Chater 16: NEW BEGINNING

264 6 0
                                    

Sobrang sakit ng ginawa sakin ni nathan, ayoko ng magpaka tanga sakanya kahit mahal ko sya.

"Wag mo ng isipin ang mga sinabi nya sayo" sabi ni adrian na ngayon ay nakaupo at ginagamot ko ang sugat nito.

"Sorry adrian, nadamay kapa tuloy.. kung alam ko lang na mag pinsan kayo hindi na sana kita sinama dito, para hindi kana nadamay" nakokonsensya tuloy ako


"Okay lang yun fybs, okay nga yon at nalaman ko ang ginagawang kalokohan ni nathan" inis na sabi nito


Napaisip ako bigla nung una kameng nagkakilala ni adrian.


"Pero nagtataka ako, yung hinatid kita sa coffee shop malapit sa building nila diba sabi mo wala yung inaantay mo? Sya pala yung tinutukoy mo nun"

"Nang malaman ko na sya pala yung tinataguan mo naisip ko na itext ito para umalis, sinabi ko kase na hindi na ako makakapunta at buti umalis sya." Pagpapaliwanang nito.


"Eh bakit hindi mo sinabi sakin na pinsan mo pala sya?"

"Gusto ko kaseng malaman kung anong nangyare sainyo bakit mo sya tinataguan tyaka malamang pag nalaman mo hindi kana rin sasama sakin, kaya hindi ko nalang sinabi at napagpasyahan ko na sumama sayo, kase nag aalala ako sayo lalo na nung nakita ko ang mga sugat mo, sya ba ang may gawa non?" Tanong nito.

Tumango nalang ako.


"Sorry sa ginawa ng pinsan ko sayo, wag kang mag alala hindi kana nya ulit magagalaw" sabi nito


"Thankyou adrian" nginitian lamang ako nito.


Mga ilang araw din ang nag daan, mas naging mas close kame ni adrian..

Nagpasya na rin ako na bumalik na ng manila para harapin ang mga problema..


Ayoko ng magtago, pagod na pagod na akong laging nagtatago at itinatago..

Gusto ko ng mamuhay ng normal..


"Tita fybs, babalik po kayo dito ha? Mamimiss ko po kayo" sabi ng batang si samantha


"Yes samantha, promise yan ni tita.. magpapakabait ka dito ha? Wag kang magpapasaway kila mommy at daddy mo" bilin ko dito


"Opo tita" sagot ni samantha at ngumiti


"Good girl" sabi ko at hinawakan sya sa ulo.

"Basta fybs mag iingat ka don ha? Wag na wag kang papayag na sasaktan kapa nung nathan na yun" sabi ni jonalyn.


Pag tapos magpaalam ay agad kameng bumyahe ni adrian.


"Pwede ba muna tayong dumaan sa simbahan?" Tanong ko rito.


"Sure" sabi nito at ngumiti.


Dumiretso kame sa isang simbahan.. gusto ko sana ipag dasal ang mga kasalanan ko, gusto kong ituwid na ang mga mali kong nagawa.. sana patawarin ako ng panginoon sa lahat ng pagkakasala ko. Sobrang nagsisisi ako.


After non ay nag punta kame ng salon, nagpa gupit ako ng maikli yung hanggang balikan na buhok.

Nagbabasa lamang si adrian ng magazine habang inaantay akong matapos.

"Lets go?" Pag tapos kong mag gupit ay inaya ko na itong umalis. Pag lingon nito sakin ay natulala ito. Nagulat siguro sya dahil sa buhok ko.


SEXy SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon