Sa katirikan ng araw, sumakay ako sa isang jeepney papunta sa isang mall. ako lang mag-isa. Pumwesto ako sa bungad ng jeep sa kanang bahagi, medyo trapik dahil linggo. Ngayon ko lang naranasang mag-isang lumabas wala kasi mga magulang ko at ewan ko ba, miss ko na kasi ang isang tao.
May tatlo ng sumakay ng jeep, ang isa sa harapan nakaupo, ang isa katabi ko pero medyo malayo siya, at ang isa sa kaliwang bahagi nakaupo. Medyo malungkot pala pag ikaw lang mag-isa. 'Bayad po.' Sabi ko habang inaabot ko ang bayad.
Napaka-lungkot lalo na't namimiss mo ang isang tao, yung taong lagi mong naiisip, palagi mong nakikita ang kanyang mukha pero wala siya sa paligid. O sa madaling salita, si Perry.
Nakatulala lang ako sa labas habang umaandar ang jeep, biglang huminto ito sa bandang palengke at may sumakay, magkakaibigan ata sila. dalawang babae at isang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko
Dugdug.. Dugdug.. Dugdug..Yung mabilis na tibok na minsan ko lang nararanasan, kapag nakikita ko ang taong gusto ko.
Nakita ko siya, ang taong gustong-gusto ko ng makita ng ilang linggo, Sa wakas nakita ko narin siya, Si Perry. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Sumakay na ang dalawang babaeng kasama niya at sumunod siya, umupo sila sa upuan sa likod ng driver. Nakasuot siya ng white t-shirt habang ako naman naka-black na long sleeves Opposites do attract?
Hindi na ako mapakali, nakatingin lang ako sa labas habang umaandar ang jeep at ang bilis ng tibok ng puso ko, pati ang utak ko gulong-gulo na. Ano bang gagawin ko? Nagte-text lang ako, nagpapaka-busy. Iniiwasan ko ang kaniyang mata. Ewan ko ba mas lalo kasi akong kinikilig.
Naglakas-loob na ako, kahit nakakahiya man. Tiningnan ko siya at nagulat ako kasi nakatingin na siya sakin bago pa ako makatingin sakanya. Ngumiti siya sa akin, nginitian ko din siya.
Lord, kung panaginip lamang ito sana hindi na ako magising.Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng jeep, Napangiti ako ng palihim at namula ang aking mukha. Gusto ko ng sampalin ang sarili ko pero baka mapagkamalan pa akong baliw. Hindi ako makapaniwala, yung taong nagugustuhan ko ng palihim, Ngumiti sa akin?!
Gusto kong sabihin sakanya ngayon na miss na miss na miss ko na siya. Pero sino ba ako sakanya? Isa lang naman akong taong nagkakagusto kay Perry ng palihim, hindi ko alam kung gusto niya rin ako..
