Lisa's POV
"Kuyaaaaaaa. Isama mo na 'ko please?? Ayoko mag isa dito sa bahay! 'Di uuwi sila Mom and Dad diba??" sabi ko sabay hila sa braso niya habang papalabas ng bahay.
"Ano ba Lisa! Malaki ka na 'no! You should act like a woman now, not a brat okay?!" he said then made a loud sigh. I pouted.
"Tss!" sabi ko sabay pasok sa bahay at sara ng pinto.
Hah! Ayaw lang niya ng istorbo sa pakikipag inuman sa mga kaibigan nya.
Hmp!Narinig kong nagsalita si kuya. Mukhang may kausap sa phone.
"James, pwede bang isama ko 'tong kapatid ko diyan sainyo? Wala kasing kasama sa bahay ngayon. Nasa business trip sila Mom and Dad."
Nag ngiting aso naman ako. Ehehehe~ sabi na, di ako matitiis ng braderrr ko eh.
"Cool. Sige sige. Thanks....Right. Minsan ko lang makita kapatid mo eh... Yeah. Magkakasundo silang dalawa nyan....ah ganun ba....hahahaha....walang hiya naman 'tong kapatid ko eh. Feeling close ganon hahahaha."
Nawala naman bigla yung ngiti ko. Backstabber talaga 'tong hayop na 'to. Bwiset.
Agad agad naman akong dumapa sa couch sa sala na parang nagtatampo. Narinig kong pumasok si kuya.
"Hoy bumangon ka na dyan. Mukha kang palaka. Tss. Bilisan mo nang magbihis para---" Bumangon ako bigla tsaka hinarap sya.
"Thank you kuyaaaa!" I shouted sabay hug sakanya. Pft.
"Hoy hoy hoy. Itatali kita patiwarik pag di ka nag behave dun ah. Mahiya ka naman. Tsaka medyo suplada daw yung kapatid ng kaibigan ko kaya don't act recklessly ha?! We'll be spending the night there." he said.
Ohh. Interesting~ hahahaha~
"Yeeeess poooo." Sabi ko nalang.
---------------------------------------
"O Leo! Pasok kayo dali." sabi ng friend ni kuya.
Infairness, may sinabi ang fes.
"Pasensya na bro kung nagdala 'ko ng palamuni---" kinurot ko tagiliran ni kuya. Tss.
"Hi!" I greeted him with a wide smile. Hehehehe.
"Hellooo. Hahahaha. Ang cute ng kapatid mo bro ah. She looks like a cutie little puppy." he said sabay kurot sa pisngi ko.
Oops. Wala na. X na. Evicted!
Kinumpara pa 'ko sa aso.
I love dogs but I don't want to be one. Hmp.I heard my brother giggled. Alam kong alam niya ang iniisip ko.
I just rolled my eyes."By the way, maya maya magkukwentuhan lang kami ng kuya mo sa garden with our colleagues ha? We'll just celebrate something regarding sa work. Yung room na gagamitin mo yung nandun sa second floor. Turn left then yung last room dun. Katabi lang ng room ng kapatid ko." he said while smiling.
Agad naman akong tinignan ni kuya.
"Uhm.. bro. Di kasi yan nakakatulog nang mag isa pag sa ibang lugar eh. Pwede ba---"
"No i-it's o-okay." sabay nila akong tinignan.
"....I think? H-hehe."
Kuya's friend smiled at me.
