Chapter 10: COUSINS?

299 7 0
                                    

Nagbihis na kameng lahat ng pang swimming namin, dahil last day na namin ngayon dito sa tagaytay ay eenjoyin na namin ang huling araw namin dito.



Umakto akong normal, dahil pagbalik na pagnalik namin ng manila ay lalayo na ako kay nathan..



Tinakpan ko ng foundation ang mga sugat at pasa ko.. water proof naman ito kaya hindi mabubura.





Habang ang iba ay nag hahanda ng pananghalian namin.. kame naman ni sophie ay nag eenjoy sa dagat.


Kumukuha kame ng mga litrato.. suot ko ngayon yung binili kong black bikini.. sobrang sexy ko sa suot ko..


"Oy fbys, san mo balak pumunta kapag nakabalik na tayo ?" Pag oopen ng topic ni sophie

"Hindi ko pa alam, bahala na kung saan ako mapapadpad" sagot ko dito.


"Ma'am Imperial and ma'am bernal, handa na po ang tanghalian!" Sigaw ng isa naming empleyado.


Agad naman kameng lumapit ni sophie at kumuha ng juice..


"Asan si sir nathan?" Tanong ng isang empleyado sa kasama nya


Habang hinahanap namin sya ay bigla naman syang dumating..

"Hi guys! May gusto lang akong ipakilala sainyo" nakinig naman kaming lahat, nasa likod kame ni sophie nakapwesto "sorry kung ngayon ko lang sya naipakilala busy kase sya masyado eh, he's one of my cousins at sya ang nag mamanage ngayon ng resort na ito" sabi nito


Gulat na gulat ako kung sino ang tinutukoy nito. Nagkaroon na ako agad ng kutob dahil nga sa naikwento sakin ni rafa.

At hindi nga ako nagkamali, pag kita ko dito.

Siya nga..

"Hello guys i'm rafael cortez cousin of nathan gonzales nice to meet you all i hope na nag enjoy kayo sa resort namin" bati nito


"Ang gwapo naman ni sir, hindi nagkakalayo ang itsura kay sir gonzales" sabi nung isang empleyado at kinikilig kilig pa



"Uy Rafa!" Bati ni sophie. Napatingin naman si rafa dito


"Uy sophie, ikaw pala yan.. ang liit ng mundo ah, teka asan si fybs?" Napatingin sakin ang lahat, pagtingin ko kay nathan ang sama ng tingin nito sakin.


"Uy ma'am, parang sya yung kasama mo kahapon?" Pahamak talaga tong babae na to.


Nakita ko naman na tumikom ang mga kamao ni nathan. Natatakot ako na baka anong mangyare..


"Oo ako nga yung kasama nya kahapon, pinatikim ko sakanya yung special dishes namin dito sa resort, for sure gusto nyo rin itong matikman.. kaya nga here may dala ako para matikman nyo ito." Ngiti nitong sabi



"Wow, mukhang masasarap lahat.. thankyou sir rafa!" Pagpapasalamat ng lahat



Nakayuko nalang ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.



"Uy fybs, patay na.. mag pinsan pala ang dalawa" bulong nito.



"Wag mo ng ulit ulitin sophie, kinakabahan na nga ako eh" pagtataray ko dito


Ito pang si rafa lapit ng lapit sakin



"Cous? Hindi kaba kakain?" Tanong ni rafa ng mapansin nya si nathan na wala sa mood at nakatingin lang samin.



"Hindi cous, busog pa ako" tanggi nito.



Pag tapos naming kumain ay nag swimming na kaming lahat.


Nandito kame sa tabing dagat ngayon ni sophie, pansin ko papalapit sila nathan at rafa samin. Naka boxer lang silang dalawa. Kaya naman natulala lang sakanila ang mga kasamahan namin.



Nang makalapit sila samin..




"Ang sexy mo fybs" nailang naman ako dito. At alam kong nagpipigil lang si nathan ng galit. Nginitian ko lang ito at nag swimming na para hindi na nila ako magulo.








Sa di kalayuan ay pinanonood pala nila kame.

SEXy SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon