Isang makulimlim na hapon ang tumambad sa akin, nakatulog pala ako! Naalala ko nasa eskwelahan parin ako. Pagdilat ng aking mga mata nakita kong nagkaka-ingay sa loob ng aming silid. 'May teacher pala.' bulong ko sabay ayos ng aking buhok. Hindi niya siguro nakitang natutulog ako.
Naalala ko, wala nga pala si Crush ngayon. Bawat minuto, sumusulyap ako sa kanyang upuan upang tingnan kung siya'y nakaupo doon pero kanina wala siya, lumiban sa klase. Ewan ko kung bakit, gusto kong malaman pero hindi naman kami magkaibigan at nahihiya rin ako kapag pinadalhan ko siya ng isang text. Baka mahalata niyang gusto ko siya kung ganoon..
Sumulyap ulit ako, ito na ang huling pagkakataon na susulyap ako sa kanyang pwesto ngayong araw dahil magga-gabi na at matatapos na ang aming klase. pagtingin ko, nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan. napangiti ako at tumibok ng mabilis ang aking puso sa tuwa ko. Nakumpleto na ang araw ko dahil nakita ko siya!
Lumabas na ng silid namin ang guro namin na walang ginawa kundi umupo lang sa kanyang silya at titigan ang mga estudyante. Nabatid kong lumabas din si Perry (ang aking crush) dala ang kanyang bag, Nakatingin lang siya sa direksyon ng aming teacher na kakalabas pa lang at hawak niya ang kanyang cellphone.
Hawak ko ang aking cellphone pero hindi ko ginagamit ng bigla itong nag-vibrate, may nagtext sa akin. Tiningnan ko kung sino at nagulat ako na si Perry ang nagtext
'Tatawagan kita pero wag mong sasagutin ha :)'May smiling face sa dulo, tumingin ako sakanya pero hindi naman siya nakangiti. Bumilis ang tibok ng aking puso
Dugdug... Dugdug.. Dugdug..Nagulat nalang ako bigla ng tumawag siya sa akin. Totoo? Hindi ako makapaniwala.
Sinunod ko siya at hindi ko sinasagot ang kanyang tawag, tumingin muli ako sakanya at ngayon ay nakangiti na siya. Pagkatapos, pumasok na uli siya sa silid namin at nag-uwian na kami..
Bakit niya ako tinawagan? Para saan? Kung ano man iyon, hindi na mahalaga basta ang saya ko ngayon kasi ang taong gusto ko napasaya ako kahit maliit na bagay lang. maski hindi niya alam na gusto ko siya..
a/n
Tatawagin ko yung crush ko na 'Perry' sa story na ito. Okay? :) xx
Yung chapter na ito, hango sa panaginip ko yiiee nakakakilig ba? ahahah! vote! XD