Chapter 29: NEWFRIENDS

315 10 0
                                    


[REIGN 's POINT OF VIEW]

Makalipas ang dalawang linggo..


After ng pag punta ni keinth sa bahay ay hindi na ito nasundan pa. Hindi na rin ito nangungulit sa text at tawag. Ni isang chat wala na din.


Inayos ko ang sarili ko, pinilit kong wag umiyak. Hinanda ko ang sarili ko para sa pagkikita namin.


Ibang iba na ang pakikitungo namin ngayon sa isa't isa.
Kapag nasa room kame or kapag nagkakasalubong ay nag dadaan lang kameng dalawa.


Hindi na nya siguro ako mahal, hindi nya manlang ako kinausap. Bigla nalang kameng naging ganito. Wala manlang maayos na break up.


Palagi na rin silang magkasama ni ma'am rivera. Si ma'am rivera lagi din akong pinag iinitan kapag nakikita ako nito. Madalay ipinapahiya ako sa harap ng klase.


Alam mo yung feeling na dati ikaw yung kasama nya? Kasama sa lahat ng bagay.. ngayon ay nasa feeling na siya ng iba.


At balibalita pa sa campus na may something sakanila ni keinth.


Kapag prof namin si keinth ay hindi ito tumitingin sakin. Para lang akong invisible sa paningin nito at parang hangin lang kung daanan ako nito.


Sobrang sakit 2 weeks na rin na ganito ang set up namin. Pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong bumangon dahil ayaw kong maging mahina sa paningin ng lahat.


Minsan nga naiisipan ko itong kauspin pero naiisip ko na para saan pa? Alam ko naman na wala na akong halaga sakanya.


Pilit kong pinapalakas ang loob ko kapag nakakaharap ko sila, pero pag talikod ay dun naman ako biglang naluluha.


Dahil pareho kame ng sitwasyon ni alexa, mas pinili nalang namin na magsaya instead na mag mukmok.


Kaya madalas ay nagkakantahan nalang kame sa robinson para malibang. Maaga kameng pumapasok para makagala and kapag nag eenjoy kame ay hindi na kame pumapasok.


Monday morning ng pumasok ako, it's 10 am hinihintay ko si alexa sa park. Mga ilang sandali ay dumating na din ito.


Nasa park kame ngayon kumakain at nagkwekwentuhan. Ng may biglang tumawag samin mula sa 3rd floor. Agad naman namin itong tinignan.


"Uy allen!" Bati dito ni alexa, maya maya ay bumaba ito at may kasamang isang lalaki. Mga criminology student sila.

"Hi alexa, hi te" bati nito at umupo sa tabi namin ni alexa.

Bali yung isang lalaki katabi ni alexa yung isa naman ay sakin tumabi magkaharapan kase kame ni alexa.


"Wala kayong klase?" tanong dito ni alexa.


"Wala eh" sabi nung lalaki.

"By the way guys, siya nga pala si reign bestfriend ko" pagpapakilala ni alexa sakin.


"Hello te allen nga pala" sabi nito at nilahad ang kamay kinuha ko naman ito. "Yung kasama ko si roy mukha lang siyang manyak pero mabait yan" sabi nito at nagtawanan naman kame.


"Hello te" sabi nya at inilahad din ang kamay kinuha ko rin ito.


"Hello" sabi ko dito at nginitian ko naman ito.


Nasa tabi kame ngayon ng parking lot. Naging close ko naman agad ang mga ito. Nakaharap ako sa parking habang sila alexa naman ay nakatalikod doon.


"By the way saan kayo nag kakilala ni alexa?" tanong ko rito.


"Sa facebook lang, chat chat" he said.


"Nakikipag chat nalang ako kesa mag mukmok ako" sabi ni alexa.


Habang kumakain at masayang nagkwekwentuhan di ko napansin na kinuhaan na pala kame ni alexa ng pictures ni roy. Nagulat nalang ako ng may ipinakita ito sa phone nya. Stolen shots namin ni roy.


"Hoy alexa burahin mo yan" sabi ko dito tuwang tuwa naman sila alexa at allen


"HAHAHAHA BOY ANG POGI MO PALA PAG STOLEN" sabi ni allen at tawa ito ng tawa. Si allen kase gwapo samantalang so roy ay hindi kagwapuhan kaya ang pangit nito sa stolen shots ni alexa.


"Alexa delete that ang pangit ko jan!" sabi ko habang pilit kong kinukuha sakanya yung phone nya. Sakto naman ang pag dating ni keinth. Kakapasok pa lang nito.

Dahil maingay kame ni alexa ay naagaw namin ang atensyon nito. Dahil na din dun siya magpapark sa tabi ng inuupuan namin.


Nagkatitigan kame saglit maya maya bigla akong na out off balance agad naman akong sinalo ni roy.


"Oh mag ingat ka reign, sayang ang ganda mo kung nadapa ka" sabi ni roy.


"AYIEEEEEEEEEEEEEE !" Bigla namang sinabi ni alexa at allen.


"Forever mo na yan boy!" Pang aasar ni allen.



Kitang kita ko naman na nakatingin samin si keinth. Kahit gusto ko siyang tignan ay pinipigilan ko.


Bumalik kame sa pagkakaupo at Nagpatuloy kame sa pagtatawanan, gusto kong ipakita sakanya na masaya ako kahit wala siya sa buhay ko.


Kahit na hindi kagwapuhan si roy ay pinilit kong dumikit dito. Gusto kong makita ni keinth na kaya kong maghanap ng iba. Gusto kong makita nya na naka move on na ako sakanya.


"Oy Closer ah" pang aasar ni alexa ng mapansin na sobrang dikit namin ni roy.


"Burahin mo na yan alexa" sabi dito ni roy


"Ayoko nga bleeeeeeeeh!" Sabi ni alexa at saka dumila ito na parang bata.


"Hayaan mo na yan roy, mag picture nalang tayo ng maganda" sabi ko dito at kinuha ang phone ko.


"1,2,3 smile" sabi ko at pinindot na ito.


"Yieeeeee ang sweet naman ng dalawang to" pang aasar ni alexa, wala parin itong kamalay malay na nasa likod nya na pala si keinth.


"Ayieeee boy hindi kana magiging NGSB" pang aasar nito.

Maya maya ay nakita kong paalis na si keinth.

My Professor's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon