CHAPTER 11

457 13 0
                                    

LISA'S POV

I'm excited to go home because I have a good news to mom and dad. Hihihi

Kuya Leo and I had a bet. Na kapag nakaangat ako kahit sa top 5 sa class, he'll ask Dad to buy me a cool motorcyle. Mas malakas siya kay Dad kesa sakin eh. But I'm at the right age to have my own na~ hehehehehe.

Malamang nasa klase pa yun. So kila mom and dad ko na muna sasabihin.

When I got home, I saw Dad's car na nakabukas pa. Nilapitan ko yun para isara. Kinuha ko muna yung susi para ibigay sakanya mamaya. Si Dad talaga. Makakalimutin din minsan. Tsk tsk.

Pakapasok na pakapasok ko sa bahay, I called them. Pero wala sila sa living room. Maybe nasa taas sila. Ehehehe.

I was about to go upstairs nang may marinig akong sigaw at ingay sa taas na parang may mga nahuhulog na bagay.

Agad agad akong tumakbo sa taas para malaman kung ano yun.

I saw my parent's room, slightly open yung door. And I heard them. Shouting at each other.

Biglang nawala yung excitement ko. Bumigat bigla yung pakiramdam ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto.

"Sawang sawa na 'kong intindihin ka Rupert!!" Narinig kong sigaw ni mom.

Pumwesto ako sa gilid at sinilip sila sa loob.

"Pagod na din ako Alice!! Pagod na pagod! Hindi lang ikaw!! Buong buhay ko nagpakatanga 'ko para sayo! Kaya pano pa 'ko??! HA?!" Dad shouted.

"Alam mong ginawa ko ang lahat! PINILIT KO! Inamin ko yung pagkakamali ko sayo at pinagsisihan ko yun!! Pero habang sinusubukan kong mahalin ka, PURO KA NALANG PAGDUDUDA!!!" Mom shouted back.

I'm literally crying hard right now, without making any sound.

"I TRUSTED YOU!" Dad exclaimed.

"THAT'S WHAT YOU SAID BUT YOU ACTUALLY DIDN'T!" my mom is crying now.

Hindi nakapagsalita si Dad.

"You never did Rupert." Mom said with a lower voice, then cried hard.

Napaupo si Dad sa kama.

"M-maghiwalay na tayo." sabi ni mom.

Agad napatingin si Dad sakanya, while my eyes grew bigger because of what I've heard.

Napatakip ako sa bibig ko.

"Yan ba talaga ang gusto mo???" I saw tears run down on Dad's cheeks.

Mas lalong bumigat ang loob ko.

Mom didn't respond.

"Hindi mo man lang ba naiintindihan yung nararamdaman ko?? Alam mo ba kung gaano yung--- sakit.... Yung takot ko na baka tuluyan mo na 'kong iwan?? Tinanggap kita nang buong-buo kahit---" Dad let out a hard breath as if he's out of it.

I was about to enter their room and beg them to stop, when those words came out of Dad's own mouth.

"---kahit alam kong hindi ako ang ama ni Lisa..."

Sobrang sikip ng dibdib ko.

Gusto ko silang tanungin... kausapin... o kahit kumpirmahin ang mga sinabi nila.

Pero parang binalot yung puso ko ng pagkamuhi, na parang ayoko silang makita, o marinig pa.

Pano nila nagawa sakin 'to??

I want it to be YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon