Friendzone

106 0 1
                                    

Isang maulap na hapon ang aking dinatnan sa aking paaralan, kasama ko ang aking mga kaibigan sa kantina. hindi ko sila kaklase kaya na-miss ko silang kasama. nakaupo kami at nag-uusap tungkol sa aming mga sarili.

Tumunog ang bell ng eskwelahan namin, ibig sabihin kailangan na naming pumasok sa aming mga silid kaya nauna na sila. Nag-iisa nanaman ako. sabi ko habang papunta sa gusali ng aming silid. Nasa baba pa ang aking mga ka-eskwela kaya nakatayo lang ako at wala akong kausap nang biglang,

"ikaw ba si sophia isabelle?" tanong ng bago kong kaklase, kakalipat lang niya sa aming paaralan noong isang araw at nalaman ko ang cellphone number niya kaya siguro niya ako nakilala.

"Oo, sophia." ngumiti ako sakanya at inilahad niya ang kanyang kamay "Perry "nag-shake hands kami.

"Tara na" pumunta siya malapit sa hagdan at doon ko nakita ang isa ko pang kaibigan, si joshua. "joshua, si perry oh." sabay turo kay perry, nakangiti ako ng maluwang dahil gusto ko si perry pero hindi niya alam pero alam ni joshua.

"Ah, Sabay na tayo?" Sambit ni joshua na halatang pinipigil ang kanyang kilig. Tumango si perry at umakyat na kami papunta sa aming silid. Kinalabit ko si perry habang nakatalikod siya at papanik sa hagdan "Perry, sa amin ka nalang tumabi ng upuan" Oo, may kaibigan siya pero parang hindi nila kaibigan si perry. Bakit? Hindi nila binibigyan ng upuan si perry kaya minsan sa lapag nalang siya umuupo. "Oo nga, ayaw ka naman nilang i-serve eh." Banggit ni joshua na sumasang-ayon sa akin. Pumayag si perry at dahil doon, naging kaibigan namin siya.

Nakarating na kami sa aming silid, nasa labas ang aming mga kaklase dahil may mga estudyante pa sa loob kaya nanatili muna kami sa labas. Pumwesto ako sa balkonahe kung aking tawagin, mahangin at malakas ang simoy ng hangin dahil maulap at hindi maaraw. Nakatingin lang ako sa kawalan ng bigla akong kausapin ng babaeng katabi ko. hindi ko makita ang kanyang mukha basta ang alam ko, siya ang pinagsasabihan ko ng nararamdaman ko kay perry. Oo, gusto ko si perry simula ng lumipat siya sa aming paaralan. "Nakatingin sa'yo oh." Nagtaka ako, Sino naman ang titingin sa akin? Hinanap ko kung sino, Tumingin ako kay joshua ngunit may mga kausap siya. Napatingin ako kay perry, nakatingin din siya sa akin at nakaupo siya sa sahig.

Nginitian ko sakanya at nginitian niya din ako, "nahahalatang crush mo siya" sabi ng katabi kong babae habang nakatingin sa kawalan "oo, gusto ko siya simula first day niya." Naramdaman kong bumilis ang tibok ng dibdib ko, "wag mo nalang ipahalata" sabi niya ng may pag-aalinlangan "pero, gusto ko siya"
"baka masaktan ka lang, itago mo nalang yang nararamdaman mo" sabi niya, napayuko nalang ako. Hanggang kailan ko ito maitatago sa kanya? Lalo na at naging kaibigan ko pa siya...

a/n

Yup, that's my real name 'sophia' :)) and that's my guy bestfriend's real name 'joshua'. i-follow niyo daw siya para masaya XD hahaha

eto username niya → imaddicttojadine11

Base nanaman sa panaginip ko ang chapter na to <3

CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon