Chapter 21: DON'T FLIRT MY BOYFRIEND

342 13 0
                                    


"Sabay tayong mag dinner mamaya" text message from keinth


Matapos ang bagong taon ay Back to normal nanaman ang life namin.


Nagtuturo ngayon samin si keinth, syempre walang nakakaalam na kame maliban kina alexa at brix. At kapag sabay kameng kumain nito dapat kasama namin sila alexa, para hindi halata. Pero hindi parin maiiwasan ang chismisan.


"Uy itulak nyo ako kunwari kapag dumaan si sir" sabi nung kaklase kong babae.


Nasa corridor kame ngayon, maya maya pa ay dumaan na nga si keinth. Tinulak naman ito ng kaibigan nya.


"Ouch!" reklamo nito ng itulak sya ng kaibigan nya pero sa halip na babangga siya kay keinth ay nadapa ito. Kaya nag tawanan kame.


"Buti nga sakanya ang landi kase eh" bulong sakin ni alexa


"Wag kang maingay baka marinig ka" suway ko dito


"Bat di ka ba nagseselos ? Eh nilalandi na nga ang boyfriend mo no" she said


"Ano kaba, sanay na ako no, tyaka hindi naman magpapalandi yang si keinth" sabi ko


"Hindi ka nakakasigurado girl" sabi nito.


Nang mag uwian na ay kaunti nalang ang mga estudyante so tumambay muna kame sa park. Bumili kame ng fries and drinks.



"Reign, samahan mo ako mag cr" sabi ni alexa. Sinamahan ko naman ito at iniwan muna namin sila keinth at brix don sa upuan. Pagtapos ni alexa mag cr ay nagsisigawan habang tumatawa kameng bumalik sa park kase kinikilabutan kame sa cr eh, ang dilim na kaya natatakot kame.



"Ano bang sinisigaw sigaw niyo jan grande at devera?" pagtataray ni ma'am rivera ng makita ko ito ay nakaupo ito sa tabi ni keinth


"Sorry ma'am" sabi namin dito agad namang tumayo si brix at nilapitan si alexa


"Bakit hindi pa kayo umuuwi? Puro kayo landi hindi kayo mag aral ng mabuti puro na nga kayo bagsak sa exam, lalo kana grande!" pagtataray na sabi nito


"Ah ma'am hayaan mo na sila, ganyan talaga ang bata. Ikaw ba ma'am hindi kapa uuwi?" Sabi dito ni keinth


"Sasabay sana ako sayo sir naflatan kase ako" malanding sabi nito. Halata namang nang aakit ito.


So syempre buong akala ko ay papayag si keinth kaya kinuha ko na ang bag ko at saka akmang aalis na ng magsalita si keinth.


"Sorry ma'am hindi kita maisasabay may pupuntahan susunduin ko pa kase ang girlfriend ko" sabi nito. Agad naman akong natuwa ng marinig yon "sige ma'am mauna na ako" sabi nito at saka agad na pumunta sa motor nito.


So nag lakad na kame palabas nila alexa. Dun ko nalang aantayin si keinth.


"Nako reign nakakainis talaga yung bruha na yon, napaka landi at lahat pa pinapansin niya panira siya palagi" inis na sabi ni alexa


"Bruha talaga yon" sabi ko dito.


"Grabe naman mag salita yung prof nyo" sabi ni brix


"Ay nako brix ganun talaga kapag walang nagmamahal, ang pangit kase ng ugali ng bruhang yon" sabi ko dito.


Maya maya ay lumabas na din si keinth. Ganito ang gawain namin palagi sa labas ako naghihintay sakanya at dito nya ako inaangkas. Si brix naman ay kasabay palagi si alexa pag uwi.


Sinuotan naman ako ni keinth ng jacket at helmet madilim dito sa pwesto namin umalis naman na sila alexa kaya kame nalang ang nandito.


"Thankyou kanina mahal ah? Akala ko ihahatid mo siya" sabi ko dito


"Ofcourse hindi ako papayag no, kahit ano pang panlalandi ang gawin nya hindi ko sya papatulan" sagot nito.


"Thankyou mahal ko" sabi ko dito saka ako kiniss nito "ano ka ba baka may makakita satin" suway ko dito


"I don't care" he said at umangkas na nga ako sa motor nito at umalis na kame.


Nakayakap ako sakanya.. ang sarap nyang yakapin. Pagkasama ko siya feeling ko ay safe na safe ako.


Inihatid ako nito hanggang gate, hindi na ito pumasok dahil tulog na din sila mommy.


"Ingat mahal ko" sabi ko dito.


"Para sayo mahal ko, i love you" he said


"I love you too" sagot ko dito. At kiniss na ako nito.


Inantay kong maka alis sya bago ako pumasok ng bahay.

My Professor's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon