First Kiss

46 0 0
                                    

Bagong taon, bagong buhay.

Ang hindi lang nagbago ay ang feelings ko kay Perry. Lunes ngayon at nasa klasrum ako, wala si Perry kasi hindi daw siya makakapasok. Hindi ko alam kung bakit, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.

Napakalungkot ko ngayon, miss na miss ko na siya. 'Guess who?' biglang may tumakip sa mga mata ko. Pilit kong tinatanggal pero hindi ko matanggal 'Sino ba to?' Tanong ko at tinanggal na niya ang kaniyang kamay sa mata ko kung sino man siya.

'Perry?' Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko. 'Ay hindi, picture ko lang toh!' Pagbibiro niya sabay tawa, Nakakalusaw yung nakaka-miss niyang ngiti at tawa. 'Ikaw naman eh!' Sabay talikod sakanya na kunwaring nagtampo. 'Syempre joke lang yun' Bigla niya akong niyakap sa likuran ko at namula ang aking mga pisngi. 'Na-miss kita..' Bulong niya sa kaliwa kong tenga na mas lalo pang nagpakilig sa akin. Sobra-sobra na ang bilis ng tibok ng puso ko, Halos mahulog na mula sa dibdib ko pero syempre hindi naman iyon mangyayare.

Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit, Yung feeling na kayo lang dalawa ang nasa paligid at may biglang babagsak na cherry blossoms sa background. 'Hoy, nilalanggam na kayo dyan!' Biglang naglaho ang mga cherry blossoms na dahan-dahang nahuhulog sa paligid, at biglang umekstra ang mga tao sa paligid namin. Sumigaw ang isa naming kaklase, 'Pakialam mo? Naiinggit ka lang.' Pagtataray ni Perry. Aba, ang taray ha?

Hinila niya ang aking kamay at nagpunta kami sa labas. Kung saan kami lang dalawa ni Perry ang nakakaalam, Tanong nyo man sa author hindi niya alam tong lugar na toh kasi wala siyang nilagay na lugar. Basta kami lang dalawa ni Perry, Sumandal ako sa pader. 'Ang ganda mo' Sabi niya ng hinawi niya ang aking buhok sa aking mukha.

Hindi ko na alam ang gagawin ko at hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. 'Sophia, gusto kita.' Bumilis na ng bumilis ang tibok ng puso ko, Wala parin akong imik. Perry, kung alam mo lang ang totoo. Gusto din kita. matagal na. Bigla niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at hinalikan niya ako sa labi. Parang nanigas ang buo kong katawan First kiss ko ang taong gusto ko.

Inilayo na niya ang kaniyang mukha at niyakap niya ako ng mahigpit. 'Pero hindi pwedeng maging tayo..' Sabi niya ng bumitaw siya sa pagkakayakap, Hinalikan niya ako sa noo at bigla na siyang umalis. Iniwan niya ako pagkatapos ng mga nangyare, First kiss, First Hug. Pero bakit hindi pwedeng maging kami?

Nang bigla akong magising, 'Panaginip lang pala!' Sabay bangon sa aking kama ng may luhang pumapatak sa aking pisngi. 'Perry, bakit ganoon?' Tuluyan na akong naiyak habang nakaupo sa gilid ng aking kama. Palagi ko nalang siyang napapaginipan at naiisip. 'Hindi pwedeng maging kami?' Bulong ko sa sarili ko.
Napakasakit malamang hindi pwedeng maging kami sa panaginip, paano pa kaya kapag sa totoong buhay na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon