CHAPTER 19

408 8 0
                                    

LISA's POV

Agad-agad bumaba si Jennie pagkabanggit ni Kuya CY na nakarating na kami.

Sumunod naman agad ako sakanya.

Kanya-kanya naman kaming stretching. Masakit pa rin sa katawan ang dalawang oras na biyahe.

Ginalaw-galaw ko ang bewang at leeg ko dahil medyo namanhid yun.

"Waaaahhh. Ang ganda pala ditooo." Rian said.

Oo nga. Ang linis ng paligid at sobrang sariwa ng hangin. Nakakasilaw ang dagat at ang puting buhangin dahil na rin sa sikat ng araw na tumatama rito. Naaamoy ko rin ang tubig-dagat.

Nagtipon kaming lahat dahil may sasabihin daw si Bambam.

"So ang sabi ni Dad, hindi tayo sa hotel ng resort mag i-stay. May bahay kami dito na malapit lang sa hotel at dun daw tayong lahat. Wag daw tayong mag-alala dahil for two days, limited lang ang tatanggapin nilang bisita dito sa resort. Kasi usually napakaraming tao at mga turista ang pumupunta dito. Dad wants us to be comfortable and safe hangga't maaari.. Susunod nalang daw sila dito. Tomorrow morning nandito na sila." paliwanag niya.

"Ayos! So this night would be wonderful! Without the elders! Hahahahaha" Dan said.

Natawa naman kami.

"Your idea isn't that good Kuya Dan..." Bambam said. Nawala naman ang mga ngiti namin.

"...because that's brilliant! Hahahahahahaha!" Bambam added.

Napatawa ulit kami at napailing nalang dahil sa dalawang 'to.

Napatingin naman ako kay Jennie na seryoso lang ang ekspresyon.

Galit ba siya?

Sabagay. I'm supposed to hear that on my birthday.

But... hindi ko naman alam kung anong laman nun nung una eh. Hindi ko na rin natagalan na hindi pakinggan hanggang dulo ng recording.

Si Kuya James kasi ih.

Napakagat naman ako ng labi, thinking on how she would forgive me.

-----

Kanya-kanya kaming tingin sa loob ng bahay.

Habang si Rosé naman ay napansin kong nakatingin sa mga picture frames sa tabletop sa corner nitong lounge.

Nang lapitan ko siya ay nakatutok ang tingin niya sa isang picture ni ate Jisoo.

Napansin naman niya 'ko saka kami nagpalitan ng ngiti.

"You okay?" I asked, then I wrapped my one arm around her waist and kumapit naman siya sa balikat ko.

"Yeah." sagot niya sabay tingin ulit sa litrato kaya napatingin din ako doon.

"Ako ang kumuha ng litratong yan." she said while smiling, but sadness is there.

"Kaya pala ang lawak ng ngiti niya." I said.

She sneered.

"Lagi naman siyang ganyan." she answered.

I know Rosie. But I can see it in ate Jisoo's eyes. A stare that's only for their loved ones. And a smile of a person who's deeply inlove.

"Aray naman!" napalingon kami nang marinig namin si Kuya James.

"I said. don't. talk. to. me." Jennie said.

Nandyan na pala siya. She went to the restroom kanina. Sasamahan ko sana but she refused.

Napatingin siya samin. My eyes and her cold gazes met and that gave me chills. Lalo na nang mapatingin siya sa magkadikit naming katawan ni Rosie kaya napabitaw agad ako.

I want it to be YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon