Rian's POV
"Rian. Why did you mention that girl? Alam mo namang beastmode si Jen pag naaalala niya yung babaeng yun." Sabi nung ungas.
"Pwede ba. I'm just worried okay? Tsaka gusto ko lang paalalahanan siya. You know how miserable she was, right?" I said habang nakatingin lang kay Jennie habang papalayo.
"But I think Lisa is way too different from that girl. Don't you think?" He said.
"Yeah..."
:... I hope so." I said.
Lisa's POV
Haaaayyyss.
I just got home from the hospital. Nasayang lang ang oras ko sa pangungulit ni Bambam. Di ko naman nakausap si Tito kasi may urgent operation daw kanina.
Doctor kasi ang Dad ni Bambam and sila ang may-ari ng hospital na yun.
Bongga diba? Kababata ko ang anak ng may-ari and close ko pa ang mismong may-ari.
Bestfriends kasi dati ang parents ko at tsaka Dad nya. Kaya naging kababata ko din ang ugok na yun.
Hinahanap ko din si Jennie sa hospital kanina but I can't find her. Kaya malungkot ako pauwi. Grabeng lakas ng loob ang inipon ko para puntahan siya sa work niya tapos nasayang lang bigla.
Actually nagulat din ako na dun pala siya nagtatrabaho. Tinanong ko lang kanina si Kuya James eh. Pinagdasal ko talaga na sana wag akong makita ni Bambam pero hindi yata ako malakas kay Lord. Hehe.
But he is really a precious friend of mine. Siya lang napagsasabihan ko ng mga problema noon. Makulit man yun sa panlabas pero pag seryosong usapan maaasahan yun. He's a good guy actually.
Nagbihis lang agad ako para puntahan si Jennie sa bahay nila. Yellow shirt and jeans lang sinuot ko para comfortable.
Ginamit ko yung scooter sa bahay para mabilis. Nagsuot ako ng black jacket para di ako gaanong lamigin sa pagdrive.
Jennie's POV
Nagpapahangin ako sa rooftop ng bahay para magpahinga and para na din makapag muni-muni.
I'm listening to music while looking at the night sky. I'm also drinking a can of beer right now. Gusto ko lang makapag isip isip. Tungkol sa maraming bagay.
Nagulat ako nang biglang nagring ang phone ko.
It's Lisa.
Tss. I thought she's going to see me after visiting that guy's father.
Sinagot ko naman ang tawag nya.
"Hel--"
"Jennie? Where are you?? Di ka pa ba nakakauwi? May nangyari ba?" Sunod sunod nyang tanong.
Anyare dito? -__-
"Nasa bahay ako. Why?" I said.
"What?? Nasa labas ako ng bahay niyo. Kanina pa ko nagdo-doorbell but no one's coming out." She said.
Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya napatayo ako bigla at tinanggal ang headphones ko.
"Oh. Sorry. Di ko narinig. Bababa na ko." Sabi ko then I ended the call. Dali dali naman akong pumunta sa may gate at pinagbuksan sya.
"Sorry. Kanina ka pa ba?" Bungad ko sakanya. Mukhang gulat naman siya pagkakita sakin. I gave her a confused look.
"A-ah hindi naman." She answered.
"Come in." I said.
Lisa's POV
Nagulat ako nang bumungad sakin si Jennie na nakasando and short lang. She's hella sexy.