Ellie's PoV
"N-nay. Tay..." andito na kami ngayon sa bahay nina tatay at nakatitig lang sila samen ngayon
"Jusko panginoon ko totoo nga?!"
"Hello po. Pasensiya na po ngayon lang ako nakapunta"
"Ano nga ulit pangalan mo iho?"
"S-si Topher po fiancée ko"
"Fiancée??!! Kelan pa?!"
"Tay..." hanla ayaw ko na di ako makapagsalita
"Ngayong linggo lang po sir. I... I know I was unable to get your permission first pero madami na po kasi kaming nasayang na taon. Ang dami pong nangyare saming dalawa that I don't want to hold back anymore. Sana po mapagbigyan niyo kami"
"Alam mo bang sobra sobra pinagdaanan ng anak ko nung nawala ka? Ano ba nangyare ha?"
"Araw araw po akong hihingi ng tawad sa inyo para don kung kailangan. Pero to cut the story short, my parents planned it all. Hindi ko po ginustong malayo kay Ellie. They took me away without my consent."
"Hala teka iho okay ka na ba talaga?"
Hinawakan ng mahigpit ni Topher ang kamay ko bago nagsalita
"More than okay mam. More than okay"
"Wag mo na iiwan ang anak ko ha? Mas masakit saming magulang na makita anak naming ganun."
"Yes mam makakaasa po kayo saken this time"
"T-teka nay, ibig sabihin ba neto... okay na kayo?"
"Okay?"
"S-sa kasal?"
"Matatanda na kayo no. Bat kami aayaw kung gusto niyo. Kayo naman ang magpapakasal di kami. Ang samin lang, hindi biro ang kasal ha? Kung may pinagdaanan kayong dalawa bago yon, asahan niyong mas matindi pa ang pwedeng dumating sa buhay niyo."
"T-talaga nay?!"
"Oo nga! Ano ba lutang ka bang bata ka? Haha"
"Nay!!!" Napasugod ako kina nanay saka yumakap
"Promise di ko pa rin kayo pababayaan. Kukuha ako ng magandang trabaho tapos pagiipunan natin yung malaking bahay para sama sama pa rin tayo dun!"
"Nako ano ka bang bata ka. Okay lang kami ng tatay mo. Wag mo kami pakaisipin. Kelan niyo balak magpakasal ba?"
"Ma ang sabi ko after graduation na lang ehh"
"Ahh maigi na nga. Kumain na ba kayong dalawa ha? Maggagabi na kumain na kayo teka maghahain ako"
"Tulungan na kita nay!"
BINABASA MO ANG
Coming Home
FanfictionIt pains me to see you cry. I'm really sorry for not saying goodbye. I love you until now even when I was about to die. Will you be able to forgive me if I show up that I'm alive?