CHAPTER 18

429 8 0
                                    


JENNIE'S POV


Last day was a great day. Lisa finally graduated as a cum laude and we're all proud of her. :)

At bukas naman ay birthday niya. Kaya bonggang celebration ang gusto ng parents niya. They wanted us to take a break ang give enough time for Lisa as a gift. So they decided na mag resort kami for 2 whole days kasama ang lahat ng malapit kay Lisa. Pag-aari naman ni Doc Ron (Daddy Ron niya) yung resort so it would surely be comfortable and safe. Ang foods naman ay sagot lahat ng Mom and Dad niya. Ang sasakyan naman namin ay sila Rosé at Kuya CY naman daw ang bahala.

Suggested kasi ng parents ni Lisa na sama-sama nalang raw kami sa iisang sasakyan.

Speaking of.

Narinig kong may bumusina sa labas ng gate namin. Sila na yun for sure.

Lumabas na kami ni Kuya James. Siya naman ang may dala ng mini luggage ko at isang travelbag na mga gamit naman niya ang laman.

Lumabas naman ng malaki at mahabang color gray na van si Kuya CY. Siya ang nagda-drive. I saw Rosé na katabi niya sa passenger's seat.

"Goodmorning Kuya CY." bati ko sabay ngiti.

"Goodmorning." sagot naman niya.

Tumango siya kay kuya bilang pagbati.

"Yung isang van na kasunod natin, dun lahat ng gamit. Akin na. Let me help." sabi ni Kuya CY saka kinuha yung gamit ko na hawak ni kuya para ilagay dun sa isang sasakyan.

"Thanks dude." sabi naman ni Kuya.

"Jennie! Get inside." nakangiting bungad sakin ni Lisa pagkabukas niya ng sliding door ng van.

Lumapit naman ako at tinignan muna ang loob bago pumasok.

Apat na rows ang upuan sa loob maliban sa driver's seat. Tatluhan bawat row.

So ang magda-drive is Kuya CY. Katabi niya si Rosé.

Sa first row naman, si Kuya Leo ang nandun katabi si Krisha. Dalawa lang sila dun.

Sa second row ay mag-isa si Lisa, na siguradong ako ang katabi. Hehehehe.

Sa likod naman namin, sa pangatlong row, si Dan and Rian. Dalawa lang din sila dun. Vacant ang gitnang seat nila. Mabuti naman. Mukhang todong bangayan na naman ang mangyayari sa buong biyahe.

Sa last row ay si Ate Sam and Kuya El, na vacant din ang gitnang seat.

"Good morning Jen! Hehehehe" bati sakin ni Rian.

"Morning." Dan said na mukhang antok pa. Night duty to kagabi. Hahahaha

"Hi there Jennie girl." -Krisha

"Yo Jennie." -Kuya Leo

"Hiiii" -Ate Sam "Hey" -Kuya El

"Good morning." Rosé said and slightly raised her hand to greet me.

Binigyan ko sila ng malapad na ngiti.

"Hello everyone." I said.

Nasa may window side nakaupo si Lisa.

Gusto ko sana na dun din umupo pero mas gusto ko siya katabi. Lalo pa na ang lawak ng ngiti niya sakin ngayon. Pfft.

Paakyat na yung isang paa ko nang biglang may humigit sakin at inunahan akong pumasok sa loob.

At ang mas ikinainis ko ay umupo siya sa tabi ni Lisa.

"Kuya James?!!" irita kong sabi sakanya.

I want it to be YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon