[ALEXA 's POV]
After the event back to normal nanaman ang life namin.
Nagmamadali na akong umakyat sa room. Habang naglalakad ako sa corridor ng makasalubong ko si reign.
"Uy alexa ang tagal mo naman" she said.
"Natraffic kase ako eh" sagot ko.
"Gusto mo?" Alok nito, nakita ko naman na marami itong hawak na chocolate at kumakain pa ito.
"Ang dami mo namang chocolate, san galing yan?" Tanong ko rito.
"Nakita ko lang don sa loob ng classroom, sige na pumasok kana magsi cr lang ako naiihi na talaga ako" sabi nito at nagmamadaling umalis kaya hindi na rin ako nakapag tanong pa.
Nang makarating ako sa tapat ng room bigla naman akong nilapitan ng isa kong kaklase.
"Ayieeee, sweet naman!" My classmate said at tinusok tusok pa ang tagiliran ko nito.
"Why?" Tanong ko rito.
"Pumasok kana sa loob" sabi nito.
Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Ano kayang meron? So pumasok na nga ako. Pagpasok ko ay may malaking paper bag sa ibabaw ng table ko. Agad ko naman itong tinignan.
Ang laman nito ay isang teddy bear na malaki, then may mga chocolates pa at may nakasulat dito na.
"I love you babe." - Brix
Maya maya pa ay pumasok na si reign.
"Uy thankyou sa chocolates ah, ang sarap" she said.
"Hoy dito pala yan galing baliw ka talaga" sabi ko dito.
Tawa lang ito ng tawa, kahit kelan talaga siraulo tong babaeng to. Natawa nalang din ako sa ginawa nito.
Nang mag uwian na ay agad akong lumabas, nakita ko naman agad si brix na nag aabang sakin sa tapat ng room. Agad ko itong nilapitan.
"Babe thank you ah, Nasurprise ako" masayang sabi ko
"Welcome babe, i love you!" He said
"I love you too" i said
Magkakasama kameng apat ngayon at nagpunta sa greenwich para mag lunch
"Alexa, nasabi mo na ba sa tita mo yung about sa inyo ni brix?" Tanong ni reign
"Hindi pa reign, kinakabahan ako. Baka pagalitan ako ni tita" sagot ko rito.
"Kelan nyo balak sabihin?" tanong nito
"Di ko pa alam" sagot ko dito.
After non ay nag uwian na kame.. hinatid ni lorence si reign at ako naman ay hinatid ni brix.
[REIGN 's POINT OF VIEW]
Makalipas ang dalawang buwan. Still chatting parin with sir keinth.
"Babe maniniwala kaba don sa mga sabi sabi lang? Paniwalaan mo naman ako, bilang boyfriend mo, please!" He said.
"Marami ang nagsasabi sakin Lorence, wag mo naman sana akong gawing tanga" i said.
Yes, Kame na ni lorence and almost 2 months na kame. Nung una okay naman kame, malambing, mapagmahal, ma effort. Hatid sundo ako sa school.
Pero nung nag 1 month na kame nagkakalabuan na kame. Parang bigla syang nagbago.
Hindi na sya masyadong tumatawag at nagchachat, hindi na rin nya ako naihahatid palagi. Bihira na nga lang eh. Lumamig na yung relasyon namin.
"Babe, please. Maniwala ka naman sakin oh! Wala akong babae. Ikaw lang ang babae sa buhay ko" sabi nito.
Nasa 5th floor kame ng building ngayon. Wala na ring masyadong tao. Dahil last day na ngayon ng 1st sem bukas ay sembreak na namin.
"Pwede ba? Sa susunod na tayo mag usap. Ayoko na muna makipag usap sayo" iniwan ko ito at bumaba na ako.
Nakita ko naman sila alexa sa food court kasama si brix.
"Reign! Kamusta? Okay naba kayo ni lorence?" Tanong ni alexa.
"Hindi pa, bahala sya sa buhay nya. Mauuna na ako ah" nagpaalam na din ako sakanila.
"Ingat reign" sabi ni brix at tuluyan na nga akong lumabas ng campus at umuwi.
Dali dali akong lumabas ng campus.
"ANO BA? PAPATAYIN MO BA AKO?!" sigaw ko sa lalaking naka helmet.
Pano ba naman muntik na ako nitong masagasaan. Bakit ba ang malas malas ko naman!
Tinanggal nito ang helmet nya, at pag tingin ko dito si sir keinth pala.
"Bakit kaba kase nagmamadali? Tapos ako ang sisisihin mo" he said.
"Wala" iniwan ko ito dun at dali daling naglakad.
"Gusto mo ihatid na kita?" Napatingin ako dito. Sinundan pala ako nito.
"Hindi na sir" pag tanggi ko dito.
"Pangalawang beses mo na akong tinatangihan ha?" He said.
"Hindi kase ayoko makaistorbo" sabi ko rito.
"Hindi naman ako busy, tyaka may pupuntahan din ako sa greenfields ngayon kaya isasabay na kita" ngiti nitong sabi.
Pumayag nalang ako para hindi na ito mangulit. Inabutan ako nito ng helmet at isinuot ko naman ito.
Habang nasa byahe ng biglang magpreno ng malakas si sir keinth kaya naman napakapit ako sa bewang nito at napayakap ako dito.
"Di mo naman sinabi sakin na balak mo na palang magpakamatay, balak mo pa ata akong idamay" sabi ko dito.
"Gusto mo rin naman yun dahil nakayakap ka naman sa pogi" pagyayabang nito.
"Feelingero ha?" Pagtataray ko dito. Tinawanan lang ako nito.
Nang makarating na kame..
"Thankyou sir!" sabi ko dito at ngumiti naka tingin lamang ito sakin..
Inihatid ako nito hanggang sa pathwalk. Hindi na ako nagpahatid hanggang bahay. Nakakahiya naman eh.
BINABASA MO ANG
My Professor's Love
Roman pour Adolescents"Pero sir, alam mong mahigpit na pinagbabawal ang pakikipag relasyon ng professor sa estudyante" i said "Ako na ang bahala don reign" "Paano kung malaman nila? Ayokong masira ang profession mo" i said. Nagulat ako ng yakapin ako nito. "Mas mahalaga...