundo ay wala pa ring nagyayari. 

A-ANONG NANGYAYARI? BAKIT BUHAY PA RIN SIYA?

"Ma'am tara na po."

"HINDI! HINDI AKO BALIW!"

Sinubukan ko muling patayin siya sa isip ko pero ganun pa rin ang resulta.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya pero di ko makita ang nakaraan o kahit hinaharap niya.

"Tara na po Miss Lopez."

Bigla ko siyang sinakal.

"HINDI AKO BALIW! HINDI!"

Lumapit sa amin ang mga guard at aksidenteng naitulak ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"T-tapos ngayon sinasaktan niyo ako?"

Tumingin ako sa kanila. Ay!

Oo nga pala.

"Sorry! Nasobrahan kasi ako kakabasa ng fairy tales eh. Hahahahaha. Ay hindi. Fables pala! Fables yung may mga kapangyarihan diba? Tara pasok na tayo sa loob. Tara! Ano pang hinihintay niyo?"

Hahahaha. Wala nga pala akong superpowers. Ano ba yan.

♡♡♡

Be good to me readers. :)

-FindingXXX

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPEAK.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon