Chapter 12: TEXT MESSAGE

347 10 0
                                    

Today is saturday so prof nanaman namin si sir keinth. Yun yung favorite days ng mga kaklase ko eh, crush na crush kase nila si sir.

Nasa room na ako 2 pm palang at may mangilan ngilan na rin naman na pumasok.

Nag earphone ako at nag patugtog ng malakas habang nagse cellphone. Nang may biglang tumabi sakin at kinuha ang isa kong earphone at inilagay nya sa tenga nya. Tinignan ko naman ito at pagtingin ko si sir keinth ito.


"Ang lungkot naman ng music mo" he said


"So?" Pagtataray ko dito.


"Buti wala ng bumastos sayo kagabi?" he said


"Wala naman na, natakot na ata sayo" i said


"Good to hear" sabi nito at bigla akong pinitik sa ilong.


"OUCH!" napasigaw ako sa sobrang gulat ko habang hawak ko ang ilong ko at bigla ko itong nahampas ng kamay ko. Dahilan para mapatingin ang iba kong classmate. Nako baka maissue pa kami nito. "Ano bang ginagawa mo?!" galit na sabi ko dito pero pabulong lang para hindi sila mag isip ng kung ano.


"Ang cute kase ng ilong mo" he said at ngumiti


"Alam ko naman na maganda ako eh, di mo naman kailangan pitikin ang ilong ko. Sabihin mo nalang na maganda ako wag ka ng manakit" pagyayabang ko dito.


"Pero mas maganda ka pag naka smile" he said at umalis na. Napangiti naman ako sa sinabi nito.

Maya maya ay dumating na rin si alexa at ang iba pa. Nag start na kameng magklase.

Para akong lutang na nakatitig kay sir habang nagtuturo.


"Uy Reign tumutulo na yung laway mo!" Sabi ni alexa at kunwari pa ay sinasahod nya ito ng kamay nya.

"Baliw" i said at inirapan ito. Patuloy lang ako sa pakikinig. Active na active ang lahat sakanya.


Matapos nitong mag lesson ay pinag breaktime na kami nito.
So nagsibabaan na kame para kumain kasama ko si alexa.


"Uy girl, naririnig ko yung chismisan ng iba nating classmate ah?" Sabi ni alexa


"Ano namang chismis yon?" Tanong ko rito.


"Napapansin nila na panay lapit sayo si sir keinth" she said


"So ? Hayaan mo sila kung anong iisipin nila, alam ko naman na wala akong ginagawang mali" i said.


Nang makabalik kame sa room ay wala pa si sir. pumunta na kame sa kanya kanyang pwesto namin. Pag punta ko sa upuan ko ay may nakalagay na rose dito.


"Kanino nanaman to galing?" I said


"Uy reign, ang sweet naman ng gumagawa nyan!" Kinikilig na sabi ni alexa


"Mas nakakakilig kung nagpakilala siya, hirap kayang manghula kung sino ba siya" i said.


"Uy lumalove life nanaman si bakla" sabi naman ng katabi kong bakla


"AYIEEEEEEE!" pang aasar ng mga classmate ko.


"Bakit ang ingay?" sabi ni sir pagkapasok nito.


"Sir pumapag-ibig ang babaeng sawi" pang aasar ng ilan. Tinignan naman ako ni sir. Di ko nalang ito pinansin at umupo na.


We continue our lesson hanggang mag uwian na.



"Sino kaya yung mysterious guy na yun?" tanong ni alexa habang nag iisip isip pa.



"Makikilala rin natin siya" i said.


Nagmadali na kameng lumabas dahil mahaba ang pila ngayon dahil saturday kaya hindi na kame tumambay.


Habang nasa Uv kame ay nag fe facebook lang ako. Chinachat naman ako minsan ni sir nangangamusta ganun pero di ko na ito masyadong nirereplyan simula ng maging prof namin sya.


Habang nag fe facebook ako at nakikinig ng music ng biglang tumunog ang phone ko.


*Text message*

From: UNKNOWN

"Take care always Reign" sabi sa text.


"Uy alexa, tignan mo tong nag text oh!" sabi ko dito at ipinakita yung text message.


"Sino yan reign?" tanong nito.


"Hindi ko nga kilala eh, hindi naman nagpakilala" i said


"Nako reign baka yan na yung Secret Admirer mo" sabi ni alexa at niyuyugyog yugyog pa ako nito.


"Ano ba? Wag nga kayong malikot nakakatama na kayo eh!" Galit na sabi nung katabi namin.


"Sorry po" sabi namin ni alexa. Baliw kase tong babae na to eh napagalitan tuloy kame haha.


Pag uwi ko sa bahay ay nireplyan ko ito.


"Who's this?" reply ko dito.


"Secret" sabi sa text


"Sino ka nga kase?" pangungulit ko dito


"Malalaman mo rin soon" reply nito


"Ikaw ba yung nag iiwan sa table ko ng kung ano ano?" tanong ko rito


Nag aantay ako ng reply nya pero hindi na ito nag reply..

My Professor's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon